Tahimik na kaming lahat pagtapos niyon. Medyo nanghina na rin ako at nawalan ng gana dahil sa pag-uusap namin ni Nay Aurelia. Naintindihan ko naman ang kaniyang punto. Halos paulit-ulit na ngang sinasampal sa amin ang bagay na ‘yon. It was just… I wasn’t ready. Marami na akong iniisip ngayong araw, nadagdagan pa. Siguro hindi lang ito ang araw na madali para sa akin ang mga bagay-bagay. Napansin din siguro nina Tina at Princess ang tensyon kaya medyo tahimik din sila. Pero sinubukan pa rin nilang isalba ang namamagitang atmosphere sa aming lahat para naman maitawid ang pagtapos sa bini-bake at pagkain. Mabuti na lang dahil natapos namin. Nakakain din kami ng nilutong hapunan ni Nay Aurelia para sa amin. Ayaw rin naman namin na masayang iyon. Iyon nga lang, kaunti lang ang kinain

