“K-Kailangan kong... magka-experience? Sa lalaki?” napapalunok kong tanong. Hindi ko alam kung bakit kahit iniisip ko na isa iyong malaking kahibangan at nararapat lang na itulak ko na ‘tong si Ford palayo, naiiwan naman iyon sa aking isipan at napapaisip nga ako. Hindi, Deborah. Demonyo lang si Ford. At huwag kang maniniwala sa kahit anong ito. Hindi ngayon na ganito kalapit ang katawan namin sa isa’t isa! Sa ilalim ng tubig ay naramdaman ko ang malambot niyang shorts, kaya iyong... iyong matigas na nararamdaman ko, alam kong hindi damit. Nag-init ang buong mukha ko. Hindi naman ito ang unang beses na nakakita ako ng lalaki pero pakiramdam ko, bagong-bago ito. Our university is full of hot boys. Sa beach, nakita ko na ang katawan ng halos buong barkada nila, pero ngayong kaharap

