“Please, take care of yourself there, Sweet, alright?” Magkahalo ang saya at lungkot sa tinig ni Senyora Isabela. Nasa labas na kami ng entrada at ang driver nila ay nilalagay na ang maleta ko sa sasakyan. “I really, really want you to visit there! Mas masaya sana noong sumama ka nang nagbakasyon kami. But, oh, well, there’s still next time. I’ll tour you there personally,” may ngiting sabi ni Senyora. Hinarap ko si Senyora. Sandali niya akong pinakawalan mula sa yakap. “Oh, dear, I really feel bad leaving you alone there! Baka’y ma-homesick ka? You want to bring Paige with you?” pagtatanong pa ni Senyora. “Ayos lang po, Senyora. At saka hindi rin naman po magtatagal.” Bumuntonghininga ito nang makailang ulit. Sabay kaming napatingin sa main door nang lumabas na nga roon si For

