Kabanata 71 - Relasyon

2470 Words

Nagpahinga pa kami nang ilang sandali. Nakaidlip din akong muli sa kaniyang kama. Ang huli kong naramdaman ay ang pagpupunas ni Ford sa pawis ko. Dinamitan niya rin ako dahil paggising ko ay may suot akong malaking t-shirt niya. Dahan-dahan akong nagmulat. Papikit-pikit pa ang mga mata ko dahil bukod sa malambot ang kama niya, malamig ang panahon, at napagod ako sa ginawa namin. Pakiramdam ko rin ay nilalagnat ako. Nang unti-unting nagkamalay ay bumangon na ako. Lukot pa rin ang bedsheet at halos nakakalat ang mga puting unan sa malaking kama ni Ford. Para itong dinaanan ng bagyo. Bumangon ako at papungas-pungas pa. Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto. Narinig ko ang paglagaslas ng tubig sa shower. Napanguso ako at hindi mapigilan ang pag-iinit ng aking mukha. Nang maalala ang or

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD