bc

Love Me Again (COMPLETED)

book_age16+
865
FOLLOW
2.2K
READ
family
friends to lovers
comedy
sweet
bxg
humorous
lighthearted
childhood crush
first love
like
intro-logo
Blurb

Mag 16 years old pa lang si Mariel nang ligawan siya ni Dondon, isang working student na nagtratrabaho bilang messenger sa bodega ng softdrinks sa tabi ng bahay nila Mariel. 5 years man ang age gap nila ay minahal ni Mariel si Dondon kahit na sa paningin ng ibang tao ay bata pa si Mariel at walang kasiguraduhan ang magiging future niya kay Dondon dahil nga sa messenger lang ito. Pero dahil sa isang pangyayari ay napilitan si Dondon na lumayo muna kay Mariel kahit pareho nilang mahal na mahal ang isa't isa. Ganun pa man, umasa si Mariel sa sinabi ni Dondon na babalikan siya ni Dondon upang ipagpatuloy ang naudlot nilang pagmamahalan.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Mam Mariel, mauna na po ako sa inyo.  Uwi na po ako," ani sa akin ni Yssa, one of my staff dito sa kumpanyang pinagtratrabahuhan ko bilang Accounting Supervisor. Nakatayo siya sa may entrada ng cubicle na inuukopa ko. Napatingin ako sa relo ko. 5:30pm na pala. Di ko na naman napansin ang oras.  “Andito ka pa pala, Yssa. Akala ko ako na lang ang naiwan dito sa office. Anyway, you may go ahead na. See you tomorrow." Tugon ko kay Yssa. "May tinapos lang din po ako.  Hindi pa po kayo uuwi, Mam?" Dagdag na tanong sa akin ni Yssa.  "Mayamaya lang uuwi na din ako. Gusto mo sumabay ka na sa akin. Idaan na kita sa inyo." Alok ko kay Yssa. On the way kasi sa tinutuluyan kong apartment ung bahay ni Yssa.  "Hindi na po, Mam Mariel. Andyan na din po si boyfriend sa labas. Sinundo po ako. Thank you anyway po."  "Ah, ganoon ba. Sige, ingat kayo." "Sige po, Mam. Ingat din po kayo. Bye po, Mam Mariel." ani ni Yssa.   “Bye, Yssa.” Narinig ko pa ang pagsara ni Yssa sa pinto ng department namin.  Ako na lang ang nandito sa office. Again. As usual. Makatayo na nga din para makauwi na sa apartment. Bukas pa kasi ang sched ng uwi ko sa amin sa Bulacan Ako nga pala si Mariel Pineda. As I have said, Accounting Supervisor ako sa isang kumpanya dito sa Makati. Taga Bulacan ako na nangungupahan sa boundary ng Mandaluyong at ng Makati. Tuwing weekends lang ako umuuwi sa amin sa Bulacan. I would be turning 27 years old this year and mag 6 years na ako dito sa kumpanyang ito. Nagstart din ako bilang accounting staff dito gaya ni Yssa. This was my first job. After 3 years, I got promoted to the supervisory level nang magretire ung dati naming supervisor. Normal na sa akin ung ako ang last na umuuwi sa department namin. Hindi ko kasi napapansin ung oras lalo na pag may ginagawa ako. Kaya tuloy binibiro ako ng mga kasamahan ko na paano daw ako magkakalovelife e walang nakakakita sa akin na ibang tao dahil apartment opisina lang ang routine ko. Hindi din ako sumasama sa kanila pag gumigimmick sila. Hindi naman kasi ako mahilig sa gimmick.  Mas gusto ko pang magbasa na lang ng libro sa apartment o kaya umuwi sa amin sa Bulacan.  Yes. At my age, wala akong lovelife. May mga nanliligaw din naman sa akin once in awhile pero I would always turn them down agad agad. It’s just that I don't want to prolong the courtship dahil masasaktan ko din naman sila at ayaw ko ding masabihan na pinaasa ko lang sila. Siguro hindi pa ako naka move on sa last na nakarelasyon ko.  Hindi lang pala siguro kundi talagang hindi pa ako nakamove on. He was my first boyfriend.  Hindi lang din pala first kasi wala namang sumunod sa kanya.  He was the only boyfriend I had so far.  Our love story happened almost 11 years ago when I was about 16 years old.  *********** "Pabili po."  Narinig kong tawag mula sa tindahan namin.   "Mariel, may bumibili. Ikaw nga muna tumao dun sa tindahan. Tatapusin ko lang tong pinapanood ko." Utos sa akin ni Nanay na aliw na aliw sa panonood sa paborito nyang noontime show sa TV sa sala ng bahay namin.  "Sige po, Nay." Inihinto ko muna ang paggawa ng school project ko sa Home Economics at pumunta sa tindahan na kadugtong ng bahay namin. Magtatapos na kasi ang school year kaya madami na namang assignment at projects sa school. Next school year ay 4th year high school na ako.  "Ano po yun?" Tanong ko sa nakangiting lalake na nasa loob ng tindahan namin.  Parang araw araw yatang gumagwapo tong mokong na to, sa isip isip ko. Sa tangkad niyang 5'6" eh lalo niyang nakakahawig si Albert Martinez. “Ikaw lang po pala.  Istorbo ka po talaga. Pwede ka naman pong pumasok e talagang tumawag ka pa po dyan. Para naman pong hindi mo ginagawa ung dumidiretso po sa loob ng bahay namin.” "Hi, Mariel. Pabili ng isang rootbeer at isang chicharon.” Tugon ng lalakeng bumibili na halos abot tenga ang ngiti.  “Grabe ka talaga sa akin, Mariel. Istorbo talaga?  Syempre walang nakatao. Hindi naman pwedeng pumasok na lang ako basta basta ng hindi nagpapaalam. Saka bakit may PO ka na naman? Hindi naman tayo nagkakalayo ng edad." Ani niya sa akin na nakangiti pa din.  Siya si Dondon Montenegro. Namamasukan bilang messenger sa bodega ng isang sikat na softdrinks na katabi ng aming tindahan dito sa Bulacan. Working student siya taking up BS Accountancy sa isang state university dito din sa Bulacan. Taga Batangas siya.  Halos limang taon na namin siyang kakilala at nakaclose na namin siya dahil madalas siyang bumibili sa amin. Umuupa siyang mag-isa sa isang apartment sa kabilang barangay. "Ano pong hindi tayo nagkakalayo ng edad? Mag 16 pa lang po ako. Ikaw po e nasa bente na." Ani ko sa kanya na talagang pinagdidiinan ko pa yong PO.  "Ayan ka na naman, Mariel. Binibiro mo na naman  ako. Kaka-21 ko pa lang. Five years lang ang tanda ko sayo. Saka akala ko ba magkaibigan tayo?" "Oo nga po, magkaibigan po tayo." sabay tawa ko dahil nakakunot na ang noo ni Dondon.  Malamang kung hindi ako titigil e mapipikon ko na naman siya. Ewan ko ba pero ayaw na ayaw niya kasing sinasabi ko na mas matanda siya sa akin e iyon naman talaga ang totoo.  "Binibiro lang kita.  Napikon ka na naman agad. Saka totoo namang mas matanda ka sa akin ah." Sabay abot sa binili niya.  "Pinagtritripan mo na naman ako, Mariel." Ani ni Dondon sa akin.  "Ay, grabe siya. Trip talaga? Ano, addict lang ako na nagtritrip?" Tugon ko sa kanya na nakataas ang isang kilay ko. Si Dondon naman ang tumawa sa sinabi ko at pagtaas ng kilay ko.  Inirapan ko siya habang sayang saya pa din siya sa pagtawa niya.  "Hindi naman." Tumatawa pa din siya. Nakakairita kasi tawa nitong lalakeng ito kahit na gwapo siya. Oo gwapo tong isang to sa standards ko kaya nga crush ko siya.  "Sige titigil na ako." Sabi niya sa akin pero halatang halata naman na pinipigilan pa din niyang matawa habang iniaabot ang bayad niya sa akin. Ganyan kami. Parang asot pusa. Binibiro ang isat isa. Minsan nauuwi sa pikunan. Sadly, ako ung napipikon sa mga biruang ako naman ang naguumpisa at madalas ay napapaiyak sa inis ko sa kanya.  "Ewan ko sayo. May bibilin ka pa ba?" Nakasimangot kong tanong sa kanya.  "Wala na. Ikaw tong unang mang aasar pero agad din namang napipikon pag inasar kita. Ngumiti ka na. Nababawasan ang ganda mo pag nakasimangot ka.  Ang ganda ganda mo pa man din." Nakangising sabi ni Dondon sa akin.  "Diyan ka na nga." Nakasimangot pa din ako. Akmang papasok na ako ng bahay namin ng magsalita ulit si Dondon. "Uy, Mariel. Mamaya pag-out ko makikipagkwentuhan ako sa yo ha. Tatambay muna ako dito sa inyo bago ako umuwi sa apartment.  Wala naman kasi akong klase ngayon. Magpapaalam ako kay Nanay Minda." Pahabol nitong sabi sa akin. Dahil nga nakaclose na namin siya ay Nanay Minda na din ang nakasanayan niyang tawag sa Nanay ko.  "Tatambay ka dito e wala naman si Ate Lori ngayon. Umuwi ng Cavite." Tugon ko sa kanya. Si Ate Lori ay pinsan ko na inirereto namin kay Dondon. Kahit na crush ko si Dondon e nakikitukso din ako kasama ng mga Tita ko kina Dondon at Ate Lori. Magka edad kasi sila. Madalas nakikipanood ng TV dito sa bahay namin si Dondon o kaya nakikipagkwentuhan sa amin ng mga tita ko. Hindi na ibang tao ang turing namin sa kanya. Madalas ay dito din siya pinaghahapunan nina Nanay. Mabait naman kasi eto kaya nakagaanan namin ng loob at kaya ko din siya naging crush.  Bukod kasi sa mabait ito ay responsable at masipag din. Siya ang nagpapaaral sa sarili niya at dahil sa matalino si Dondon ay consistent scholar siya kaya may discount siya sa tuition fee. Matagal ko ng crush si Dondon pero syempre hindi niya alam yon dahil sigurado naman ako na pagtatawanan lang niya ako pag nalaman niyang crush ko siya.  Si Dondon pa e nuknukan ng galing sa pang aasar sa akin yan.  Saka tiyak naman ako na hindi ako ang tipo ng babae na magugustuhan niya bukod sa bata pa ako sa tingin niya. Kaya nakikitukso na lang ako sa kanya at kay Ate Lori.  "Ang sabi ko sayo ako makikipagkwentuhan. May sinabi ba akong Lori? Bingi ka din." Sagot sa akin nito.  "Kanina addict ako. Ngayon bingi naman. Ikaw na walang kapintasan."  Nakataas pa din ang isang kilay ko na saad sa kanya.  "Sige na.  Aalis na ako. Mamaya mapikon ka na naman sa akin. Isumbong mo na naman ako kay Nanay Minda. Basta mamaya tatambay ako dyan sa inyo ha, Mariel."  "Bahala ka." sagot ko sa kanya. Nakangisi pa din ang loko ng lumabas sa tindahan namin. Pero deep inside me….  Excited ka naman, sabi ng utak ko. Kontra ka naman, sabi ng puso ko. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

His Obsession

read
74.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook