Dumaan muna kami sa hotel kung saan nakacheck in ang Mama at Papa ni Dondon bago niya ako ihatid sa bahay. We made reservations for them kahapon. Hindi naman ito ang unang beses na nameet ko sila dahil madalas naman nilang dalawin noon si Dondon dito sa Bulacan. Kaya lang naman napadpad si Dondon dito sa Bulacan dahil sa isang kaibigan niya na taga dito sa Bulacan dati na ngayon ay nasa ibang bansa na. Gusto kasi ni Dondon na matupad ang mga pangarap niya on his own. Ayaw niyang umasa sa magulang niya saka may pagka adventurous din kasi si Dondon. Masaya akong niyakap nina Mama at Papa nung nagkaharap kami matapos kong magmano sa kanila. Nasa restaurant sa hotel na sila ng dumating kami ni Dondon to eat dinner. "Naku, Mariel, sa wakas nakita ka na namin ulit. Mas maganda ka ngayon sa

