Hindi ako nagsalita. Hanggang sa matapos ang kantang iyon ay tahimik kami. Mga mata niya pa lang ay marami nang sinasabi, hindi ko na kailangan pa ang pagbuka ng mga labi ni Ford. Hindi ko alam kung sadya bang natutuod na ako at hindi makagalaw kaya hindi ako makabitaw sa kaniya. Kahit ang eye contact, hindi ko maputol. Natauhan lamang ako noong nakarinig ng mahinang tawa mula sa kaniya. Namula ang mukha ko noong hinapit niya pa ako lalo para malapit ang kaniyang bibig sa aking tainga at tila may sasabihin. “Your fan boys are looking at me right now like they want to k*ll me,” he whispered. Natapos na nang tuluyan ang kanta. Kailangan na naming maghiwalay o makakaagaw kami ng atensyon. Tinulak ko ang kaniyang balikat palayo. He chuckled on my ear, dahilan para halos kilabutan ako s

