“Kumusta ang regalo kong lingerie? Naisuot mo na ba?” tanong ni Marshiela noong natapos na ang pagtuturo ng professor. Nagliligpit na kami ng gamit at naghahagikgikan na naman sila. Ako naman ay napapailing na lamang, naaalala ang binigay niya at kung paano ko iyon nabuksan! Noon pa talagang kitang-kita iyon ni Ford. “Hindi ko iyon maisusuot. Tinago ko lang,” naiiling kong sinabi. “At least ready ka na kapag may paggagamitan ka!” sabay tawa ni Marshiela. Lumabas na kami sa classroom at nagmamadali na nga sina Tina at Princess dahil nasa field daw sina Cole. Gusto yatang makasilip doon. Buhat ko ang mga libro ko habang naglalakad kami. Iyong ibang nakakasalubong ako ay kinumusta pa ako tungkol sa birthday ko at may mga bumati ng belated happy birthday. Iyong iba naman ay gulat na

