CHAPTER 4

2257 Words
“G—Goodmorning po Sir..." Pagbati ni Angela sa nakatalikod na kausap subalit hindi ito natinag sa kanyang ginawang pagpaparamdam dito.  Yumuko lamang si Angela at hinintay na  humarap ang kausap at ng mag-angat siya ng paningin ay nakatitig na ito sa kanya na labis niyang ikinagulat. “Goodmorning" Malamig na bati nito at nakita nyang hawak ang kanyang resume’ sa inaaplayang trabaho. Sa tingin nya ay nasa mid-50’s na ang lalaking nag-iinterview sa kanya at mukha itong malinis manamit sa suot na kulay puting longsleeves na nakalupi hanggang siko.   “So you are Angela Valmonte…” "umhnnn… “yes sir” magalang na sagot niya.  “Have a seat”, utos nito sa kanya na kaagad sinunod.  “And you are applying as part-time waitress did you?”  “yes sir” muling sagot ni Angela na bahagyang ngumiti ang yumuko sa kausap bilang paggalang.  “First-time job mo ito and from the way I look at your resume’ nag-aaral ka pa sa ngayon, do you think you can cope up with the job?”   “I’ll try my best Sir”, maingat na sagot ni Angela.  “Are you aware that you will be working in a club?, hindi ka ba nagdalawang-isip since you have just turned 18?”   “Wala naman po akong pinipiling trabaho Sir basta po marangal lang, what’s more important to me is to survive so that I can continue to study” napangiti ang kausap ni Angela sa determinasyong nakita sa dalaga.  “Well I have to inform you that I was just in-charge here for several days but my son Rassid was the one managing this Club, may business meetings lang sya abroad so I took the responsibility for the moment because we are in a hurry for our business expansion.  And as for me, you’re hired and you can start next week as scheduled”nakangiting wika ng lalaking kaharap ni Angela.  “By the way I am Rodolfo Villacorta, the owner of this Club” sabay lahad ng kamay ni to kay Angela.   Masayang napangiti si Angela sa narinig, kaya’t nagpasalamat sya sa kaharap, kahit may edad na ito, mababakas sa tindig at aura nito na marahil ay maraming nahaling na mga babae dito noong kanyang kabataan.  “Maraming salamat po sir, pagbubutihin ko po ang trabaho ko” nakangiting pangako nya kay Mr. Villacorta.   Nakalabas na ng building na pinag-aplayan si Angela subalit hindi pa din maalis ang ngiti sa labi nya, sa wakas may trabaho na siya! Bigla nyang naalala na kailangan pa nga pala niyang maghanap ng magiging boarding house malapit sa kanyang magiging trabaho at University, nang magpaalam sya sa kaibigang si Trsihia at hindi pa niya sigurado kung matatanggap nga sya sa trabahong inaplayan nagsinungaling lang sya sa kaibigan sa kagustuhan na makapagpaalam na din sya sa pagtira sa bahay nito dahil simula ng dumating ang daddy nito ay hindi na siya naging komportable sa pagtira dito.  Wala man itong sinasabi subalit ramdam nya na hindi sya ganoon ka-welcome sa daddy ni Trishia kaya pakiramdam nya ay pabigat na sya sa pamilya ng kaibigan. Sadyang malakas lang talaga ang kanyang loob  na tumayo sa sariling paa.   “Tao po, tao po..” tawag ni Angela sa labas ng  gate na may nakalagay na karatulang “Room for Rent”.  Maya-maya ay may lumabas ng may edad na babae mga nasa mahigit singkwenta anyos na ito at parang tingin nya ay style donya buding ito, natawa naman sya sa biglang naisip.  “Interesado ka sa kwarto?” agad na tanong nito sa kanya.  “Ah eh opo sana, gusto ko po mag-inquire manang kung magkano ang renta”, tumingin ito sa mukha nya sabay tingin hanggang ibaba, in short head over heels ang pagkatingin sa kanya ng may katabaang babae na medyo ikinaasiwa ni Angela.  “Sumunod ka sa akin” wika nito…   “Two Thousand per month ang upa dito pwera ang ilaw at tubig, one month advance one month deposit, may sarili kang CR kaya may privacy ka, maliit lang ang space kaya kung interesado ka magdecide ka na ngayon din para maireserve ko na ito sayo”, tuloy-tuloy na sabi nito sa kanya habang siya naman ay abala din sa pag-iikot ng mata sa tutuluyang kuwarto.  “May sampayan sa itaas sa 2nd floor kung yun ang hinahanap mo, sabi nito ng mapansin siya na may hinahanap sa loob ng kuwarto, sa palagay niya ay mukha namang magiging komportable siya dito kaya  pinareserve nya na ito sa nagpakilalang land lady na si Aling Beatriz.  “ Ako po si Angela” ang ganting sagot nya naman dito.   “Well kung nagustuhan mo ang lugar kailangan mo nang magdown agad ngayon at kung marami kang gamit bawasan mo dahil sakto lng ito para sa galawan ng isang tao baka hindi ka maging komportable kung marami ang dala-dalahan mo”, tuloy-tuloy na wika nito.  “Ah eh wala po ako maraming gamit, malamang na damit at ilang gamit lang sa daily needs ang madadala ko po dito,. “Estudyante ka ba?” tanong nito “Opo pero may part-time job po ako mag-uumpisa na ako next week sa pag-uumpisa ng sembreak, magalang nyang sagot dito.   “Ok kung ganon pag naglipat ka dito, bigyan mo ako ng kopya ng Student ID mo”, sigurista ako nakita mo naman hindi pipitsuging boarding house ang property ko kaya gusto kong nasa ayos ang lahat, may kayabangan pang wika nito. Sabagay totoo naman dahil ng makita nya ito nakita nyang secured ang gate at para itong raw house na maliliit kaya’t agad niyang nagustuhan bukod pa sa magiging accessible talaga ito sa University nya at papasukang trabaho. Agad syang nagdown dito gamit pa din ang natitirang ipon ng kanyang Mama, alam niyang malapit na itong mauubos lalo ngayon at hihiwalay na siya kaya kailangang gumawa sya ng paraan pansuporta sa kanyang mga pangangailangan lalo na sa kanyang pag-aaral.  Nagpaalam na siya at sinabi naman ni Aling Beatriz na maari na siyang maglipat ng gamit kahit anong oras, matapos nitong abutan siya ng resibo sa downpayment ng upa sa bahay.   “Angela mag-iingat ka duon anak” , wika ni Aling Divine na may bahagyang lungkot sa pag-alis ng para na niyang itinuring na anak.  Sa totoo lang ayaw naman niyang paalisin pa ang dalaga sa kanila pero gaya ni Angela at Trisha, ramdam niyang hindi komportable ang asawa sa presensya nito sa kanilang bahay kaya’t nang mapag-alaman nyang ayos naman ang bahay na lilipatan  nito at magkakaroon na ito ng trabaho, binigay nya ang kanyang basbas kay Angela.  “Magpapaalam na po ako Tito Ador maraming salamat po sa pagkupkop ng pamilya nyo sa akin dito”, ang sabi ni Angela habang palabas ng bahay, tahimik lamang itong tumango at hindi kababakasan ng kung anumang reaksyon. “Dadalaw ka dito madalas Angela ha”, ang bilin naman ni Aling Divine sa kanya.  “Opo naman Tita, mami-miss ko ng sobra si besh aniya sa kaibigang halatang malungkot sa kanyang pag-alis.  “Lika na besh matamlay na wika nito habang bitbit ang isa sa mga bag niya at 1 portable electric fan na ipinadala na nila sa kanya upang hindi pa niya siyang bilhin para sa bagong tirahan.  “Siguraduhin mong pwede akong dumalaw sa iyo duon beshy ha, “ bilin ni Trisha sa kanya habang sakay ng pampasaherong jeep papunta sa kanyang boarding house.  “Matulog ka pa!” ganting sagot naman niya sabay kindat sa kaibigan, na mukang nagustuhan naman nito ang idea kaya sumaya na uli an mukha nito.  “Good idea besh, anu ba yun place may mga boarders na “ombre?” nakangisi at malanding tanong nito sa kanya. “Ikaw ha, isusumbong kita kay Tita Divine”, sabi nyang nang-aasar sa maarteng kaibigan na hindi pa man ay may maitim ng balak.  “Ito naman hindi na mabiro” sabay kurot nito sa braso nya. “ouch!”  “Talaga ba masakit? Arte mo ha besh ha, arte, arte, arte!" Sabi ni Trishia  na hindi tumitingin  sa kanya at alam nya ang dahilan nakita nyang nangingilid ang luha sa mga mata nito, para na kasi silang magkapatid at kahit kailan ay hindi sya nakaramdam ng pagkailang dito dahil mabait at disente itong bakla. Mahilig lang sa guapo pero nangjojowa lang sa online, takot din makipagkita sa mga inookray sa sss.  Agad naman siyang sumandal sa likod nito at nasabi nyang “ Mami-miss talaga kita besh ko”…. Hinarap sya nito at pakunyaring inulit ang sinabi, “arte talaga oh!” at sabay silang nagtawanan.  May isang oras na ding iniwan na siya ni Trishia, actually nagkaiyakan pa silang mag bff ng aalis na ito at nagpromise naman siya na dadalasan ang pagdalaw sa bahay ng kaibigan na minsang naging parte ng kanyang buhay.  Tinulungan pa siya nito na mag-ayos ng kanyang maliit na kama na ipinahiram ni Aling Beatriz. Nang magtanong  kasi sya kung saan may malapit na palengke upang makabili ng folding bed, ipinahiram na lamang nito sa kanya ang extra nitong single bed, ibinili nya na lang ito ng  manipis na foam sanay naman sya sa hindi magarbong higaan.  Nagpasama muna sya kay Trishia na bumili ng gamit sa bahay para sa kanyang daily needs lang at ilang grocery, kailangan nyang tipirin ang natitirang pera sa banko para mag-survive siya. Matapos na makakain ng hapunan mula sa karinderyang malapit sa boarding house, agad ng nagpahinga si Angela. Kahit sa hapon pa ang umpisa nya ay gusto nya munang aralin ang bagong lugar na tinitirhan nya para maging mabilis ang pagtravel nya sa papasukang trabaho at kapag nag-umpisa na muli ang kanyang ikalawang taon sa kolehiyo.  “Dalawang taon, konting tiis pa Angela” ang nasabi nya sa sarili bago tuluyang napapikit na sa pagtulog. Mataas na ang araw ng siya ay magising, sinadya nyang magpatanghali ng gising para energized sya mamaya sa trabaho. 5pm-10pm ang schedule nya sa part time job na pinasukan. Maya-maya ay napasilip siya sa kanyang maliit na bintana ng may marinig na boses ng nag-uusap na mga lalaki, iniisip nya na baka ito ang mga kapit-bahay nya  dito.Tinanaw niya ang mga ito mula sa kaliwang bahagi at duon nya namataan ang 2 lalaki na may edad 20 pataas ayon sa estimate nya.  Upppss!! Teka parang ombre ah! Nasabi nya sa sarili pero natawa sa agad na naisip dahil naalala na ito ang paboritong term na ginagamit ng kaibigang si Trishia para sa mga guapong lalaki.  Muli siyang bumalik sa higaan at humiga pa ulit pero para hindi na para matulog, naisip nya lang na 18 na nga pala sya pero kahit isa ay wala pa syang naging boyfriend.  Nuong highschool ay marami syang naging manliligaw, bakit nga hindi eh campus figure sya, lagi syang nakukuhang muse pero kahit kailan ay hindi sumali sa mga beauty contest kahit marami ang nagpu-push sa kanya na sumali at may malaki naman siyang karapatan. Sa edad na 18 ay katawan na ito ng isang ganap na dalaga. Ang height na 5’ 5inches tall ay binagayan ng makurbang katawan na may makinis at maputing kutis, nakuha niya ito sa kanyang ina na bagamat simple ay mababakas ang angking ganda nito. Pero ang iba ay nagsasabi na mas marami ang nakuha nyang features sa kanyang Papa, matangos na ilong, mapupulang labi at bagsak ang kanyang itim na itim na buhok, bagay sana ang maagpahaba pero mas gusto nyang hanggang shoulder lamang ito dahil tamad siyang mag-ponytail. Marami nga ang nagsasabi na kahawig nya daw si Ara Mina pero tinatawanan nya lang ang mga nagsasabi nito dahil kung paniniwalaan nya ito ay parang naiimagine nya ang sarili nya na sexy star dahil ganun ang image nito sa industriya ng showbiz.  ”Eh sexy ka naman talaga kase” tanda niyang sabi ng kanyang bff na si Trishia.  “Heh! Tumigil ka, basta ako si Angela Valmonte period!” Sa ganung pag-uusap niya tinatapos ang issue kapag napag-uusapan ang pagkakahawig niya kay Ara Mina. Palabas sya ng pinto ng kuwarto ng mapansin na andun pa din ang dalawang lalaki na narinig nya kanina. Napatingin naman ang mga ito sa pagbukas nya ng pinto at nakita nyang siniko pa ng isa ang kausap nito ng makita sya.  Bahagya syang ngumiti sa mga ito, naisip nya kailangan din niyang maging mabuti sa mga kapit-bahay.  “Kalilipat mo lang Miss?” bati ng isa sa mga ito samantalang ang isang lalaki ay walang imik at nakatingin lang sa kanya na naghihintay ng sagot sa tanong ng kaibigan.  “Ah oo kahapon lang”, sagot ni Angela.  “Derick” sabay lahat ng kamay nito sa kanya. “Angela” ganting sagot niya. Nang hindi mahintay ni Derick ang kaibigan na magpakilala ay siya na ang nagpakilala dito. “ito nga pala ang bestfriend ko si Gab” napilitan itong sumagot nice to meet you Angela subalit hindi iniabot ang kamay gaya ng ginawa ni Derick kaya’t patay-malisyang nagpaalam na lamang siya na bibili ng lutong ulam sa tapat na karinderya. “Nakita mo yun bro, ang ganda ng bagong kapitbahay naten” bulong ni to kay Gab ng makalayo si Angela sa kanila.  “Ayan ka na naman natatawang sabi nito, pero deep inside him nang makita nya ang dalaga ay agad syang humanga sa ganda nito subalit sinarili lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD