CHAPTER TWO

1033 Words
Kinakabahan na sumakay si Sister Madeline sa eroplano patungong maynila dahil wala na siya lugar sa kombento kung saan nag simula ang kanyang mga pangarap. Nang maka upo si Sister Madeline sa kanyang upuan doon na nagsimula tumulo ang kanyang mga luha dahil hindi siya handa talikuran ang kanyang pangarap. Samantala habang nagbabasa si Gobernador Ralf Montes ng isang article sa kanyang laptop naririnig niya ang pag iyak ng isang babae at napatingin siya sa gilid niya. Nakita nito na umiiyak si Sister Madeline at basang-basa na ang mukha nito dahil sa mga luha na inilabas nito. "Pwede ba h'wag ka umiiyak hindi kasi ako makafucos sa binabasa ko" seryosong pagkakasabi ni Gobernador Ralf Montes at inabot niya ang panyo niya kay Sister Madeline. " Pasyensya kana" saad ni Sister Madeline at kinuha niya ang inabot na panyo ni Gobernador Ralf Montes at napataas ng kilay ang Gobernador dahil sa pagsinga ni Sister Madeline sa panyo nito. Maya-maya pa bigla na lamang yumanig ang eroplano kaya naman natakot si Sister Madeline at napahawak pa siya sa kamay ni Gobernador. " Yung kamay mo" taas kilay pang ambit ni Gobernador Ralf Montes at agad inalis ni Sister Madeline ang kanyang kamay sa kamay ng Gobernador. " Sorry.. ngayon lang kasi ako sasakay ng eroplano. Kaya kinakabahan ako, pero alam ko naman kasama ko ang Diyos, Teka mahilig ka din ba magbasa ng mga article about politcs?" nakangiti pang tanong ni Sister Madeline at napatingin sa kanya ang Gobernador na tila naiinis na. " Pwede ba h'wag ka maingay. kailangan ko mag fucos sa ginagawa ko" masungit na sabi ni Gobernador at tinakpan na ni Sister Madeline ang bibig niya. Nanahimik na lamang si Sister Madeline sa kanyang kinauupuan at nag fucos na lamang siya sa kanyang diary at ilan sandali nga ay naka tulog na siya. Habang pinagpapatuloy ni Gobernador ang kanyang ginagawa muli siyang napatingin kay Sister Madeline. Dahil sa malakas na hilik nito at hindi na naman siya makapag fucos sa kanyang ginagawa. " Ms pwede ba gumising kana" Naiinis na pang gigising ni Gobernador Ralf Montes kay Sister Madeline at maya-maya pa nagulat siya ng biglang sumigaw ito na tila may kaaway. "Humanda ka sa akin, hindi ako susuko sa laban" Pasigaw na pagkakasabi ni Sister Madeline habang natutulog at subra na talaga naiirita si Gobernador kaya pinilit niya nang gisingin si Sister Madeline. " Hoy gumising kana nga pwede ba?" Nabubusit na talagang sabi ni Gobernador at ilan sandali pa biglang yumanig ang eroplano na sinasakyan nila at biglang nagising si Sister Madeline at sa pag angat ng kanyang ul, aksidente niyang nahalikan si Gobernador Ralf Montes. " Ayyy... ahmmm.." Tanging yun lamang ang na sambit ni Sister Madeline ng mga sandaling nagka dikit ang labi nila ni Gobernador. " T-teka, nanadya kaba talaga? nakaka inis kana" Nauutal pang sabi ni Gobernador Ralf Montes at hindi talaga siya makapaniwala na mahahalikan siya ng isang stranghera. " Uyy hindi ko sinadya yun, diyos ko po panginoon patawarin niyo ako" Natataranta pang sabi ni Sister Madeline at tinakpan niya kanyang bibig. " Hindi mo ba ako kilala?"Aniya ni Gobernador at napapaisip si Sister Madeline kung kilala niya nga ba ang Gobernador ngunit napapailing na lamang siya dahil hindi niya kilala ang Gobernador. " Hindi kita kilala sorry? sino kaba?" Kalmadong pagkakasabi ni Sister Madeline at napa buntong hininga na lamang ang Gobernador. " Nevermind" Sambit ni Gobernador Ralf Montes at nanahimik na lamang ito sa kanyang kina uupoan at samantala si Sister Madeline ay kanina pa humihingi ng tawad sa panginoon dahil sa mga pangyayari. Dumaan ang ilang oras ay bumababa na ang eroplano sa kalupaan ng maynila at laking ngiti ang sumilay sa mga labi ni Sister Madeline dahil muli niya nang makikita ang kanyang matalik na kaibigan. Tumayo na si Gobernador Ralf Montes at yumuko pa nga sa kanya si Sister Madeline para sa pag papakita nito ng respeto sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin. Nang makatayo na si Sister Madeline nakita niya ang isang flash drive mula sa kina uupuan ng Gobernador kaya mabilis siyang bumababa ng eroplano upang habulin si Gobernador Ralf Montes. Naga ikot-ikot si Sister Madeline sa airport upang hanapin ang Gobernador ngunit hindi niya na ito nakita pang muli kaya isinilid niya na lamang ang flash drive sa kanyang bag. Nag tungo na si Sister Madeline sa kanyang matalik na kaibigan at subrang nanabik na siya na makita ito kaya naman agad siya sumakay ng taxi. Lakas loob na pinasok ni Sister Madeline ang magulo at dikit-dikit na kabahayan sa lungsod ng tondo maynila na kung saan naroon ang kanyang matalik na kaibigan. " Madeline ikaw na ba yan? ang ganda mo at ang kinis- kinis mo pa" Natutuwang sabi ng kanyangkaibigan na si beth. " Kamusta kana? pasyensya kana kung dito muna ako makikituloy sayo dahil pinaalis na ako ng kombento" Malungkot na pagkakasabi ni Sister Madeline. " Ano kaba wala problema sa akin yun tsaka parang kapatid na kita pero Madeline tiis ka na lang muna dito kasi magulo at maingay sa lugar na ito" Seryoso pagkakasabi ni Beth at kumuha na siya ng inumin para kay Sister Madeline. " H'wag ka mag alala bukas- bukas mag hahanap na ako ng trabaho para maka tulong naman ako sayo dito. Saad pa ni Sister Madeline at inabutan na siya ng inumin ni Beth. Kahit ganoon man ang sinapit ni Sister Madeline masaya parin siya at nagpatuloy parin siya sa pananampaatay niya sa diyos at ipinagdadasal niya parin ang mga taong gumawa sa kanya ng pagkakamali. Pinagpatuloy niya ang kanyang buhay kasama ang matalik niyang kaibigan at sa pagdating niya ng maynila agad siyang nag hanap ng kanyang mapapasukan na trabaho,. Nilibot ni Sister Madeline ang ilang lugar sa maynila ngunit wala pa siyang nakukuhang trabaho at umaasa siya na sana ay may tumuwag man lang sa kanya patungkol sa kanyang mga inplayan. Lumipas na ang isang linggo nanatili parin si Sister Madeline sa paghahananap na maka kuha ng kanyang trabaho kaya naman nakaramdam na siya ng pagod ngunit ayaw niya sumuko. " kamusta kana may trabaho kana ba?" Bungad na tanong naman ni Beth at mababakas sa mukha ni Sister Madeline ang lungkot
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD