CHAPTER 3

2246 Words
“Pasok ka Angela” ang wika ng Mommy ni Trishia na si Divine.  Walang-kibo naman siyang pumasok kasama ang bff nyang si Trishia at nagpasalamat sa ina ng kaibigan.  “ Maraming salamat po sa pagtanggap ninyo sa akin tita, pasensya na po kayo sa abala ko sa inyo”, nahihiyang sabi ni Angela dito. “Wag mong intindihin yon Angela, parang anak na din ang turing ko sayo kaya ipalagay mo ang loob mo dito sa bahay”.  “O ayan besh ha narinig mo don’t be shy basta andito lang kami ni mommy para sayo”. “Sige na trisha samahan mo na sya sa magiging kwarto nya”, utos ni Divine sa anak.  “Besh salamat ha, paano na kaya ako kung wala kayo ni Tita Divine,” malungkot na sabi niya sa kaibigan.                   “Naku ito naman, wag ka mag-isip ng kung anu-ano besh ang importante nasa safe na lugar ka na ngayon, magpahinga ka muna at namumutla na ang beautyness mo ilan araw ka din walang tulog, but as for me…. maiwan muna kita dyan at parang napapabayaan ko na ang aking mga ombres hihihi” na sinabayan ni Trsihia ng malakas at malanding pagtawa na ikinatawa na din ni Angela, kahit papano sa pagbibiro ni kanyang bff ay naiibsan ang sobrang lungkot nyang nararamdaman.                   Paglapat pa lamang ng katawan ni Angela sa higaan ay agad na siyang hinila ng antok, nagising na lamang sya ng maramdaman ang sikat ng araw sa kanyang mata kaya’t bigla siyang napabalikwas ng bangon.  “Umaga na pala”, nasabi nya.  Inayos niya ang kanyang kama at inumpisahang ayusin ang sarili, nahihiya siya at naalala niyang nasa ibang bahay nga pala siya kaya kailangan niyang makisama.  Kahit nag-iisang anak, sinanay sya ng kanyang Mama Ester na matuto ng mga gawaing bahay, katuwiran nito, para kapag napunta sya sa ibang bahay ay kagiliwan sya at hindi maging pabigat sa iba. “Goodmorning Angela, masarap na ang tulog mo kagabi kaya hindi ka na namin ginising ni Trishia halika na at mag-almusal na tayo”.                   “Si Trisha po?” tanong nya.  “naku masanay ka na sa kaibigan mo na iyon na kapag umaga at walang pasok babangon na lang yon kapag kakain na ng tanghalian napakapasaway nagpuyat na naman siguro kakachat sa mga ombres nya” Nangingiting sabi ng ina nito. Napangiti si Angela sa sinabi ni Divine dahil lahat ng nagiging boyfie ng kanyang bff ay hindi nito inililihim sa kanya. Nang makakain sila ay agad niyang hinugasan ang mga pinagkainan at pagkatapos ay dumiretso ng banyo upang maligo.  Matapos magbihis nagpaalam siya sa kanyang Tita Divine na lalabas saglit, “san ang punta mo anak?” wika nito.  “Ah eh pupunta lang po sana ako ulit sa puntod ni Mama”  “hindi mo na ba isasama si Trishia? “ "Ok lang po tita huwag na  po, malapit lang naman yun dito isang sakay lang saka may dadaanan po ako sa isang classmate ko naalala ko po may kailangan akong tapusin na research hindi ko na po natapos dahil sa nangyari kay mama pakisabi na lang po kay besh babalik din ako agad”  "Ok sige mag-iingat ka, maging alerto ka lalo at hindi pa nahuhuli ang Tito Luis mo”  “Opo tita salamat po”, ang marahan niyang sagot dito.   Bigla siyang nakaramdam ng kaba sa sinabi ng kanyang Tita Divine, hindi na nga pala normal ang sitwasyon dahil sa nangyari sa Mama nya, idagdag pa na kahit anong oras ay nagmamanman lamang ang kanyang Tito Luis sa kanya. Isang kanto lang ang layo ng bahay nila kina Trishia subalit sa ibang kanto sya dumaan, ayaw niyang makita sa ngayon ang bahay na naging saksi sa kalupitan ng kanyang Tito Luis sa kanyang ina, matapos niya itong isara ay wala na siyang balak na bumalik duon total ay hindi naman ito talaga sa kanila kundi pag-aari ng pamilya nito ang maliit na lote na kinatatayuan ng kanilang bahay.   Nasa Mindoro ang mga kamag-anakan ng kanyang ina, kwento nito sa kanya hindi naging maganda ang buhay nito sa probinsyang pinagmulan dahil sa sobrang kahirapan idagdag pa na iresponsable daw ang kanyang lolo kaya’t ng mamatay ang ina nito na kanyang lola ay tumakas na ito at sumama sa isang kaibigan paluwas ng Manila dahil pinagmamalupitan din silang 3 magkakapatid.  Hanggang sa mga panahon na ito ay hindi niya alam kung ano na ang nangyari sa mga kapatid ng kanyang ina.  Sa side ng kanyang ama? May nag-iisa itong kapatid na babae na sa pagkakwento nito ay matagal ng nasa abroad at tila duon na nagkapamilya, mababait din ang lolo at lola nya dito subalit pareho na ding yumao, actually halos sunod-sunod ang mga ito na nawala sa knila ng Mama nya. “Napakalungkot ba ng buhay ko bakit parang mag-isa ko na lang talaga?”  Naitanong ni Angela habang binabagtas ang papunta sa abangan ng jeep ng bigla siyang napahiyaw ng biglang may pumrenong kotse sa kanyang harapan, hindi nya namamalayan na may mga sasakyang tumatawid dito kakaisip ng kung anu-ano habang naglalakad. “Miss anu ba gusto mo na ba mamatay? Mandadamay ka pa eh!” Wika ng inis na driver ng kotse.  “P- pasensya na po kuya” ang tanging nasabi ni Angela.  “Ang aga-aga badtrip!” narinig pa niyang sinabi nito habang pabalik sa kotse nito.    “Mama, miss na miss kita agad"  wika ni Angela habang nasa harap ng puntod ng ina sabay ang pagtulo ng kanyang luha.  “Andaya mo naman kase, hindi mo pa naririnig yun goodnews ko, Ma nakuha akong scholar sa University matataas daw kase yun grades ko sa 1st sem, pangako ko sa yo mama, kahit anong mangyari magtatapos ako ng pag-aaral”.  Balak pa sana niyang magtagal subalit bigla siyang nakaramdam ng kaba, pakiwari nya ay hindi sya nag-iisa sa paligid at bigla nyang naalala ang sinabi ng Mommy ni Trishia kaya dali-dali na syang nagpaalam sa Mama nya at agad lumayo sa lugar na iyon.   Lumipas pa ang mga araw at nasanay na din si Angela na mag-isa sa buhay, mabuti na lamang  at laging nakaalalay sa kanya ang ina ng kanyang bff na si Divine, kahit papano ay madali siyang nakalimot lalo na at pakwela lagi ang kaibigang si Trishia hanggang isang araw ay di niya sinasadyang marinig nya ang usapan ng mag-ina.  “Tumawag ang Daddy mo, na-ospital daw sya duon at naka-confine” ang narinig nyang sabi nito sa anak.  “OMG anong nangyari kay Daddy?”  “Tumaas daw ang presyon inoobserbahan pa hanggang ngayon dahil parang na mild-stroke, sabi nya kapag hindi naging stable ang lagay niya ay baka pauwiin na lang sya ng company nila malungkot na sabi ng kanyang Tita Divine”  Agad namang nalungkot si Angela para sa mag-ina, gaya ng mama nya, sa bahay lamang ang mommy ni Trishia kaya iniisip nya ngayon na baka mauwi ang daddy nito ay makadagdag pa siya sa pasanin ng pamilya ng kaibigan.  Mula ng mag-stay sya dito ay wala siyang inintindi sa pagkain kahit pa naglabas sya sa naipon ng kanyang Mama sa passbook nito at iniaabot sa kanyang Tita Divine bilang tulong sa panggastos sa bahay subalit tinanggihan nito at sabi sa kanya ay gamitin na lamang sa pag-aaral niya.   Hindi makatulog si Angela ng gabing iyon, bigla niyang naisip ang realidad na hindi magtatagal mauubos ang iniwan na pera sa kanya ng kanyang ina. Patapos na naman ang isang sem, 2nd year na sya sa susunod na pasukan at alam nyang kalaunan ay mauubos na ang hawak nyang pera, bigla siyang  napabangon at malalim na nag-isip kung paano sya magsu-survive, hindi nya maaaring iasa na lamang habang panahon ang sarili sa bahay ng kanyang kaibigan lalo pa at malamang sa mauwi na din ang ama nito dahil naconfirm na nagkaroon nga ito ng mild stroke.  Hindi nga nagtagal at napauwi na ang Daddy ni Trishia, hirap itong maigalaw ang kalahati ng katawan although hindi naman totally imbalido, ipinakilala sya dito ng mag-ina subalit bakit may pakiramdam siya na hindi ito natutuwa at nandoon sya sa bahay nito. Napansin din ito ng mag-ina kaya’t kinausap sya ng bff na si Trishia,  “Besh wag mo intindihin si daddy ha, medyo strikto talaga kase yun saka siguro hindi pa ok ang pakiramdam nya”.  “Naku besh wag mo ako alalahanin naiintindihan ko ang sitwasyon ng daddy mo, ok lang ako anu ka ba!” wika nyang nakangiti sa kaibigan.  “Guess what?”biglang sabi ni Angela,  “may boyfie ka na den?"agad naming tanong ni Trishia na hindi maitago ang excitement  at tumitiling wika nito,  “ssshhhhh! Anu ka ba di ba sabi mo strict ang daddy mo baka mapagalitan tayo hihihi”  “Ay true ka besh alam mo bang ipit na ipit at pinong pino ang mga kilos ko ngayon dahil kahit tanggap nya ng ganito ako alam kong ayaw nyang nakikita na masyado ang kabaklaan ko”, malungkot na sabi nito sabay labi sa kanya na parang nagpapacute pa,  “loka umayos ka kung ayaw mong sabihin nya sayo na magpakalalaki ka na lang” sabay tawa nya dito. Umikot ang mata ng kaibigan sabay sabi nito sa kanya.  “haleeerrrr! babae po ako sa isip, sa puso, at sa alindogggggg!” malanding nag emote pa ito sabay irap sa kanya, napapasaya sya ng kaibigan sa tuwing umaarte ito ng ganito sa kanyang harapan kaya’t nakurot nya ito sa bewang kaya’t napatili ito pero agad ding tinakpan ang bibig dahil sa takot sa ama.  “Teka balik tayo sa sasabihin mo besh anu nga yon?” Tumikhim si Angela at tiningnan ng diretso ang mukha ng kaibigan,  “Sem-break na natin next week besh, may papasukan akong work sa malapit sa school part-time job, saying din kase yun maiipon ko duon, ayoko kasing mahinto ako sa pag-aaral”.  “Well that’s good to hear besh”, atleast di ba hindi masasayang ang time mo habang bakasyon kaso it means na hindi na tayo makaka-gimik madalas together,” maarteng nagpalungkot pa ito ng mukha.  “Okay naman salary pwede na sa wala pang job experience na gaya ko kaso besh mukang magkakaproblema ako sa pagpasok night shift ako ma-aassigned eh kailangan ko ng mas malapit na matitirhan yun walking distance lang sana”.   “Hala sya! Need ba talaga yun? Hmnnnn.. umamin ka, baka naman nag-aalangan ka na lang dito sa haws dahil andito na ang pudrabels ko?” " No! besh it’s not that, nagkataon lang talaga na nagustuhan ko yun offer na trabaho and since malapit naman din sya sa University na papasukan ko next sem naisip ko siguro panahon na din ito para tumayo naman ako sa sarili kong mga paa, nagpapasalamat talaga ako sa pamilya mo sa pagkupkop sa akin dito pero time will come naman talaga besh aalis din ako dito di ba napaaga lang talaga”…  “Nakakalungkot naman,mula nung dumating ka dito sa amin feeling ko talaga lalo akong naging ganap na babae dahil alam mu yon besh, sharing tayo lagi sa mga beauty tips, mga jowabels ko… ganon di ba?"   “Ito naman para namang hindi na tayo magkikita syempre dadalawin naman kita dito noh at ganun ka din sa akin, isesettle ko lang muna lilipatan ko para in case na dalawin mo naman ako eh maganda maging hang-out mo sa place ko”  "Teka, teka,besh parang nagugustuhan ko yang sinasabi mo, you mean pwede akong dumalaw sayo comfortably with my “ombres”? natapik nya ang balikat ng kaibigan sa sinabi nito, hindi pa man ay may maitim na itong balak ng kalandian na gustong itago sa mga magulang.  “Of course! Were sisters in crime noh! But make sure na “ombre” talaga dadalhin mo duon ha!” nakangising sabi nya sa kaibigan.  “Ako pa ba besh? Alam mo naman ang taste ko, maganda ka lang ng isang guhit sa akin pero daig kita kase ako may jowa pero ikaw zero! As in wala!” maarte at nang-iinis na sabi nito sa kaibigan.  “Hay nako hindi pa man pero ito ang mamimiss ko sayo besh” wika ni Angela,  “me too sissy” iniisip ko pa lang parang kapag nasa labas lang ako ng bahay magiging free lalo at andito na si daddy jusko di ko ma-imagine ang sarili ko na parang walang laya huhuhu!”   “Huy wag kang ganyan anu ka ba, dapat nga happy ka kase finally after 10years nakumpleto na din kau ng pamilya mo samantalang ako…”  “O ayan na naman sya mag-uumpisa na naman! Halika na nga at humayo tayong magpacharming sa labasan baka makasilay tayo ng sariwang “ombre”  sa paningin ko”  “Sira ka talaga besh!” natatawang nasabi na lang ni Angela sa kaibigan na halos igiling ang balakang sa pagmamartsa palabas ng kanyang kuwarto,  “let’s go girl, let’s explore and expose our beauties” na may pakurap-kurap pang nalalaman.  “Patricio!” mariing tawag naman ng Daddy ni Trishia sa kanya ng makitang nag-iinarte ang anak.  “OMG halika na besh kunyare diko sya naririnig” baka mabatas na akong tuluyan ni pudra” naghahagikgikan at dahan-dahan silang lumabas ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD