Samantala hindi alam ni Angela kung ano ang iisipin sa sinabi ni Rassid, maski siya ay hindi nya maintindihan ang sarili kung anon a ang mararamdaman at anon a ang paniniwalaan. Bakit kailangang sabihin sa kanya ng Boss nya ang mga ganoong bagay kung alam naman pala nito na mahalaga sa kanya ang pag-aaral. But is he really inlove with me? May kilig sa isang panig ng kanyang puso subalit may pag-aalala dahil alam niyang hindi basta-basta ang pagbabanta ng girlfriend nito na si Rhiana at alam nyang hindi ito magpapatalo sa kanya lalo pa at mukhang spoiled brat ito.
“Girl anong pinag-usapan nyo ni Sir?” nakaabang na pala ang dalawang kaibigan na halatang sabik sa kung anong sasabihin nya. “Pinapirma lang ako ng kontrata”, matipid na sagot ni Angela na hindi tumitingin sa dalawa.”Eh bakit parang malungkot ka? Hmnnn..liar ka ha!” kantiyaw naman ni Keisha at sabay sila nagngisngisan ni Kathy. “Ang kukulit”… natatawa subalit pinili na lang na iwanan ni Angela ang dalawa dahil malalim ang kanyang nagiging pag-iisip dahil sa mga nangyayari.
“Marami na ang nagdadatingan na mga bar-goers ng sumapit ang ika-8:00 ng gabi,kaya naman lahat ng team ni Angela ay may kanya-kanya na ding pinagkakaabalahan at salamat naman dahil hindi na siya naatupag na kulitin ng dalawang kaibigan. Maya-maya ay nakita nyang papasok na din si Rhiana na may mga kasamang 3 babae na sa itsura at gayak ay mukang mayayaman dahil sa sosyal na pananamit at kilos, pumili ito ng table at nakita nyang abala ang babae na tila may hinahanap sa paligid. Saktong dadaan sya upang maglagay ng yelo sa katabi nitong table ng mamataan sya nito.
“Oh here she is!” biglang kinabahan si Angela sa klase ng pagngisi nito sa mga kaibigang kasama. “Could you take for us our orders sa counter, pakibilisan!” maangas na sabi nito na tila nagpapasikat sa mga kasama. “Okay ma’am”, matipid na sagot ni Angela at agad na itong tumungo sa bar tending upang kuhanin ang alak na gusto ng mga ito. Pagtalikod nya ay agad naming nagbulungan ang 3 kasama ni Rhiana at tinanong ito kung si Angela nga ang kinukwento nito sa kanila. “Is she the girl?wow ha! You have the reason to be insecured in fairness”, sabi ng isang kasama nito at sabay pang nagtawanan ang mga ito kaya’t nakatikim sila ng matalim na irap kay Rhiana na mukhang may binabalak na gawin kay Angela.
“Ang bagal mo ha in fairness!” tila naiiritang sabi nito kay Angela na sumagot naman ng mahinahon sa kanila. “Ah pasensya na po ma’am medyo marami kase nakapila na orders”, kahit kinakabahan at naaalangan ay pinilit pa din maging courteous ni Angela sa mga babaing kaharap. “For your information priority ako dito ‘coz I’m Rassid’s girlfriend and I am the one and only Dancing Queen in this place! You should bear that in you mind!” maanghang na dagdag pa nito.
“Okay po ma’am pasensya na po ulit, ikukuha ko lang kayo ng yelo”, paalam ni Angela at ng palayo na sana sya sa table ng mga ito ay hinarang nito ang paa sa daraanan nya kay muntik na siyang madapa buti na lamang ay nakasalubong nya si Benjie na isa sa kanyang mga kasamahan at nahawakan sya nito kaya bahagya pa siyang napasubsob sa braso nito. “Okay ka lang Angela?” nag-aalalang tanong nito sa kanya samantalang aliw na aliw naman ang grupo ni Rhiana sa nakikitang pambu-bully ng mga ito sa dalaga. “Ok lang ako, na out of balance lang ako”, pagsisinungaling nya sa binata. Nang lingunin ni Angela si Rhiana ay nakangisi ito sa kanya at ni hindi humingi ng paumanhin sa ginawa at sadyang nagkakatuwaan pa kasama ang mga kaibigan.
IIling-iling na lamang si Angela sa ginawa ni Rhiana sa kanya, kailangan nyang maging mahinahon dahil ito ang kabilin-bilinan sa kanila ni Ma’am Celine. Totoong hindi ganoon kabigat ang trabaho sa Hera Club subalit ang isipin na karamihan sa nagpupunta dito ay mga may kaya sa buhay, karamihan din sa kanila ay may “attitude problem” gaya ni Rhiana. Agad siyang kumuha ng bucket of ice upang dalhin sa table nina Rhiana. Pagkababa nya sa lamesa ay nagpaalam na sa mga ito at tumalikod na subalit narinig nyang nagsalitang muli ito sa kanya. “Hey service girl aren’t you going to serve the ice on our glasses?”
Tahimik naman na sumunod si Angela na nagtitimpi dahil hindi naman na nila obigasyon na service crew na ipaglagay ng yelo ang mga bar goers dahil sa SOP nila na may “preferences” ang mga customers patungkol sa paglalagay ng yelo o kung gaano kadami ang gusto nilang inumin, maliban na lang kung nakaharap sila sa bartender at magpapatimpla ng iba’t-ibang klase ng alak. “Are you really that clumsy?” naiinis na namang tanong ni Rhiana kay Angela. “Maglalagay ka lang ng yelo inaabot ka na ng siyam-siyam dyan!” this time ay mas malakas na ang boses nito at tila sinasadya para ipahiya sya hindi lamang sa mga kasama nito kundi maging sa mga kalapit na customers sa table ng mga ito.
“I’m sorry ma’am hindi kase kami sanay na kami ang naglalagay ng ice sa…” hindi na naituloy ni Angela ang sasabihin dahil ibininuhos na ni Rhiana sa mukha nya ang laman ng baso nito matapos na masalinan na nito ng alak ang baso na may laman pang yelo kaya’t tumama pa ang cubes nito sa mukha ni Angela at napatili sya sa pagkabigla. Kumuha ng atensyon ang nangyayari sa dalawa at kitang-kita iyon ng mga kasamahan ni Angela kaya agad tumakbo si Keisha sa opisina ni Rassid upang sabihin ang nangyayari.
Samantala, hindi alam ni Angela kung iiyak o lalaban dahil hindi nya inaasahan na gagawin sa kanya ito ni Rhiana. Nakaramdam sya ng sakit sa mata dahil sa alak na tumapon sa kanya isama na ang ilang ice cubes na kasama nitong pagalit na ibinuhos ni Rhiana sa kanya. Lumapit sa kanya si Benjie at tinulungan na pulutin ang hawak nyang tray na nabitawan kanina. Samantala si Rhiana ay biglang nag-iba ng aura ng makitang marami ng nakatingin sa kanila at kunyari ay nag-sorry sa kanya. “Omg! Im so sorry hindi ko sinasadya, may masakit ba?” patuyang tanong nito at kunyari kumuha ng tissue sa bag upang iabot kay Angela sabay bulong “that’s just right for you copy cat!”.
Nasa ganun silang pangyayari ng maabutan ni Rassid na basa ang mukha ni Angela ng alak habang nakapikit pa ito at hindi maidilat ang mga mata. Inakay na sya ni Benjie at humahangos naman na nilapitan ng dalawang kaibigan si Angela at inilayo na ito sa table nina Rhiana. “Halika sa office ko mag-usap tayo!” sabay hablot sa braso ng dalaga at halos kaladkarin ito ng binata papunta sa kanyang opisina. “Get off your hands on me! Inaano ba kita!” pagalit pang sabi nito habang wala syang choice kundi sumunod na maglakad kay Rassid dahil hawak nito ng mahigpit ang kanyang kamay.
Isinalya ni Rassid ssi Rhiana sa couch habang madilim ang mukha na naktingin sa dalaga. “Di ba sabi ko sayo spare Angela?!” What are you doing? The poor girl was just working pero pinuperwisyo mo!” Gusto mong kaladkarin kita palabas ng Club sa panggugulo mo? This was a decent bar hindi lugar para sa mga kagaya mong barumbado!” humihingal sa galit na sabi ni Rassid.
“Galit ka ba sa akin dahil na eskandalo ko ang bar mo o dahil sa ginawa ko kay Angela? I didn’t mean to do it! Sorry!”, matapang pang sagot ni Rhiana.
“Hindi mo sinasadya how come na sa mukha nung tao tumapon yun alak mo? Coincidence pa din ba yon? I’m warning you Rhiana once na ulitin mo pa yan sa kanya o kahit na sinong empleyado ko dito I will ask the guards to ban you in this place! Wag mo akong subukan!”
“Masyado ka namang obvious Rassid you are over reacting hindi nga umabot sa puntong nadala sya sa ospital!”, marahas ang pananalita nito na lalong ikinagalit ng binata. “Wag na wag mong uuliting saktan si Angela at ako ang makakalaban mo”,sabay hawak muli nito sa braso ni Rhiana. “Ouch nasasaktan ako bitawan mo nga ako!”
“Hindi kita pakakawalan hanggat hindi ka nangangako sa akin na hindi mo na uulitin ang ginawa mo kay Angela dahil oras na mangyari uli yan I will file a case against you at ipapadampot kita sa pulis!” Dahil nasasaktan na sa pagkakahawak ng binata ay napilitang mangako si Rhiana subalit para lang bitawan na siya nito. Dahil ang totoo lalo syang nagalit kay Angela dahil nakumpirma nya sa mga kilos ni Rassid na may gusto ito sa dalaga at dahil dyan ay ibabasura na lang sya ng lalaking ito kaya’t sa loob loob nya ay hindi pa sya tapos kay Angela.
“Okay fine! bitawan mo na ako nasasaktan ako ano ba!” Padabog syang binitawan ni Rassid at agad namang lumabas si Rhiana papunta sa mga kaibigan upang ayain na lumabas na sila at lumipat na lang ng ibang lugar. “Let’s go to other place I don’t like here!” sabay kuha sa pouch bag nyang naiwan at hindi na nahintay na sumagot ang mga kaibigan na nagsisunod na lang sa kanya habang parang proud na proud pa sa paglakad kahit pinagtitinginan na siya ng mga tao.
Samantala, hindi mapigilan ni Angela ang maluha, bukod kasi sa talagang literal syang nasaktan dahil sa ginawa ni Rhiana, masyado siyang naawa sa kanyang sarili. Napahiya sya ng husto sa paligid ng mga taong nakakita sa ginawa sa kanya nito. “Angela dito ka lang muna ha, marami pa kasi tao sa labas kulang sa tao, magpahinga ka na lang dyan ha girl. “Sige ok na ako, ako ng bahala sa sarili ko pasensya muna kayo hindi muna ako makakabalik agad sa labas mamaya pag okay na ako log-in ako uli dun ha.” Sagot nya naman sa mga kaibigan. “kahit wag na magpakalma ka na muna ng sarili mo dyan kami na ang bahala magsabi sa mga kasamahan natin” sabi ni Keisha na naaawa sa nangyari kay Angela.
Palabas ang dalawa ng masalubong nila ang kanilang Sir Rassid. “Where’s Angela? Tanong nito.
“Andun po sa loob Sir, inaayos lang po muna yun sarili sabi po namang wag na muna lumabas bahala na kami sa labas. “Okay” tipid lang na sagot sa kanila, kitang kita nila ang pag-aalala sa mukha nito kaya’t nagkindatan pa sila pagtalikod nito sa kanila.
“Angela are you okay?” naabutan ni Rassid na inaayos nito ang sarili at bahagya pang namumula ang pisngi nito lalo na ang mga mata na marahil ay natalsikan ng alak kaya’t lalo siyang nag-alala para sa dalaga. Hindi maiwasan ni Angela ang maluha ng makita si Rassid, akma syang yayakapin nito pero pinigilan sya ng dalaga dahil baka may makakita sa kanila lalo pa at common place iyon ng mga gaya nyang empleyado.
“Okay na ako Sir babalik na ako sa labas”. “No you’re not”, seryoso at awang awa na nakatitig si Rassid sa dalaga, dahil alam nyang dahil sa kanya kung bakit nagawa ni Rhiana ito kay Angela. “Im sorry kung nadamay ka sa galit ni Rhiana sa akin, I was trying to broke up with her yesterday. Napatingin si Angela sa binata at hindi nya alam kung bakit sa kabila ng sakit ng kalooban na nararamdaman nya ay parang lumukso ang puso nya sa sinabi nito. Seryoso sya sa akin? Tanong ni Angela sa sarili.
“Sir ayoko sanang maging dahilan ng pag-aaway nyo ni Mam Rhiana, gusto ko lang talagang magtrabaho dahil alam mong kailangan ko para maka-survive”. “Hindi na niya gagawin sa iyo uli yan may kasunduan na kami and the moment na kantiin ka nya ulit kakasuhan ko sya, napapatiim-bagang na sabi nito. Ihahatid na kita, ayusin mo na ang mga gamit mo.
“Please Sir, nakikiusap ako bigyan mo sana ako ng time na mapag-isipan ko ang mga nangyayari ngayon sa buhay ko, bago lang ito sa pakiramdam ko Sir, hindi ko din maexplain sa sarili ko kung bakit nakakaramdam ako ng ganito. “K-kung yan ang desisyon mo, I’ll respect it, hahayaan muna kita, but promise me one thing, sakaling may gawin sayo si Rhiana sa labas ipaalam mo sa akin”.
“Okay Sir, salamat sa concern mauuna na ako umuwi maaga pa naman, masama lang talaga pakiramdam ko pasensya na.
“Okay no problem”, walang nagawa si Rassid kundi pagbigyan ang kagustuhan ni Angela, tama ang dalaga sa hiling nito na bigyan nya ito ng oras para mapag-isipan ang nagaganap sa kanilang dalawa o ang nararamdaman nito dahil sya mismo ay hindi pa rin lubos na maipaliwanag sa sarili kung paano at saan sila mag-uumpisa ni Angela, alam at ramdam nyang may pagtingin ang dalaga sa kanya subalit gaya ng nasabi nya dito, ayaw nyang isipin ng dalaga na pine-pressure nya ito o sinasamantala.