Hindi makatulog si Angela pag-uwi nya mula sa trabaho, kanina nya pa iniisip kung ano ang magiging response nya sa offer ng kanyang amo. Tumataginting na 50k! sa edad nya ay lubhang nakakalula ang halagang ito lalo pa at talagang kailangan nyang makapag-ipon ng gagamitin para maging tuloy-tuloy ang kanyang pag-aaral.
Maya-maya ay naisipang tawagan ang kanyang kaibigang si Trisha. “Huwattt?? 50k? aba naman fren i-grab mo na yan anu ka ba”, mas excited pa sa kanya ang boses ng kaibigang nasa kabilang linya, “Pero alam mo naman na may pagka-daring ang galawan duon besh, di ba nakakahiya?”
“Parang ganito lang yan eh, pera o bayong?” maarte pang sabi ng kaibigan. “Saka besh alam mo bang marami na din celebrity ang ginagawa yan, saka ikaw mismo ang nagsabi na very civil naman ang mga tao dun nun napanood mo yun jowa ng Sir mo na nagperform kaya malamang ganun ka din” mahabang paliwanag pa ni Trisha.
“Alam mo naman ikaw lang ang masasabihan ko ng mga desisyon ko kaya nga tumawag ako para ipaalam sayo”
“Eh ayun naman pala eh sige go na besh! support kita dyan!” Ito ang naging usapan nila ng kaibigang si Trisha bago sya tuluyang nakatulog.
Matapos na makumpirma kay Ma’am Celine na nasa opisina na ang kanyang amo, agad nagtungo si Angela dito. “Well have you decided Angela?” tanong nito na malalim ang pagkakatingin sa kanya. “Kailan po ako mag start ng training ko Sir?” lihim na napangiti si Rassid ng marinig ang sinabi ni Angela kaya’t agad-agad ay dinukot ang cellphone nito at may tinawagan.
“Miss Gina, yes this is Mr. Villacorta, you can start teaching her tomorrow ok?” Agad nitong ibinalik ang tingin kay Angela na nakikinig lamang sa naging pakikipag-usap ng kanyang amo sa katawagan nito.
“So Angela by tomorrow you will start your session with Ms. Gina be here at 8:00am sharp ok?”
“Sige po Sir, thank you po”. Marami sana siyang gustong itanong sa amo subalit naunahan sya ng hiya at baka isipin pa nito na napaka-demanding niya. Akmang tatalikod sya ng muling magsalita ito.
“Anyway maghapon lang ang magiging pasok mo starting tomorrow. You don’t need to work at night just focus on what Ms. Gina will teach you”, magtatanong sana siya pero parang si Madam Auring yata itong boss ko, nasabi ni Angela sa sarili.
“Buo ang sweldo as part of service staff plus 50k will also start tomorrow kasama na sya sa 2months, any question Angela?” nakatitig na tanong ni Rassid sa dalaga.
Hindi malaman ni Angela kung maiiyak sa sobrang tuwa parang pakiramdam nya ay napakabait naman yata ng kapalaran sa kanya ngayon idagdag pa ang generosity ng Boss nya na akala nya ay masungit noong umpisa.
“Maraming salamat po Sir”, ito na lamang ang nasambit ng dalaga sa amo bago sya umalis ng opisina nito at tanging tango na lamang ang naging sagot nito sa kanya. Lingid sa kaalaman ni Angela, nagdidiwang ang kalooban ni Rassid dahil pumayag ang dalaga sa naging proposal nya dito. “Hitting 2 birds in one stone” makahulugang bulong ng binata pagkaalis ni Angela sa kanyang opisina.
“Girl totoo ba?” tanong ni Keisha sa kanya matapos syang kausapin ng kanilang amo kanina lamang, “ang alin ba?” maang-maangan namang balik-tanong ni Angela sa kanya kahit alam na niyang anytime ay kumakalat na ang napag-usapan nila tungkol sa “extra income” nya sa Hera Club.
“Ah yun ba, oo kailangan ko kasi ng pera para next sem saka susubukan ko lang muka namang ok ano sa palagay mo?”
“Hanga ako sayo, you are smart yang mga ganyang pagkakataon hindi pinakakawalan” sabay kindat nito sa kanya. “Iniisip ko ngayon bakit hindi ako inalok ng ganyan ni Sir Rassid sabay tingin sa kanya ng makahulugan kay Angela.
“Hoy ano ka ba bakit ganyan tingin mo sa akin,” naiilang na tanong ni Angela kay Keisha.
“Matagal na ako dito pero hindi nagbigay ng ganyang atensyon at pabor yang antipatikong Boss natin sa kahit kanino sa amin, sayo lang baka may crush sayo” sabay kiliti nito sa kanyang beywang. Natatawa namang sinaway ito ni Angela. “Wag ka maingay baka may makarinig kung ano isipin, baka naaawa lang sa akin at alam na orphan na ako”depensa naman nito sa sinabi ni Keisha .
“Ay naku whatever pero galingan mo Angela wag mo ipapahiya si Boss, alam mo naman yang mga mayayaman hindi mag-iinvest yan ng para lang sa wala”. Naramdaman ni Angela ang sinseridad sa mga sinasabi ni Keisha kaya naman sa maikling panahon ay itinuring na din niya itong kaibigan, lalo siyang natututo maging praktikal kapag nagkakakwentuhan sila nito sa mga bagay-bagay sa buhay. Hinubog na ng panahon si Keisha at naging palaban na din sa buhay, isa lang ang ayaw niyang gayahin dito, ang igive-up ang pag-aaral. Para sa kanya wala na siyang ibang magiging achievement sa buhay kundi ang makatapos ng pag-aaral, hindi nya bibiguin ang ina sa pangarap nito para sa kanya.
“Guess what?” agaw ni Keisha sa pananahimik ni Angela. “Ano yun?” Tanong naman nya kay Keisha. “Lalo ng magkaka-crush sayo yun mamang yun oh” sabay turo sa isa nilang kasamahan na patingin-tingin sa kanilang pag-uusap. Nanlaki naman ang mata ni Angela at kinurot din sa beywang ang kaibigan, “ikaw talaga, kanina si Sir ngayon naman si Benjie”.
“Malakas ang pakiramdam ko sa mga ganyan, tingnan mo isang araw didigahan ka na niyan” nangingiting sagot ni Keisha. “Ewan ko sayo dyan ka na nga” nakatawang sagot ni Angela habang papalayo sa kausap upang asikasuhin ang paparaming mga customers na isa-isa ng nagdadatingan.
Masigla ang pakiramdam ni Angela ng gabing iyon, lumalakas ang loob nya dahil sa nakikita nyang pag-ayon ng kapalaran sa mga plano nya. Isipin pa lang na makakapagpatuloy sya sa kanyang pag-aaral ng mayroong siguradong magagamit, feeling nya ay malapit na niyang maabot ang tagumpay kahit pa nga 2nd year college pa lang naman sya at maaaring marami pa ang mangyari sa buhay niya.
“Uppss sorry!” hinging paumanhin ni Benjie ng masagi nito ang kanyang braso ng magsalubong sila sa paglalakad. “Okay lang” matipid naman na wika ng dalaga habang kakamot kamot ng batok ang binatang nakabunggo sa kanya. Bigla tuloy naalala ang sinabi ni Keisha sa kanya kanina kaya inisip nya na baka sinadya nito na magpapansin sa kanya. May itsura din naman si Benjie, maputi ito at neat looking kaya lang ay may kanipisan ang katawan, gaya nya ay working student din daw ito pero nasa ika-4th year college na sana sa kursong Information Technology pasukan subalit ayon dito ay mukang mahihinto muna sa susunod na sem at kailangang suportahan muna ang inang nagkasakit. Nakakwentuhan nya ito minsang malapit na silang mag-out at kusa itong nakipagkilala sa kanya. Bigla nyang naikumpara sa isip si Benjie sa kanyang amo na si Rassid. Hamak ang pagiging simpatiko nito lalo pa at sobrang nababanguhan sya sa amoy ng pabango na gamit tuwing siya ay makakalapit dito.
“Study first Angela” saway nya sa sarili habang nuon ay malapit na ang uwian at matatapos na ang oras ng kanyang trabaho.
Abalang-abala ang lahat sa paglilingkod sa mga nagdadatingang parukyano ng Hera Club kaya’t hindi pansin ni Angela ang 2 pares ng mata na laging nakasubaybay sa kanya sa kabila ng pag-inom nito kasama ang mga kaibigan.
“Pare mukang malalim ang iniisip mo ah” bati ni Dave kay Rassid habang magkakaharap sila sa isang panig ng Club. Bigla namang tila nagising ang binata sa sinabi ng kaibigan. “Hindi naman pare, napagod lang siguro ako maghapon akong andito sa opisina maraming papers na ianyos kanina para sa opening ng bagong branch” pagdadahilan na lamang ng binata sa mga kaharap na kaibigan.
Subalit ang susunod na tanong ni Dave ang nakapagpatuwid sa pagkakaupo ni Rassid, “Is that girl new?” sabay turo sa kinaroroonan ni Angela. Nabigla si Rassid sa tanong ng kaibigan hindi nya akalain na may makakapansin sa dalaga maliban sa kanya, well talaga namang marami talagang makakapansin dito kaya nga he keeps his eyes on her dahil sa tuwing magdaraan si Angela sa mga kalalakihan ay nakikita nya kung paano napapalingon ang mga ito sa dalaga lalo pa at napaka ganda nitong ngumiti.
“Yeah”, matipid na sagot ni Rassid,
“Can you call her here to serve us w/more ice” makahulugang ngiti nito sa kanya at kapag ganun ang itsura nito ay nababasa na ni Rassid ang nasa utak ng kaibigan kaya’t agad niya itong sinaway. “Stop it will you?” seryoso nyang sagot kay Dave.
“Hey may mali ba sa sinabi ko?” natatawang tanong nito sa kanya, “”I can smell your blood bro, leave her alone” muling wika ni Rassid.
“Bakit masama ba eh kung pwede lang naman…”
“I said stop it!” mariing wika nito kay Dave na ikinagulat nito at ng iba nilang kaibigan kaya’t nagtaas sya ng kamay upang ipakita na wala siyang balak makipagtalo dito. “Okay fine cool ka lang bro”, sabay tahimik nito na hindi na nakipagtalo kay Rassid. Sa tagal nilang magkaibigan, kilala nya na ang mga galaw nito, kanina pa kasi niya nakikita ito na sinusundan ng tingin ang dalagang itinuro nya and he himself find the girl attractive. Mukhang bata pa subalit hindi maikakaila ang magandang hubog ng katawan kumpara sa ibang kasamahan nito.
“Pasensya ka na, napagod lang ako”, sabay tayo ni Rassid at nagtungo sa kanyang opisina. Ibinagsak ni Rassid ang sarili sa sofa ng kanyang opisina habang naiinis sa sarili. Hindi nya na kasi maintindihan ang sarili, everyday he keeps on thinking of Angela, halos ayaw na niyang pakawalan ito ng tingin kulang na lang na utusan ang mga tauhan nya na huwag titingnan ang dalaga because he want her to be exclusively for him alone.
Nababaliw na yata ako, bulong ni Rassid sa sarili. Maya-maya ay tumunog ang kanyang cellphone at nakita sa screen ang pangalan ni Rhiana. “Hey darling where are you?” maarte nitong tanong. “Work as usual”, walang gana namang sagot ni Rassid dito. “I missed you…” halatang may pang aakit sa tinig ni Rhiana sa kabilang linya. “See you on Saturday I’m busy” sabay patay nito sa kanyang cellphone at hindi na hinintay ang sagot ng kanyang girlfriend.
Wala syang balak umalis ng Hera Club lalo na at bukas na ang first day ng training ni Angela, gusto nyang sya ang personal na maghatid sa dalaga sa training session nito, kahit magmukha siyang driver nito o yaya ng dalaga basta gusto nyang lagi lang nakabantay dito. Isang lingo na din syang hindi nakakauwi sa sariling condo, and don’t even visit his parents. Nakatulog sya ng hindi namamalayan at hindi na nabalikan ang mga kaibigan.