Ikinakabit ni Angela ang name tag nya sa gawing dibdib,habang suot ang uniform na ibinigay sa kanya ng nagpakilalang si Ma’am Celine na head ng service department.
Simpleng blouse na de butones ang pantaas nito at hapit na pantalong slacks ang tabas dahilan upang obvious na makita ang magandang kurba ng kanyang katawan lalo pa at naka-tuck-in ito, binilinan din siya na huwag rubber shoes ang suotin kundi atleast 2inch high heeled shoes kaya nagmukha siyang “boss” sa kanyang tingin dahil ganito ang nakikita nya sa mga fastfood chain gaya ng Mcdo at Jollibee, natawa sa naisip si Angela dahil ang totoo waitress sya sa trabahong ito mukhang sosyalin lang ang dating.
Iniikot nya ang paningin sa paligid, may ilang empleyado nang naghahanda at naka-assign sa bar na eleganteng nakapwesto sa isang panig ng club, may mga staff naman ng tagalinis at sya naman ay binilinan na pagseserve lamang ang gagawin at ugaliing maging courteous sa lahat ng pagkakataon.
Past 5pm at nag-uumpisa ng magdatingan ang mga tao sa club, na-observe nya na hindi ordinaryong empleyado lamang ang nagpupuntahan dito, katunayan karamihan sa mga ito ay nakapang-office attire. Napapalibutan kase ng nagtataasang building sa lugar na iyon ang “Hera Club” na pinasukan niya, at masasabi na ang kinaroroonan ng club ay hindi pipitsuging building kaya nga naging interesado sya agad mag-apply ng minsan marinig nya ito sa kanyang kaklase na nagbabalak umaply subalit sa kasamaang palad ay hindi ito natanggap at siya ang nakapasok.
“She has what it takes to get the job”, sabi nga.
Sa isang sulok ng club ay napansin nya ang isang lalaki na tahimik umiinom at nag-oobserba sa mga tao sa paligid, marahil ay nasa more or less 30 years old ito at hindi maikakaila mukang “ombre” ito kahit sa malayo, hindi nya naiwasang mangiti sa kabila ng kaabalahan sa pagseserve, nag-uumpisa na kasing dumami ang tao at dito nya nakita na halos karamihan ng nagpupunta dito ay may kaya base sa pananamit at galaw ng mga ito.
“Angela!” narinig nyang tawag ng isa sa kasamahan nyang waitress si Keisha, maganda din ito matangkad lang sya ng kaunti nakilala nya ito kanina sa dressing room at ayon dito ay matagal na itong nagtatrabaho duon full time dahil hindi na ito nag-aaral, breadwinner ng pamilya.
Lumapit naman sya agad dito matapos na mailapag ang mga baso at yelo na kinailangan sa isang table kung saan puro mga lalaki na malagkit na nakatingin sa kanya, litaw kasi ang kanyang ganda sa mga kasamahan na nagsisilbi duon.
“dalhin mo daw it okay boss sabi ni Ma’am Celine”, utos sa kanya nito.
“Boss? andito si Mr. Villacorta? Inilapit bahagya ang kanyang mukha kay Keisha upang marinig sya dahil malakas na ang background music sa lugar at marami na ang tao.
“Oo andito na kaya dalhin mo na ito sa kanya at gusto ka daw tuloy makilala, go girl kaya mo yan!” sabi pa nito na iniaabot ang tray na lalagyan ng yelo sa kanya.
Bigla siyang kinabahan lalo pa at inutusan syang dalhin ito sa lalaking kanina nya pa napansin na nasa isang sulok at tinawag nya pang “Ombre”, ito na marahil ang sinasabi ng mas matandang Villacorta na anak nito.
Tumikhim sya at inilapag ang hawak na tray sa harap ng lalaki, “goodevening Sir” bati nya dito.
“Are you new here?” ganting sagot nito na hindi sinagot ang pagbati nya at matamang nakatingin lamang ng diretso sa kanya kung saan sinusuri sya nito mula ulo hanggang paa na ikinailang naman ni Angela.
“Yes sir” matipid niyang sagot.
“You may go”, matipid lang na sagot nito na ikinagulat ni Angela akala nya kasi ay iinterview-hin din sya nito gaya ng ginawa ng ama nito dahil sabi nga nito ay ito ang Manager ng Hera Place.
“Ok sir” sabay talikod naman ni Angela sa lalaking sa tingin nya ay nakatitig sa kanya mula sa likuran kaya’t hindi niya naiwasang bahagyang matapilok dahil sa tense na nararamdamang may nakatingin sa kanya palayo, napangiti naman ang lalaking iniwan sa nangyari kay Angela at nasabi nito pabulong,
“so young, “ sabay tungga sa iniinom na alak.
Sumapit ang ika-1o ng gabi at natapos na ang trabaho ni Angela, kahit ang totoo ay nag-uumpisa pa lamang maging abala ang paligid at nag-uumpisa pa lamang magkasiyahan ang iba. Hinilot nya ang mga paa na bahagyang nangawit dahil sa suot na heels at kakalakad pabalik-balik sa loob ng club.
Naabutan sya duon ni Keisha na nuon ay mukhang tapos na din ang trabaho dahil nagpapalit na ito ng damit.
“Estudyante ka siguro”, sabi nito sa kanya habang hindi nahiya na hinubad ang uniform sa harap niya at nagsuot ng seksing damit.
“Ah eh oo, part time job lang ako buti lang pandagdag sa budget pag nag start ang Sem. “Napangiti ito ng mapait sabay sabi
“ganyan din ako sayo nuon 3 years ago, but I quit at nag-fulltime na lang ako dito maganda naman ang pasweldo”.
“Ganun ba, sayang naman hindi mo na pala naituloy ang pag-aaral mo”, sagot ni Angela.
Nakita niyang naglagay ito ng mapulang lipstick sa labi at kinuha sa locker ang mataas na high heeled shoes katerno ng daring nitong damit, samantalang sya ay simpleng skinny pants at blouse lamang ang suot pauwi.
Nakita nito na pinapanood ang nya ginagawang pagibihis at ito na din ang sumagot sa tanong sa isip nya kung saan pa ito pupunta samantalang malalim na ang gabi.
“Susunduin ako ni boyfie”, sabi nito sa kanya sabay kindat, sabagay nasa edad na ito tingin niya ay matanda lamang ito ng 3 taon sa kanya subalit may panghihinayang sya sa sinabi nito na hindi na ipinagpatuloy ang pag-aaral.
“Sem-break naman pwede mo i-request kay Ma’am Celine na magfulltime ka, 5pm hanggang closing”, tip pa nito sabay ng nagpaalam na mauuna na ito sa kanya.
“Ok sige ingat ka” sagot ni Angela.
Past 10pm ng makalabas sya sa Hera Club, medyo malalim na ang gabi pero hindi naman natakot si Angela sa pag-uwi dahil may ilan-ilan pa siyang nakakasabay sa paglakad, ang iba pa nga dito ay grupo na galling sa pinapasukang club mukhang mga Office girls na halatang tinablan na ng nainom mula sa club na pinanggalingan.
Matapos ang halos may sampung minutong paglalakad nakarating si Angela sa tinutuluyan, tahimik na ang paligid kaya dahan-dahan niyang binuksan ang gate upang hindi makaabala sa iba. Isasara nya na ito ng bigla syang may marinig na yabag at bahagyang nagulat ng biglang lumitaw sa harap si Gab, ang binatang nakilala nya kanina na kasama ni Derick.
Napasapo sya sa dibdib sa pagkagulat at nahalata naman ito ng lalaki kaya nag-sorry ito sa kanya.
“ah eh ok lang nagulat lang ako” sabi nya. Magakasunod silang pumasok at narinig nyang tanong nito, “may trabaho ka din?”
“Oo”, matipid niyang sagot at ngumiti sabay ng pagbubukas nya ng sariling pinto ng apartment.
“ah okay sige dito na ako” sagot naman nito at mabilis na ding tumalikod sa kanya patungo sa susunod na pinto, magkakasunod sila nina Derick na umuupa sa apartment na ito.
Pagdating sa loob ay agad nahiga si Angela sa kanyang maliit na kama na akala mo ay pagod na pagod, bakit nga hindi ito ang unang beses nyang magtrabaho kahit pa sabihing sanay siya sa gawaing bahay iba pala ang sadyang “may trabaho”
May libreng pakain para sa mga empleyado ng club kaya hindi na kinailangang maghanda ni Angela ng hapunan at natuwa sya sa balitang iyon dahil naisip nyang tipid points ito sa gaya nyang nag-uumpisa pa lang mapag-isang namumuhay.
Matapos na maglinis ng katawan ay agad siyang nakatulog at paggising kinaumagahan ay nakita nya sa cp nya na 9am na ng umaga. Bahagya siyang nag-inat-inat at nagligpit ng hinigan. Maya-maya naisipan niyang magsaing sa maliit nyang rice cooker at nagprito ng itlog at hotdog sa kanyang portable na butane stove.
Ito lamang ang nakayanan nya ng bilhin dahil wala din naman syang balak na magluto lagi lalo at nakita nyang malapit lang ang bilihan ng pagkain mula sa tinitirhan.
Nagtimpla sya ng kape at tahimik na nag-almusal habang hawak nya ang cellphone at nag-scroll sa sss. Kailan nga ba siya huling nag-online? Hindi na nya matandaan, basta ang alam nya natapos at natapos ang 2nd sem pero puro research lang ang ginagawa niya sa kanyang cellphone.
Inopen nya ang profile sa kanyang f*******: account, isa itong paru-paro na tila pinakawalan ng isang kamay mula sa malayo, ito yung mga panahon na kalilibing lamang ng kanyang Mama Ester, maliban dito ay mga dating post na lamang nya kasama ang kaibigang si Trisha ang makikita dito.
Bigla niyang naalala ang kaibigan, at agad idinial ang nito, matagal bago nito sinagot ang tawag nya kaya naisip niyang tulog pa ang besh nya. Halatang bagong gising ang sumagot sa kabilang linya.
“hello”, ang sabi nito na halatang tinatamad pa magsalita,
“goodmorning beshy ko”, sagot nya.
Biglang napabangon si Trisha sa kinahihigaan matapos na marinig ang tinig ni Angela,
“Ay besh ikaw pala goodmorninggggg mwahhhh!" Maarteng sagot nito na ikinatawa nya dahil naiimagine nya ang itsura nito habang nagsasalita.
“As usual tulog pa ang prinsesa”, komento ni Angela.
Natawa naman ang kaibigan sa kabilang linya at maya-maya ay nasabi nito, “alam mo naman nakipag-okrayan na naman ako sa aking mga ombres hihihi” malanding sagot nito.
“Ikaw talaga bangon na at tulungan mo si tita Divine kay Tito Ador” utos nya sa kaibigan.
Si Trisha naman ay napaikot ang mata sa tila nanenermon na kaibigan pero natuwa sya dahil kahit ganon ang trato ng daddy nya sa kaibigan ay mahahalata pa din ang care nito sa kanyang pamilya.
“yes madam” pabirong sabi nito sa kanya sabay tanong nito kung kumusta ang 1st day of work niya.
“Okay naman, hindi masyadong mahirap pero nakakapagod sa paa pabalik-balik magserve”, kwento nya sa kaibigan. Marami pa silang napagkwentuhan at maya-maya pa ay nagpaalamanan na sila at nagpromise sa isa’t-isa na kung sino ang may free time ang siyang tatawag.
Matapos na maglinis ng kanyang apartment at iaayos ang iba pang gamit, nakaramdam ng pagkabagot si Angela, mag aalas-dose pa lamang ng tanghali pero sa tingin niya ay wala na siyang magawa sa buhay lalo pa at mamayang bago mag alas singko pa ang pasok nya.
Bigla tuloy niyang naalala ang sinabi ni Keisha kagabi, ano kaya kung request niya kay Ma’am Celine na magfulltime habang semestral break sayang pa ang kikitain nya dito sa loob ng kulang 2 buwan kung sakali iga-grant nito ang kanyang request.
“Oo tama sasabihin ko sa kanya mamaya” nasabi ni Angela sa sarili. Habang nag-iscroll ay hindi namalayan ni Angela na nakatulog na sya at nagising na lamang bandang ikatlo ng hapon, napabalikwas pa sya ng bangon at agad naisip baka kung anong oras na at mali-late sya sa pagpasok sa trabaho subalit nakahinga ng maluwag ng Makita ang oras.
Kumalam ang kanyang sikmura, bigla nyang naalala na hindi pa sya nakapag-lunch. May ready to eat syang mga pagkain, sadya nyang dinamihan ito dahil isa talaga sa weakness nya ang pagluluto, nasanay siyang ipinagluluto ng kanyang mama ng nabubuhay pa ito, hindi nya nakuha ang talent sa galing nito sa kusina.
Nagbukas sya ng isang tuna at iyon ang kinain dahil ang inilutong kanin ay sapat hanggang sa kanyang pananghalian, total libre naman ang dinner sa club at aaminin nya masasarap ang pagkain doon palibhasa ay duon nagsisikain ang mga staff boss nila, kahit sabihing tira na lang nila ito, blessing pa din na maituturing ito ni Angela sa isang kagaya niya.
Matapos na makapagpahinga sa pagkain ay naghanda na siya ng gagamitin sa pagpasok, 6 sets ang uniform na ibinigay sa kanya kahapon na bago lahat kaya naman hindi problema ang pagpapalit nito araw-araw, madalian nyang hinagod ang lukot na parte niato dahil ayaw nyang nagsusuot ng gusot-gusot na damit, isa ito sa kanyang ugali lalo pa at kahit anong isuot nyang damit ay bumabagay sa kanya dahil sa kanyang magandang tindig.