Hindi nagpaawat si Ford at pati ang private jet nila, hindi nakalagpas na magawan namin ng milagro. Mabuti na lang talaga at soundproof ang sleeping quarter kundi ay narinig na ng lahat ang ginawa naming dalawa! “Thanks, Xandro.” Tinapik ni Ford ang balikat ng bodyguard. Pagkababa namin, sinalubong agad kami ng panghapong hangin. Napatingin ako sa paligid at hinayaan si Ford na nakahawak sa baiwang ko. Ni isa sa mga tauhan nila ay walang nanguwestiyon. Siguro ay dahil nga sa hindi naman iyon parte ng kanilang trabaho. “No problem, boss,” sagot ni Xandro at nilingon ako saka matamang tumango bilang paalam. “Miss Deborah, mauuna na po muna kami…” Tumango ako. “Salamat, Xandro.” Tumango na rin siyang muli kay Ford at tuluyan nang inutusan ang iba na mailagay ang personal naming gami

