CHAPTER THREE

1045 Words
Malungkot na bumalik si Sister Madeline sa tahanan ng kanyang kaibigan dahil wala pa siyang nakukuhang trabaho sa mga araw na lumipas. "Pasyenya kana kung wala parin ako nakukuhang trabaho, nahihiya na ako sayo" Saad ni Sister Madeline at umupo sa tabi niya si Beth. " Alam mo ba yung kaibigan ko naghahanap ng tagapag alaga ng tatlong bata at malaki daw ang sahod baka gusto mo pasukan?" Pabatid ni Beth at isang ngiti ang sumilay sa labi ni Sister Madeline. " Talaga ba? Namimiss ko nang mag bantay ng mga bata at sa tingin ko pwede ako doon. Dahil nag-eenjoy ako sa mga bata" natutuwang sabi ni Sister Madeline at subra talaga siyang natutuwa dahil kaligayahan ng kanyang puso ang mag alaga ng mga bata. Tinanggap ni Sister Madeline ang trabaho bilang isang tagapag alaga ng tatlong mga bata at sa pagpasok niya dito magsisimula na ang kanyang bagong buhay. " Manang ito na po ba ang tahanan ng magiging amo ko?" tanong ni Siter Madeline habang nililibot niya ang kanyang mga mata sa magandang tahanan ng kanyang magiging amo. " Oo Madeline kaya antayin natin bumaba si Gob" saad ng Manang na nagpasok sa kanya at napaisip siya sa sinabi nito na Gob. Ilan sandali pa bumaba na sa hagdan ang isang gwapo at matipunong lalaki na pamilyar sa paningin ni Sister Madaline. Nagulat siya nang makita niya si Goberador Ralf Montes, ang lalaking kanyang unang halik. " T-teka ikaw yung nakasabayan ko sa eroplano. Natatandaan mo ba ako?" Natutuwang sabi ni Sister Madeline. " Hindi kita natatandaan, sino ba siya manang?" pagtanggi ni Gobernador Ralf Montes at patuloy na naka ngiti pa rin sa kanya si Sister Madeline. " pero isang linggo pa lang nakaka lipas nang magka ha...." hindi na natuloy ni Sister Madeline ang kanyang sasabihin dahil tumingin ng masama sa kanya ang Gobernador. " Gob, siya po ang bagong magiging yaya ng inyong mga anak, si Madeline po" pagpapakilala ng Manang at napakamot sa ulo si Sister Madeline sa kanyang ulo dahil si Gobernador pala ang kanyang magiging amo. " Kung ikaw man ang magiging tagapag alaga ng mga anak ko ang gusto ko maging maayos ang pakikisama mo sa kanila. Gumising ka ng maaga para ihanda ang kanilang mga kailangan para sa pag pasok sa kanilang paaralan. Higit sa lahat ayuko ng tulog mantika at malakas humilik." seryosong pagkakasabi ni Gobernador at napalunok na lamang si Sister Madeline ng mga sandaling iyon. " Sino po siya Daddy?" tanong naman ng bunsong anak ni Gobernador Ralf Montes at nang nginitian ito ni Sister Madeline ay dinilaan lamang siya nito at mukhang ayaw nito sa kanya. " Siya na ang bago niyong magiging tagapag alaga" sagot ni Gobernador at sumimangot ang kanyang anak na tila naiinis. " Ayuko sa kanya, ilan beses ko na ba sasabihin na ayaw ko na nang bagong yaya. Dahil ang gusto ko kayo po mag alaga sa amin?" pagalit na pagkakasabi ng bata at umakyat ito pataas sa kanyang silid na mukhang nagtampo sa kanyang ama. Sinundan ni Gobernador ang kanyang anak upang kausapin ito dahil alam niya na nagtatampo na naman ito sa kanya. " Manang matanong ko lang po nasaan na po ang ina ng mga bata" Napapaisip na tanong ni Sister Madeline at biglang nalungkot ang mukha ni Manang. " Limang taon nang nakalipas nang mamatay sa panganganak ang asawa ni Gob kaya naman siya na lang ang kasama ng mga bata ngayon." pag ku-kwento ni Manang at ikinalungkot iyon ni Sister Madeline at nakaramdam siya ng awa para sa mga bata. Kinagibahan tinungo ni Sister Madeline ang silid ng bunsong anak ni Gobernador Ralf Montes at pagpasok niya sa silid ng bata nagulat siya ng bigla siyang batohin ng unan sa mukha. " Ayuko sayo" pagalit na pagkakasabi ng bata at tumakbo ito palabas ng kanyang suilid kaya naman hinabol ito ni Sister Madeline. Nakita ni Sister Madeline na pumasok sa isa pang silid ang bata kaya agad niya itong sinundan at pagpasok niya doon niya napagtanto na silid iyon ng Gobernador dahil sa malaking litaro nito naka lagay sa wall. " Nasaan kana ba'ng bata ka?" nangangambang sabi ni Sister Madeline at nakita niya ang bata sa loob ng comfort room. " Nandito ako yaya" pang aasar pa ng bata at agad siyang tinungo ni Sister Madeline at nang makapasok na ito sa comfort room nakipag habulan pa ang bata sa loob dahil malawak ang comfort room kaya malaya itong nakipag patentero kay Sister Madeline. Lumabas ang bata sa comfort room at naiwan doon si Sister Madeline kaya naman ni lock ng bata ang pintuan upang hindi maka labas si Sister Madeline. Sumigaw nang sumigaw si Sister Madeline ngunit walang nakakarinig sa kanya hanggang sa mapagod na lamang ang kanyang lalamunan kakasigaw ng tulong. Nakalipas pa ang isang oras na pagkaka kulong ni Sister Madeline, sa comfort room dumating na rin sa wakas si Gobernador Ralf Montes at agad itong nag tungo sa kanyang silid at nag hubad ng kanyang kasuotan dahil maliligo na ito. Sa pag bukas ng pintuan ng Comfort room ni Gobernador ini-angat ni Sister Madeline ang kanyang ulo na nakalagay sa kanyang mga tuhod. Parehong nang laki ang mga mata ni Sister Madeline at Gobernador Ralf Montes nang makita ang isa't isa at agad tinakpan ni Gobenador ng towel ang kanyang hubad na katawan. " A-ano ginagawa mo dito? Saka, paano ka naka pasok dito?" galit na pagtatanong ni Gobernador Ralf Montes at tinakpan ni Sister Madeline ang kanyang dilat na dilat na mga mata. " K-kasi po hinahabol ko ang anak niyo. Tapos dito po siya nag punta at nakulong po ako dito" paliwanag ni Sister Madeline habang iniiwas ag kanyang mga patingin sa hubad na katawan ni Gobernador. " Pwede ba lumabas kana" naiinis nang sabi ni Gobernador at nang hahakbang na si Sister Madeline ay bigla na lamang siya natapilok at napa kapit sa towel na nagkukubli sa hubad na katawan ni Gobernador Ralf Montes at mas lalong nang laki ang mga mata ni Sister Madeline nang masubsob ang mukha niya sa sandata ni Gobenador. " Naku po ang laki.. ay Diyos ko po patawarin niyo ako panginoon" Natatarantang sabi ni Sister Madeline at lumuhod pa ito sa harapan ni Gobernador Ralf Montes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD