Hindi nagtagal, nagdatingan na nga ang mga Pulis at kinubkob ng yellow tape ang lugar ng pangyayari. si Angela ng mga oras na iyon ay tila nakalutang na lamang ang isip habang nasa kandungan pa din ang wala ng buhay na ina.
Pagkabigla, lungkot at galit ang nasasaisip niya ng mga oras na iyon sa sinapit ng kanyang ina na tinadtad ng saksak ng kanyang Tito Luis, paano nito naatim na gawin ito sa kanyang mama, hindi naman ito naging masamang asawa sa pangalawang pagkakataon.
Gabi na ng maisaayos ang burol ng kanyang ina sa mismong bahay ng pinangyarihan, sa kasalukuyan ay pinaghahanap na ang kanyang tiyuhin ng mga kapulisan dahil mabilis itong nakatakas gamit ang sasakyan nito sa trabaho.
Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala si Angela sa nangyari sa kanyang ina na si Ester. Ang kaibigan niyang si Trishia ang kasa-kasama ni Angela sa burol kasama ang ilang may concern na kapit-bahay hanggang mailibing ang kanyang ina.
“Besh uwi na tayo”
Bulong sa kanya ni Trishia na nuon ay palaging nakaalalay sa kanya hanggang sa paghahatid sa huling hantungan ng kanyang ina na si Ester.
Sumunod naman siya dito na tila hinang-hina ang buong katawan dahil sa labis na lungkot ngayon at wala na ang kanyang mama.
“Paano na ako ngayon?” ang nasa isip ni Angela.
Sa bahay ng kanyang Tito Luis ay hindi siya iniiwan ng kanyang kaibigang si Trishia at ilang mga kapit-bahay dahil natatakot sila sa maaring biglaang pagbalik ng kanyang Tito Luis at siya naman ang mapahamak.
Nag-offer ang bestfriend nyang si Trisha na tumuloy na lang muna si Angela sa bahay nito dahil dadalawa lang din sila ng kanyang ina sa bahay dahil OFW ang ama nito. Humingi ng kaunting oras si Angela kay Trisha upang maisaayos ang naiwang mga gamit ng ina gayundin ang sa kanya.
Pagpasok nya ng silid ay napayakap na lamang siya sa photo frame nilang mag-ina, buhay na buhay ang picture nila ng kanyang mama kaya’t lalo siyang napaiyak kapag naiisip ang masasayang araw nila.
Napakabait at napakamaasikaso ng kanyang ina, sadyang wala lang din itong magawa nuong nakisama ito sa kanyang Tito Luis kundi umasa dito dahil hindi naman naranasan na magtrabaho nito kahit noon sa kanyang yumaong ama, sadyang pambahay lamang ang napakasimple niyang mama.
Pagbukas niya ng cabinet upang kunin ang kanyang mga damit, napansin niya ang maliit at kulay purple na kahon. hindi niya ito pansin ng mga nakaraang araw subalit ngayon ay agad niya itong kinuha dahil wala siyang matandaan na binili niya o binigay ng mama niya para sa kanya.
Binuksan niya ang kahon at nagulat siya dahil may passbook itong laman. agad niya itong tiningnan at nakita niya ang laman nito halos nasa kulang dalawang daan libo ang laman ng passbook ng kanyang mama. Kasama sa kahon na ito ang isang sulat na nakatupi at agad niya itong binasa.
“Sa aking Mahal na Angela,
Advance Happy Birthday anak…. Excited ang mama sa ika-18th birthday mo kaya gusto kong ipakita sa iyo ang naiipon ko para sa pag-aaral mo, mag-aral kang mabuti anak, hangad ko ang tagumpay mo sa buhay at alam kong matutuwa din ang papa mo kapag nakita niyang matagumpay ka sa buhay. Wag kang mag-alala, mag-iipon pa uli ang mama para matapos mo ang pag-aaral, kaunting tiis lang anak makakawala din tayo sa Tito Luis mo mas hinahangad ko sa ngayon ang maitagpos kita sa pag-aaral, kaya kong tiisin ang lahat para sayo.
Mahal na mahal ka ni Mama….”
Halos madurog ang puso ni Angela sa sulat ng ina, bigla niyang naalala 18th birthday nya na nga pala sa susunod na linggo pero sa nangyari sa kanya parang hindi na nais ni Angela na isipin pa ang tungkol dito.
Niyakap nya ang kahon na pinaglagyan ng passbook at sulat ng kanyang mama ng may mapansin siya na nalaglag sa sahig, isang kwintas ito na may pendant na letter A, lalo siyang napaiyak dahil damang dama niya kung paano pinagsikapan ng mama niya na mapasaya siya sa kabila ng sinasapit nito sa kanyang Tito Luis.
“Besh okay na ba ng mga gamit mo?”
Ang tinig na nagpagising sa kanyang diwa kaya’t pinahid niya ang luha at unti-unting isinilid ang kanyang mga damit sa bag na lalagyan nito, tinulungan na din siya ng kaibigan na si Trishia upang mapabilis ang pag-eempake nya ng kanyang mga gamit.