bc

CHEFʼS RAINER CONTRACTUAL DILEMMA (SPG)

book_age18+
233
FOLLOW
3.5K
READ
love-triangle
HE
age gap
opposites attract
stepfather
mafia
heir/heiress
drama
tragedy
bxg
witty
campus
office/work place
childhood crush
love at the first sight
office lady
actor
like
intro-logo
Blurb

Kesha Taguibe, bunsong anak sa dalawang magkapatid na Taguibe. Kilala bilang spoiled bratinela ng pamilya niya, gusto niya lagi sa kanya ang atensyon dahil sa pagiging busy ng magulang niya. Kaya nang makilala niya ang isa sa matalik na kaibigan ng pinsan niya, nagkagusto na siya rito.

Chef Rainer Vasquez, isang CEO ng 'PICKARIDE' car company at isang Chef. Pinilit niya ang kanyang sarili sa binata, pero nawala rin iyon nang makitang masayang mukha ni Chef Rainer sa ate niya. Sumuko na siya dahil wala naman na magagawa ang kanyang paghihintay niya sa binata. May nakilala siyang isang lalaki, Forrester Harrison, anak ng isa sa matalik na business friend ng parents niya. Nagkagusto si Kesha sa binata dahil sa pagiging gentleman and sweet nito, pero nagbago na naman ang ihip nang hangin nang malamang ikakasal ang ate niya sa ibang lalaki, nagkaroon muli siya ng pag—asa kay Chef Rainer.Kaya nagkaroon siya nang lakas na loob na umamin muli sa binata, pero isang aksidente ang nangyari.

Na—kidnap si Kesha ng mga kalaban ng pinsan niya. Sinagip siya ng mga ito, pero natamaan siya ng bala sa kanyang dibdib na siyang pagkaubos ng kanyang dugo.

Paano na lamang kung sa paggising niya ay nagbago na ang takbo ng buhay niya? Hindi siya totoong Taguibe at lahat ng ito ay hiram lamang niya. Paano kung mayroʼng babaeng nakatadhana talaga kay Chef Rainer? Anong gagawin niya? Hahayaan na lamang niyang mapunta ang lahat ng sakripisyo niya sa wala?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“Miss Kesha! Miss Kesha!” Napatago ako sa ilalim ng sofa namin, gawa ito sa company namin. I heard the voice of my nanny. I giggles nang marinig ko ang kanyang boses. “Miss Kesha? Nasaan na po kayo? Darating na po ang mommy niyo.” Napahagikhik ako nang marinig ko ulit ang boses ng nanny ko. Sumuksok pa ako rito sa likod ng sofa namin, pinagtataguan ko siya because paliliguan na niya ako. Tinatamad pa akong maligo, mabango pa naman ako. “Miss Kesha? Lumabas na po kayo, ako po ang pagagalitan ng mommy niyo.” Pinigilan kong mapahagikhik nang malakas at nang wala na akong marinig na voice ni nanny ay sumilip na ako. “Wala na siya!” Napangiti ako nang malaki at umalis na talaga sa pinagtataguan ko. Naglakad ako nang dahan—dahan without a sound until I stop when I saw nanny is looking at me, nagtatago rin pala siya. “I got you, Miss Kesha! Nasa likod ka lang pala ng sofa nakatago,” nakangising sabi niya sa akin kaya napahagikhik ako. Tumawa ako nang malakas. “Nanny, you found me po kaya ka nagtago?” Napanguso ako sa aking sinabi. Tumango siya sa akin. “Yes po, Miss Kesha. Nakita ko ang suot niyong damit. Tara na po, maligo na kayo. Narinig kong pupunta ang pinsan niyong si Young Master Kaiju kaya dapat maging maganda at mabango ka.” Nanlaki ang mga pretty eyes ko. “Kuya Kaiju is going here?” I asked again. I wanted to be sure. “Yes po, Miss Kesha. Kaya tara na po at maligo na kayo. Nakakahiya naman po kung maaamoy niya kayong amoy suka.” Napanguso ako sa kanyang sinabi. “Amoy vinegar na ako? Iʼm not po! I need to take a bath na, nanny!” Hinila ko ang kanyang kamay para umakyat na sa room ko and to take a bath. I know na hindi ako amoy vinegar, mabango kaya ako! Nang matapos akong maligo ay nagbihis na rin ako, isang dress ang aking sinuot na may bulaklak na design. Lumabas na rin ako sa walk—in closet ko and I saw my nanny na may hawak ng hair comb and clip to style my hair. “Nanny, Iʼm done! Sobrang pretty ng dress ko! Buy ito ni mommy para sa akin!” nakangiting sabi ko at umikot pa sa harapan niya. “I know, Miss Kesha. Kaya ayusin na po natin ang buhok niyo.” Tumango ako sa kanya at naupo ako sa bean chair ko. She brush my hair, hinati niya sa gitna ang hair ko and nilagyan ng clips, butterfly. “Done na po, Miss Kesha. Sobrang ganda niyo po.” Tumayo na ako at ningitian muli siya. “Thanks again, nanny! Labas na po ako, ha?” Kinawayan ko at lumakad na palabas ng room ko. Titignan pa niya ang bathroom para ayusin ang damit na hinubad ko kanina. Bumaba na ako muli at nakarating ako sa living room namin nang may makita akong guy na naka—seat sa amin sofa. “Hey, who are you?” malakas kong sabi at mabilis na lumakad papunta sa harap ng lalaking ito. Napamewang ako sa kanyang harapan habang ang aking kilay ay magkasalubong. "Sino ka? Bakit nandito ka sa house namin?" tinanong ko ang lalaking bago sa aking paningin. "Ha? A—ako? Ako si Rainer, best friend ako ni Master— Kaiju!" nakangiting sabi niya sa akin. Naningkit ang mga mata ko at pinalibutan siya. "Best friend ka ni kuya Kaiju? Walang best friend si kuya Kaiju!" malakas na sabi ko sa kanya. "Walang best friend ang best cousin ko! Kaya sino ka? Hindi kita kilala at ngayon lang kita nakilala!" Nakapamewang pa rin ako sa harapan niya. "Best friend niya talaga ko! Ako si Rainer!" pagpapakilala niya sa akin, nilahad pa niya ang kanyang kamay sa akin, pero tinignan ko lamang iyon. "Adik ka, ano?" Nakita ko ang gulat sa mukha niya. "A—ako, adik? Chef ako, future chef ako ni Kaiju!" Umiling ako sa kanya. "Adik ka! Bakit ayaw mong maniwala po? Hindi kaya ako nagsisinungaling! Ang bata ay hindi nagla—lie kaya hindi ako liar, okay? Kaya adik ka po!" malakas na sabi ko sa kanya. "Um, a—ano, hindi ako adik, okay? Chef ako. Tagaluto ng pagkain, marunong at masarap akong magluto—" "Adik ka!" ulit kong sabi sa kanya. Nakita ko ang pagkamot niya sa kanyang buhok. "Sabihin niyo po kung bakit ko nasabing adik ka!" Ang tagal niya kasing sabihin. Naiinip na ako. "Um, bakit mong nasabing adik ako?" "Hay naku, finally, nasabi mo na rin. Kanina ko pa hinihintay na sabihin mo kung bakit!" Napapailing kong sabi sa kanya. "Adik ka kasi... Nababaliw ako sa iyo!" malakas kong sabi sa kanya at binigyan siya ng finger heart. Nakita ko ang mukha niyang tulala. "Binibiro mo ko." seryosong sabi niya sa akin. "Ay, hindi ako marunong magbiro... Ano nga pala pangalan mo po?" tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung nasabi ba niya. "Rainer Vasquez, ang future chef ni Kaiju. Best friend niya ako,” pakilala niya muli sa akin. Napatango—tango ako sa kanya at tinitigan pa siya. "Alarm clock ka ba?" tanong ko muli sa kanya. Tumaas ang labi niya at tinignan niya ako nang nakakalokong ngiti. "Alam ko na iyan! Luma na iyan!" proud niyang sabi sa akin. "Alarm clock ka ba, kasi ginising mo ang natutulog kong puso." nakangising sabi niya sa akin. "Sabi ko naman sa iyo at alam ko iyan." Humaba ang labi ko dahil sa sinabi niyang iyon. "Hindi kaya iyon! Bida—bida ka naman!" ungot na sabi ko sa kanya. "Hindi iyon? So, ano iyong sa iyo, ha, bulinggit?" Sinipa ko ang tuhod niya. "Hey, hindi ako bulinggit, ha! Seven years old na ako, okay? Bad ka, ha!" sigaw ko sa kanya. "Saka corny naman ng sinabi mo. "Alarm clock ka ba? Kasi sa iyo lang umaandar ang oras ko! Ganoʼn dapat! Bida—bida ka masyado!" "Aba! Ako pa ang bida-bida—" "Kuya Kaiju!" Hindi ko pinansin ang lalaking iyon at tumakbo ako sa cousin ko. "Nandito ka nga! Why are you here?" nakangising tanong ko sa kanya at niyakap ko siya. "Hello, Kesha. May pinakuha lang sa akin si mom kaya dumaan kami rito." Hinawakan niya ang buhok ko. "Nakilala mo na pala si Rainer." Napataas ang tingin ko sa kanya at tinignan ang lalaking iyon. "Yes po, kuya Kaiju! Pero, inaway niya ako. Bulinggit daw po ako? Hello, matangkad na ako para sa edad kong seven years old po! Tapos bida—bida pa po siya! Nagpi—pick up lines ako tapos sinasabayan niya ako! Kuya Kaiju, keychain ka ba?" tanong ko sa kanya at ningitian siya nang malaki. "Why?" "Cause you are so cute and gusto kitang ilagay sa bulsa ko para lagi kitang kasama, kuya Kaiju!" nakangiting sagot sa kanya. Hinawakan niya ang buhok ko. "You too, Kesha." Napatingin ako sa lalaking iyon. "Ganoʼn dapat po sumagot, okay? Huwag kang bida—bida, ha?" Pinagalitan ko muli siya. "Ano bang ginawa mo, Rainer?" Nakita ko ang pagkamot sa buhok niya. Paniguradong magiging panot na ang isang ito, kakakamot doon. “Wala akong ginawa sa kanyang Master Kaiju. Nagulat na lang ako nang sabihin niya akong Adik!” Tinuro pa niya ako. Nagsalubong ang aking kilay. “Hey, donʼt point your finger towards me! Kakagatin ko iyan!” malakas na sabi ko sa kanya. Binaba niya ang kanyang daliri at napaiwas ng tingin. “Ano bang ginawa mo sa kanya, Kesha?” Tinignan ko si kuya Kaiju. “Wala po. Siya po ang may ginawa sa akin... I was shocked when I sàw him sitting in our couch. I donʼt know him then I asked his name tapos hindi siya sumasagot... Sabi niya best friend mo raw siya, kuya Kaiju, pero ngayon ko lang siya nakita... Tapos ang panget pa niya kaya paano mo siya naging best friend?” madaldal na sabi ko at sinulyapan ko ang lalaking ito. “A—ako? Panget?” “Ngayon mo lang po nalaman iyon? Ilang taon ka na po ba?” Wala ba silang salamin sa bahay nila? How poor naman they are. Bibigyan ko sila ng mirror, we have a lot. “Seventeen years old.” Tinignan ko si kuya Kaiju. “Mas matanda siya sa iyo, kuya Kaiju? Ay, matanda na siya! Malapit ka na makulong po. Sabi ni nanny kapag eighteen years old ka na pʼwede ka ng makulong po. Try mo po kaya?” “Kesha!” Tinakpan ni kuya Kaiju ang bibig ko. “Donʼt say that. Classmate kaming dalawa ngayong college students namin.” Tinanggal ko ang kanyang kamay sa bibig ko. “Wooh! Youʼre so smart, kuya Kaiju! Kaya proud ako sa iyo po!” masayang sabi ko sa kanya. “Hindi tulad ng iba dʼyan... Mukha na talagang matanda.” Pinaparinggan ko iyong si kuya Rainer. “Miss Kesha— Young Master Kaiju and Sir Vasquez!” Nagulat ako nang yumuko si nanny at kilala niya ang lalaking ito. “Nanny, kilala mo po siya?” tanong ko at tinuro ang lalaking itong nakangisi na sa akin. Aba, mukhang nagmamalaki siya, ha? “Yes po, Miss Kesha. Matalik na kaibigan ni Young Master Kaiju. Sobrang bata pa po kayo kaya hindi niyo siya matandaan. Silang tatlo ng ate Dakota mo ay matatalik silang magkaibigan.” Masama ko siyang tinignan. “Really po? Friend ka rin ni ate Dakota?” Tinignan ko siya simula ulo hanggang paa niya at ini—snob siya. “Nagugutom na po ako kuya Kaiju. Kain po tayo lunch!” Hinawakan ko ang kamay ni kuya Kaiju at pumunta sa dining hall. Hindi ko niyaya ang Rainer na iyon, teka, kuya Rainer pala dahil matanda siya sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
160.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
91.4K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
21.7K
bc

His Obsession

read
98.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook