Noong nalaman ng mga magulang ni Ellie na wala naman akong makakasama, they insisted na manatili na ako para sa dinner na iyon. Posted na ang pictures ng event at nakita ko na nga ang mga bati ng mga taga-San Luciera College. Nakita ko na rin ang mensahe nina Marshiela, Tina, Princess, at iba pa naming mga kaibigan na bumabati dahil nakita na nila ang award natanggap namin. Isa-isa ko silang ni-reply-an. Lalo na sina Marshiela. “Congrats again, Deborah. A job well done, hija,” muling bati ng mga magulang ni Ellie noong paalis na sila sa hotel. Dadaan ang kanilang sasakyan at hinihintay na lang nila. “Thank you po,” pasasalamat ko. Niyakap din ako ni Ellie at binati niya rin ako. Her mom even hugged me. Papaalis na sana sila at pasakay sa naghihintay nilang sasakyan kung nasaan an

