Halos wala ako sa aking sarili habang magkasama kami ni Raf. Siya ang kasama ko pero iba ang laman ng utak ko. I’m trying to concentrate. Sinusubukan ko rin naman na ibigay sa kaniya ang aking atensyon, pero kada paglipas ng segundo, lalong lumalalim ang pag-iisip ko kay Ford. Hindi iilang beses na tinawag ako ni Rafael dahil hindi ako sumasagot. Hindi ko naman iyon sinasadya. Siguro ay dahil hindi naman talaga ako sanay magpanggap. “Ayos ka lang, Deborah? Are you not feeling well?” tanong ni Raf, may pag-aalala na sa kaniyang tinig. Napalingon akong muli sa kaniya. Nakaramdam ako ng guilt at dahil doon, nagsumikap akong ngumiti. “Pasensya na, Raf, siguro kulang lang ako sa tulog...” sagot ko. “Tara? Order na tayo...” Tumango siya. Kita ko ang ngiti sa mga labi ni Raf. He’s reall

