Kabanata 134 - Nakaraan

3144 Words

“Kalimutan mo na ako, Deborah. Act like we never happened. Forget and move on from this. Alam kong kaya mo iyon. Kaya gawin mo...” Paulit-ulit ang mga salitang binitawan ni Ford sa aking isipan. Halos para na itong sirang plaka. Napalitan ang nararamdaman kong sakit ng galit. Nagsimula akong makaramdam ng pagkamuhi sa kaniya. Hindi niya na ako mahal? Iyon ba talaga? Nagsawa na siya sa ‘kin? Nakahanap na siya ng bagong mas interesanteng kasama! Nakuha ko lang ang atensyon niya nang una? Kaya ngayon na pabigat na lang para sa kaniya ang relasyon namin ay binitawan niya na ako. Napagtanto niya na tama pala sila Senyora. Walang patutunguhan ito. Ngayong problema na ako sa kaniya, naglaho na rin ang nararamdaman niya? Wala na rin akong maramdaman kundi ang galit sa kaniya. Nasaid ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD