“Ako na ang bahala rito, Deborah. Sige na’t lumapit ka na sa mga kaibigan mo,” saad ni Manang Yadra dahil hindi ko mapigilang tumulong sa pag-aasikaso sa mga bisita. “Sigurado po kayo, Manang?” tanong ko. Tumango naman ito, hindi maiwasang mangiti sa kakulitan ko. “Oo nga, hija. Ikaw talaga na bata ka.” Napanguso na lang ako at kalaunan ay tumango. Nilibot ko ang tingin sa paligid at nakita ko ang boys na abala sa pag-uusap-usap. Ganoon din naman sina Tina at Princess na parehong nakabihis. “Deborah!” Kumaway sila at pinalapit ako. Umiinom sila ngayon. Pinayagan naman daw sila. At nag-serve rin talaga ng alak ngayon! “Take a shot, Deborah,” aya nila sa ‘kin. Nagdalawang-isip akong tanggapin ang inalok na shot. Napatingin ako kay Ford na ngayon ay umiinom na rin. He’s holding

