“Pupunta raw ulit ng dagat sina Sean. Surfing daw ulit. Niyayaya tayo,” pamamalita ni Marshiela isang uwian bago kami maghiwa-hiwalay. “Sumama tayo, ah!” Napalunok ako. Naisip ko na agad ang sagot doon. “Next time na lang ako. Tutulong ako sa paghahanda para sa party,” palusot ko. Agad akong tiningnan ni Marshiela. “Eh, maaga naman iyon. Siguro bago maging sobrang init ay uuwi na tayo! Sige na, Deborah?” “Oo nga, Deborah. Medyo nahihiya kami sa kanila kapag wala ka!” Napangiwi ako. Hindi pa man ako nakapagsalita, nauna na si Marshiela. “Basta sasama tayo, ah! Si Sean mismo ang nagyaya. Huwag na raw natin isipin ang kahit ano sa pagkain. At saka tuturuan tayong mag-surfing.” “Sus naman, Marshiela. Huwag na tayong magplastikan. Gusto mo lang makita ang abs ni Sean!” saad ni Tin

