Mahirap kumilos sa iisang lugar kung nasaan sila. Lalo na dahil kinakausap ako ni Serene, pero si Ford, parang hangin ako kung ituring. Kung sa nagdaang araw na narito sila at binibigyan niya pa ako ng sulyap, ngayon kahit ang tingnan ako sa mga mata ay hindi niya na ginagawa. Himala nga na kapag nariyan si Serene at lalapitan ako ay siya naman ang wala. At kung kailan wala ako, nahuhuli ko naman na magkasama sila ni Serene at magkausap pa. Kahit sinabi ko sa sarili ko na hindi na dapat ako umiyak at wala iyong patutunguhan, hindi ko pa rin mapigilan. Iyon lang naman ang paraan ko sa mga sandaling ito para ilabas ang nararamdaman kong sakit. Litong-lito ako kay Ford. Naguguluhan ako sa kaniya. Kasi sa pagkakaalam ko naman ay maayos kaming dalawa. Oo, nag-away kami bago siya pumun

