Mabilis ang paglipas ng mga araw. Don Santiago is still in San Luciera. Narinig ko ang minsan nilang pag-uusap ni Senyora tungkol sa hindi pa rin nito pag-alis. Ang sabi ni Don Santiago ay kailangan niya pa ring tutukan ang taniman, ang pag-aari nilang sugarcane plantation kaya hindi pa siya maaaring umalis. “Sweet, there you are,” bati ni Senyora isang umaga pagbaba ko. Akala ko ay sila lamang ang naroon kaya naman medyo nagulat pa ako na makitang mayroong bisita. Sinalubong ako ni Senyora at agad inakay patungo sa mga bisitang nasa sala. Wala na rin akong nagawa nang dinala niya ako roon. Una kong nakita ang pamilyar na gobernador, si Governor Torrefiel. Nandoon din si Don Santiago at mukhang may mahalaga silang pinag-uusapan at napabisita pa ito rito mismo sa mansyon. Nakaup

