“You’re not leaving tonight, Craigan. I will have to talk to you regarding this,” ang mariing tinig ni Don Santiago bago tuluyang umalis sa hapag. Hindi na ako sumalo sa dinner nang gabing ‘yon. Sabi ko kay Manang Yadra ay huwag na rin akong dalhan ng pagkain sa aking kwarto dahil busog na rin ako at gusto kong mapag-isa. Kahit dinig ko ang ingay sa baba dahil sa nangyayaring dinner, hindi ko iyon pinansin. Tahimik lang ako sa aking kwarto at inabala ang sarili sa pagdedesenyo ng isang hotel na gusto ko. Out of nowhere, I started grabbing a pen and a paper. Nagsimula akong gumuhit ng gusto kong hotel. Hindi ko pa nakita ang hotel ng mga Salvatierro sa Palawan kaya ginuhit ko ang kung anong tingin ko ay itsura nito o iyong ideal na hotel para sa ‘kin. Doon ko inabala ang sarili ko.

