“Happy birthday, Deborah!” bati nina Juliana at Belle. Pinapikit nila ako habang hinaharap sa salamin. At noong nakita ko na nga ang repleksyon ng sarili ko, hindi ko maiwasang mamangha. Ang ganda ng pagkaka-makeup sa ‘kin. Hindi makapal. Sakto lang. Nagustuhan ko! Inayos din ang mahaba kong buhok at kinulot iyon na parang mga alon. Mabuti na lang nang sa gayon ay may pangtakip ako sa dibdib kahit papaano dahil sa gown na off-shoulder. Wala pa man ay nilalamig na ako dahil sa nakalantad kong mga balikat. “Ang ganda mo! Para kang may lahi! Katulad ng mga Salvatierro!” sabi nila habang nangingislap ang mga matang iniinspeksyon ang ayos ko. Huminga ako nang malalim. “Kinakabahan ako, Juliana, Belle...” “Hay, naku, huwag kang kabahan. Ikaw ang pinakamaganda ngayong gabi!” saad ni Bel

