Memory: Seventeen

2000 Words
Seventeen Kinabukasan ay nagtext si Ashley na sa school na lang daw kami susunduin dahil medyo malayo ang bahay nila mula sa mga bahay namin. That's why here I am in front of the school gate waiting for the others. I'm wearing a ripped baggy jeans and black baggy shirt together with my black converse. I didn't bother to tie my hair, hinahayaan ko itong hanginin habang nakasandal ako sa school gate. Nang matanaw ko ang mini van ay napangiti ako at kumaway dito. Nang huminto ang van sa harap ko ay binuksan ko ang pinto at tiningnan kung sino na ang mga nasa loob. Everyone was there except for Vince kaya nagtaka ako. "Si Vince wala pa?" tanong ko. "Wala pa, susunduin na lang natin baka tinamad kumilos." Kaius answered. Tumango ako at umupo sa tabi niya. "Grabe last week lang ang kikay mo manamit Kade tapos ngayon boyish, pero either way ang ganda mo kainis!" tumatawang sabi ni Cesha. Ngumiti lang ako at sinalpak ang earphones sa tainga ko. I've been seeing lonely people in crowded rooms Covering their old heartbreaks with new tattoos It's all about smoke screens and cigarettes Looking through low lights at silhouettes But all I see is lonely people in crowded rooms Maya maya nilapit ni Kaius ang mukha niya sa leeg ko kaya napaigtad ako. Tinanggal ko ang isang earphone sa tainga ko at tiningnan siya nang masama. "Kaius, what the fudge?" gulat na tanong ko. Ngumisi siya."Ang bango naman ng prinsesa ko. Anong pabango mo?" diniinan niya talaga ang ko kaya tiningnan ko siya nagtataka. I scoffed."Miss Dior Blooming Bouquet" sagot ko. "Purr ang expensive naman ng beshy ko." tumatawang sabi ni Kaius habang pinapakita ang kuko na parang babae. Natawa ako sa inasta niya kaya hinampas ko siya sa braso. Nilipat ko ang isang earphone sa kaniya bago ako sumandal sa balikat niya. After a few minutes drive ay huminto kami sa isang subdivision na siksikan ang mga bahay. Halos wala nang space para sa mga bakod at pawang dikit dikit na lang ang mga bahay dito. "Saan 'yong bahay nila?" tanong ko habang sumisilip sa labas ng bintana. "Ako na lang susundo sa kaniya." sabi ni Kaius. Akmang bubuksan niya ang pinto nang pigilan ko siya. "Kaius, pwedeng sumama?" I said with pleading eyes. "Gusto kong makita kung saan ang bahay nila." I said. Ngumiti naman ito at pinauna akong lumabas mula sa mini van. May mga tambay sa labas na nagiinom pati na rin ang mga batang pakalat kalat at naglalaro ng kung ano ano. Naglakad pa kami nang ilang minuto bago huminto si Kaius sa tapat ng color white bungalow type na bahay. Hinila ako ni Kaius at pumasok kami sa gate pero natigilan kami nang may marinig kaming sumisigaw. "SUBUKAN MONG UMALIS VINCE! ORAS NA TUMAPAK KA SA LABAS NG BAHAY NA 'TO WALA KA NANG UUWIAN!" narinig ko ang sigaw ng isang babae. "Ma importante 'tong pupuntahan ko. Kaunting pangunawa naman oh." it was Vince. "Aber sino ang magbabantay sa mga kapatid mo kung aalis ka?!" sigaw ulit ng babae na tinawag niyang Ma. "Bakit hindi muna kayo? Puro kasi kayo sugal ma!" sigaw ni Vince. "Aba bastos kang bata ka!" sigaw nito. Napatakip ako sa bibig ko nang marinig ang malutong na sampal mula sa loob ng bahay. Namalayan ko na lang hinihila na ako ni Kaius palayo rito. I looked back at nakita kong hindi pa rin lumalabas si Vince mula rito. "K-kaius how about Vince?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya."Lalabas na 'yon." he said. Nakabalik kami sa mini van nang hindi kasama si Vince kaya nagtaka ang iba. "Nasaan si Vince?" tanong ni Jansen. "Palabas na siya, pre." nakangiting sambit ni Kaius. Sumandal ako sa gilid ng mini van habang hinihintay naming lumabas si Vince. And there he was, mukhang galit na galit habang naglalakad palabas ng bahay pero nang makita niya kami his face softened and it turned to his usual grin. Nang lumapit siya sa amin ay pinisil ko ang pisngi niya. Hindi naman ito umangal at sinuklian lang ako ng matamais na ngiti. "Hi Vince." nakangiting bati ko. "Hi prinse- teka bakit parang prinsipe ka ngayon?!" pabirong sabi niya kaya kinurot ko siya sa braso. Ginulo niya naman ang buhok ko bago siya umupo sa passenger's seat. "Paimportante ka talaga pre!" sabi ni Kaius at nakipag fist bump dito. Then it hits me. I came to understand how important this organization is. It seems like they're trying to protect one another's secrets. They were aware of each and everyone's problems and flaws but they accepted it no matter what. And I now understand why they don't bring it up, discuss about it, or talk about it. They simply understand and try to cheer each other up in the way they can. They were aware that some things are just better left unsaid. Nagpatuloy kami sa pagbabyahe and I can't help but to stare at Vince. I can't believe he's going through something like this, I mean he always has been the energetic and goofy type of person around the group. It saddens me na ganito siya just to escape the bitter reality of his life. ~ Pagdating namin ay parang fiesta ang birthday ng mama ni Ashley dahil sa sobrang daming tao at mga decorations na nakasabit sa bahay nila. May mga nagiinuman at nagvi-videoke pa sa patio nila. I've always wanted to experience this kind of birthday. Simple at masaya lang hindi kagaya sa amin, tuwing birthday ko my visitors are always Dad's business partner. You're like in a beautiful room that's full of people yet you still feel empty, that's how it feels like. Birthday yes, happy never. Pumasok kami sa gate nila na kasing taas lang ng fence nila kaya nakikita agad kung ano ang nasa loob. Nakita namin si Ashley sa balkonahe habang naglalagay ng pagkain sa plato. "Guys!" sigaw nito habang tumatakbo papalapit sa amin. "Tara sa loob. Ipapakilala ko kayo kay Mama." excited na sabi niya. Tiningnan ko ang kabuuan ng bahay nila. It was bungalow type too just like Vince's house. Ang nakababatang kapatid naman niyang lakaki ay nasa sofa at busy sa paglalaro ng alaga nilang pusa. I looked at them and they look cute, I wanted a cat pero ayaw akong payagan nila Mommy and Daddy because of the fur is messy daw. Lumapit ako sa pusa nila and I caressed it's head, he purred so I smiled. Binaling ko ang tingin ko sa kapatid ni Ashley at pinisil ang pisngi niya. "Hi ang cute mo naman, what's your name?" tanong ko habang nakangiti. "Hi, i'm Asher." nakangiting sabi niya."You're pretty." nahihiyang sabi niya habang tinatakpan ang mukha. "Thank you, baby. And you you're so cute!" nakangiting sabi ko at pinat ang ulo niya. Bumalik ako sa mga kasamahan ko at nakita ko si Kaius na nakatingin sa akin. "Mahilig ka rin ba sa pusa?" tanong niya. Ngumiti naman ako tumango na parang bata. Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko kaya kinurot ko siya sa braso. Lumapit si Ashley sa isang babae na kamukhang kamukha niya at hinila ito papalapit sa amin. Nagmano kaming lahat at binati namin "Kade, si Mama. Ma, si Kade new member namin." proud na sabi ni Ashley. "Hello iha. Kinagagalak akong makilala ka." sabi nito at niyakap ako. I smiled awkwardly."Happy birthday po. I got you a present po." nakangiting sabi ko. "Naku nagabala ka pa!" sabi nito habang binubuksan ang regalo ko. Nang mailabas niya ito ay hinablot ni Ashley ito sa kamay ng mama niya. "C-chanel?! Kade mahal 'to 'diba? Ano ka ba sana hindi ka na nagabala pa." Ashley said. "No it's fine, Ash. Hindi ko kasi alam kung anong ireregalo ko, that's the brand that my Mommy uses." nagkakamot sa ulong sabi ko. After bumati ng iba kong kasama ay kinuhanan kami ni Ashley ng pagkain at sa living room nila kami pumwesto. We insisted na huwag na kumain si Ashley dahil busog na raw siya pero gusto niya kaming makasabay kaya kumain pa rin ito. Habang kumakain ay inumpisahan na rin namin ang meeting para sa upcoming project namin. "So? Anong upcoming project natin?" tanong ko. Ngumiti silang lahat sa akin nang nakakaloko kaya kumunot ang noo ko. "Guys you know that you're scaring me, right?" sabi ko. "Every year nagvo-volunteer ang grupo sa isang medical mission at nagaabot ng tulong sa isang community of Aetas located at the foot of Mount Pinatubo, Tarlac." mahabang paliwanag ni Ashley. "Wait did you say, Mount Pinatubo?! That'd be exciting!" masiglang sabi ko. But my smile faded immediately nang ngumisi silang lahat nang nakakaloko. "Ewan ko lang kung maexcite ka pa after nitong sasabihin namin." Ashley grinned. "First of all make sure you will bring lots of power bank." sabi nito. I looked at her, confused."Why is that?" tanong ko. She grinned again."Walang ilaw doon." halos maibuga ko ang kinakain ko nang sabihin niya 'yon. I gave her a are you freaking serious face at tumango naman ito. "You won't be able to use your phone there dahil magiging sobrang busy tayo doon pero in case lang, bring a portable fan too since I know hindi ka sanay na walang air conditioner or fan, after all you're a princess." nakangising sabi ni Kaius. "Kaya magdala ka pa rin ng maraming power bank para sa fan mo, ayaw naman naming papakin ka ng lamok." dagdag nito. Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pakikinig sa kanila. "And hiking shoes, kailangan nating umakyat pa ng bundok para makarating sa baryo nila." sabi ni Cesha. "Huwag ka rin gaanong magdadala ng gamit dahil mahihirapan ka sa pagbubuhat, masiyadong malayo ang aakyatin natin." paalala ni Jansen. "Wala din silang gripo doon. Ang source of water lang nila ay galing sa artesian well, sari-sariling igib kumbaga." sabi ni Vince. "Okay, so when do we go? tanong ko. "After 2 weeks. So be ready at pagisipan mong mabuti kung sasama ka pa." sagot ni Ashley. I mean hindi naman ako maarte at sa tingin ko masaya naman iyon at dagdag experience din para sa akin. "2 days tayo doon, kakayanin mo ba?" tanong ni Kaius. "Of course." nakangiting sabi ko. ~ "Ash baka pwedeng dito na kami matulog." Kaius said. "Sige! Woah overnight!" masayang sabi ni Ashley. Tiningnan ko si Kaius. Bigla biglang nagyayaya ng overnight ito kaya tinitigan ko siya. Kumindat lang siya at tumingin kay Vince. Right! Wala nga pala siyang matutuluyan ngayon, narinig namin kanina na huwag na raw siyang umuwi oras na tumapak siya sa labas ng bahay nila. I felt sad again. "Guys I don't think I can." sabi ko naman. "Mom and Dad are at home." malungkot na sabi ko. "Ako na lang maghahatid sa kaniya pauwi." prisinta ni Kaius. Nagstay pa ako ng ilang oras doon bago nagpaalam sa kanila. Nagmamaktol naman ang dalawa dahil hindi raw ako makakasama sa kanila na magsiksikan sa sahig ng living room. The cold air embraced me nang makalabas kami ni Kaius. I hugged myself then we walked to the mini van. "You don't have to do this, Kaius. Pwede naman akong magpasundo sa driver namin." sabi ko. "Hindi na mas gusto ko nga ito nasosolo kita." tumawang sabi niya kaya hinampas ko siya sa braso. "Really though. I feel bad, babalik kang walang kasama." I am worried and I do feel bad. "Okay lang, prinsesa. Atleast alam kong safe ka." nakangiting sabi niya.. Nagsimula kaming magbyahe at tahimik lang kami nang basagin ko ang katahimikan. "Kaius about your wound yesterday. What happened?" tanong ko. "Wala 'yon. Huwag mo akong alalahanin, wifey." W-wifey?! "Huh! Now I'm your wifey! That's so cringe, Kaius." sabi ko habang hinahampas siya. "Aray! Hindi ba kinasal na tayo the other day?" nakangising sabi niya. Nagasaran lang kami buong byahe hanggang sa makarating kami sa kanto. Dito na ako nagpababa dahil baka andiyan na sila Mommy. "Kaius take care, please. Message me kung nandoon ka na." I will, wifey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD