Hindi ko alam kung paano nagagawa ni Ford na pigilan ang sarili niya. Ramdam na ramdam ko siya mula sa aking likod. He’s pressing himself against me. At ramdam ko ang umbok sa pagitan ng kaniyang mga hita, pero hindi siya nagsalita tungkol doon. Nang pinuna ko iyon, niyayakap niya lang ako lalo. At nanghihingi ng ilang minuto. Patuloy lang siyang humahalik sa aking balikat. “Ford... may klase pa ako,” nanghihina ko pa ring sambit. Tumango siya. “I’ll help you clean up first...” Kinagat ko ang aking labi at tumango. Pakiramdam ko ay nanginginig ang mga binti ko. Kailangan ko yatang mag-ipon ng matinding lakas para makahakbang pa. Iyon yata ang huli naming matinding away. Pagtapos niyon ay may mga sandali namang nakikita ko pa rin si Rafael, at tinuloy pa rin nito ang sinabing ibib

