“Ford...” tawag ni Raf. Tumikhim ito at sinalubong ang matalim na tingin ni Ford. “Madilim na,” komento ni Ford, mapait ang pagkakasabi at nagyeyelo sa lamig ang boses. Hinulog niya sa lupa ang sigarilyo at inapakan para patayin iyon. Napalunok ako at huminga nang malalim. Napatingin ako kay Raf. “S-Sige na, Raf... dito na lang. Salamat ulit. Mag-ingat ka pauwi,” saad ko at hindi na naghihintay na mag-usap pa sila. Binalingan niya ako ngunit binalik din iyon kay Ford. “Pasensya na. Napasobra ang kwentuhan namin. I’ll get her home safely and on time next time,” saad ni Raf. Hindi sumagot si Ford. Sinundan niya ng tingin si Rafael. Gumalaw ang kaniyang panga at tahimik, ngunit ang mga mata niya ay sobrang dilim. His lips curved in bitterness. “I’ll get going, Deborah,” baling sa

