Iginiya kami patungo sa mesa. Narinig ko na nag-utos na si Senyora na i-inform ang mga anak at apo na may dinner mamaya. It was just another normal dinner. Dinner kung saan hindi ko na muli pang naipikit ang mga mata ko sa kalagitnaan ng pagdarasal. Wala sana akong gana na kumain dahil na rin sa presensyang nandito, pero dahil sinabihan nila ako na sumabay nang sa gayon ay may kasalo sa hapag ang don, naupo na rin ako. Narinig ko na ang tanong ni Senyora para sa panganay. Pero lumipad ang tingin ko sa main door. “Everything’s fine, Mama. Lahat ng bagay ay nasa kontrol ko at ng kampo ng mga Salvatierro,” ang seryosong sagot ni Don Santiago. “I know, hijo. It’s just... I’m worried. And where is Donna?” tanong ni Senyora. “Biglaan ang pagdating mo. You didn’t inform me.” Nailing si

