After naming maghugas ni Dondon ng pinagkainan namin ay tinawagan na ni Tita Nita sa cellphone ung kaibigan niyang judge habang kami naman ni Dondon ay nakikinig. Naka loud speaker ung cellphone ni Tita na nakapatong sa center table sa sala. "Pwede ko naman silang ikasal, Nits, kaso sa Martes pa. May hearing kasi ako bukas maghapon." Ani ng Judge. Tinignan kami ni Tita Nita. Tila tinatanong niya kami kung ok sa amin na ikasal kami sa Martes. Sabay pa kaming tumango ni Dondon. "Sige. Payag sila na sa Martes na lang." Tugon ni Tita Nita kay Judge. "Wala ba silang kailangang isubmit na mga documents?" Tanong ni Tita Nita. "Meron pero pwede namang to follow na lang yung mga documents nila tutal pamangkin mo naman sila saka hindi ka naman iba sa kin, Nits." Sagot ni Judge. Napansin nami

