Love’s really like a drug sometimes, it kills you slowly... but it makes you feel alive. “Ford...” sambit ko noong nasa entrada kami ng bahay. Madilim na at hindi ko alam kung nandito ba si Senyora. Wala rin akong makitang mga kasambahay, siguro nagpapahinga na dahil kanina pa natapos ang hapunan, at bukod doon, maulan at malamig ang panahon. Ang mga kabayo nga ay isinilong na sa kabalyerisa. Malakas din kasi ang hangin. Basang-basa na ang dress ko. Dumikit na iyon sa aking katawan. At kada hampas ng malamig na hangin ay nanunuot sa kaibuturan ko, halos nagpapanginig sa akin. Napatingin ako kay Ford noong hinawakan niya ang kamay ko. He’s also soaked in the rain. Ang basang buhok niya ay hinahawi palikod pero bumabagsak pa rin ang ilang hibla niyon sa kaniyang noo, making it a bit

