bc

Man of my Dreams

book_age18+
1.2K
FOLLOW
3.7K
READ
contract marriage
age gap
arrogant
drama
humorous
lighthearted
serious
weak to strong
love at the first sight
naive
like
intro-logo
Blurb

Angela was a woman of perseverance. A tragic accident in her life leads her way to reach her goal. She think all is well according to her plan but in a blink, everything turns out to be void. Never in her life to think of a man in her dreams not until she was decieved and fall inlove with an arrogant man.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“Manong para na po sa kanto!!” Sigaw ni Angela sa driver ng jeep, agad-agad syang bumaba  at excited na umuwi sa kanilang bahay upang ibalita sa kanyang ina na natanggap siyang Scholar ng University na kanyang papasukan.  “Yes!  Sigurado matutuwa si mama kapag sinabi ko sa kanya ang good news ko!” subalit ang kasiyahan ni Angela ay biglang napawi ng makita nya na maraming tao sa labas ng kanilang bahay at bigla siyang kinabahan.  “Mama! Maaaa!! Paraan po ano pong nagyayare?” Napahinto si Angela sa pagpasok ng bahay ng mabungaran ang duguang katawan ng kanyang ina sa kanilang sala at tila wala ng buhay.  “Lumapit sya dito at pilit ibinabangon ang duguang katawan ng kanyang ina, “Ma anu ba nangyare andito na po ako maaaa!!! Ang naghihisterikal ng sigaw ni Angela.                 “Tulong po, parang awa nyo na dalhi natin sa ospital ang mama ko!!” subalit ni isa sa mga nakapaligid ay tila napako sa kinatatayuan at walang ginawa kung hindi tingnan ang pangyayari. Maya-maya ay hangos na tumatakbo palapit sa kanya ang kanyang bestfriend na si Patricio a.k.a. “Trisha”.  “Besh anong nangyari sa mama ko bakit ganito sya, sino gumawa sa kanya nito?” ang sunod-sunod na tanong ni Angela habang yakap pa din ang kanyang ina habang nagpapalahaw ng iyak sa nangyari.  Napayakap na lamang sa kanya ang kaibigang si “Trisha” at hinagod-hagod ang kanyang likuran upang kalmahin siya.  Muli ay nagtanong si Angela, “Besh ano ba ang nangyari kay mama?" Luhaang tanong nya sa kaibigan.  “Besh ang Tito Luis mo ang may gawa… nakita ng mga kapit-bahay na nagtatalo sila ng mama mo kanina tapos maya-maya tumatakbo na lang palayo ang Tito Luis mo pagpasok ng mga kapitbahay dito. ganyan na ang nagyari sa mama mo, hinabol sya ng mga nakakita sa kanya pero nakatakas na besh”. Nag-ngangalit ang mga bagang ni Angela sa sinabi ng kaibigan kanina pa lamang na nakita na niya ang ina ay kinutuban na siya agad na posibleng ang Tito Luis niya ang may gawa nito. Mula ng mamatay ang kanyang ama ay namuhay na lamang sila ng kanyang nabyudang ina, subalit dumating sa buhay nila ang masugid na manliligaw nito, ang kanyang Tito Luis.  Maganda ang naging pakikiktungo nito sa kanilang mag-ina, maayos ang trabaho, isang dahilan kung bakit ginusto na din ito ng kanyang mama, sabi nito sa kanya, mabubuhay silang mag-ina sa piling ng Tito Luis niya, matandang binata kasi ito, sa edad na sampu, naunawaan naman niya ang kanyang ina at nagsama na nga ang mga ito. Sa paglipas ng panahon, maganda ang naging umpisa ng pagsasama  ng kanyang mama at Tito Luis, inari na din siyang anak nito at kahit kalian ay hindi niya kinakitaan ng hindi magandang pagtrato, hanggang sa isang araw nakita niyang umiiyak ito kausap ang kanyang ina.  “Luis huwag mong masyadong damdamin ang sinabi ng doctor, mahal pa din kita kahit na ganyan ang findings nya sa iyo, walang magbabago".  Noon ay labing-limang taon na siya at may pagkaunawa na sa nangyayari. Alam niya kung gaano kasabik ang kanyang tito Luis na magkaroon ng sariling anak sa kanyang mama, madalas nitong banggitin sa kanya na bibigyan siya ng kapatid subalit ang matagal na paghihintay ay natuldukan ng kumunsulta ang mga ito sa doctor at masuri ang kanyang Tito Luis na baog, bagay na hindi matanggap nito. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pagsasama ng kanyang Mama at Tito Luis, natuto na itong uminom at makibarkada na dati ay hindi naman nito ginagawa, subalit pilit pa ding pinagtatakpan ng kanyang ina ang lahat ng ito sa kanya kahit ang totoo ay alam niyang nahihirapan na ding makitungo ang ina sa kanyang stepfather.  May mga pagkakataon na  naririnig niyang nagtatalo ang mga ito subalit wala siyang magawa, sinasabihan kasi siya ng mama niya na unawain na lamang ang kanyang Tito dahil may pinagdadaanan ito. Subalit ang paminsan-minsan na pag-aaway  ay naging madalas at umabot sa punto na pati siya ay napag iinitan na ng kanyang Tito Luis.  Nalaman nila ng kanyang ina na natutong gumamit ng ipinagbabawal na gamot ang kanyang stepfather kaya’t may mga pagkakataon na naiisip ng kanyang mama na hiwalayan na lamang ito. Habang tumatagal, nalulong nga ito sa drugs na naging dahilan din para masaktan ang kanyang ina, bukod pa sa naging seloso ito dahil sa insecurities ng malaman na wala itong kakayahan na magka-anak.  Subalit likas kay Angela na maging palaban sa buhay, ugaling minana  niya sa kanyang yumaong ama, sa halip na panghinaan ng loob, sinikap niyang mag-aral ng mabuti lalo pa ngayon at makokolehiyo na siya sa edad na 18.  Nais niyang makatapos para mailayo na niya ang kanyang mama sa kanyang Tito Luis  at hindi na umasa ng buhay nilang mag-ina dito subalit hindi niya sukat akalain na dadating sila sa punto na ganito, mawawalan siya ng ina sa kamay ng kanyang Tito Luis. Napakabilis ng pangyayari.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
57.1K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

KIDNAPPED BY THE HOT UNCLE

read
53.7K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.0K
bc

The Ex-wife

read
232.1K
bc

Hate You But I love You

read
62.8K
bc

NINANG PATRIZ (SPG)

read
24.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook