Kabanata 74 - Paano Hindi Mapagod

2169 Words

Tahimik at malamig ang hangin pagkarating ko sa swimming pool ng hotel bagaman may mga naroon pa rin naman at nagpapahangin din. Tinungo ko ang isang lounger at naupo roon saka muling binuhay ang cellphone ko. Nakita ko ang reply ni Ford na maghihintay raw sa tawag ko. Ilang minuto ang nakalipas dahil bumaba pa ako mula sa hotel room. Kinagat ko ang aking labi at sumandal nang maayos sa lounger. Pinahinga ko nang maayos ang mga binti na medyo napagod sa mga ginawang paglangoy buogn araw. Mayroon namang silong itong lounger na kinaroroonan ko kaya kung umambon man ay hindi ako mababasa. Nasisilip ko ang mga bituin sa langit. Mukhang hindi naman aambon. Medyo malakas ang hangin kaya mabuti na lang at nag-jacket ako. Tinawagan ko na agad si Ford at ilang ring lang ay sinagot niya rin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD