Sixteen
Buong gabi ko inisip ang nangyari kanina. After what happened at the marriage booth ay walang humpay ang pangaasar sa amin ni Kaius ng mga kaibigan namin.
After namin sa marriage booth ay nagtry pa kami ng iba pang booth gaya ng fortune telling booth na ginawa lang naming katatawanan dahil parang scam naman daw 'yon, nagpa face paint rin kami at si baymax ang napili ko, well he looks cute and fluffy. Nagpacustomize rin kami ng t-shirt, it was a black shirt with the minimalist mini van print and Pathfinder logo on top of it. I was even late for the attendance of one of my subjects because our prof required it. I was busy having fun nalimutan ko icheck ang phone ko.
I came home with a smile plastered on my face nang matapos ang event. But my happiness quickly vanished nang maabutan ko sila Mommy and Daddy sa living room.
"It's late, darling, Saan ka galing?" tanong ni Mom.
"It's Foundation Day, Mom." sagot ko.
"What's that on your face?" tanong ni Dad. I realized hindi ko pa pala natanggal ito kaya dumiretso ako sa sink at tinanggal ang paper ring na bigay ni Kaius bago ko hinugasan ang mukha ko.
Sumunod naman si Daddy sa akin at tinanong ulit kung ano ito.
"It's face paint, Dad." sagot ko.
"Face paint? You like this kind of stuff?" walang humpay na pagtatanong niya. Hindi naman ako sumasagot at patuloy pa rin sa pangtanggal ng paint sa mukha ko.
"It's your third year in college and this was the first you tried this. You don't even want people touching your face you said." sabi nanaman ni Dad.
"I just wanted to try it, Daddy." pilit na ngiting sabi ko. "I'll go upstairs na Dad, I need to finish some school activity." pagpapaalam ko bago umakyat sa kwarto ko. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya dahil alam ko namang hindi nila ako titigilan.
After taking a shower ay pabagsak akong humiga sa kama ko. Pagod ako pero hindi ako makatulog kahit ipikit ko ang mata ko. Damn I can't sleep kaya pagulong gulong ako sa kama ko ngayon habang iniisip ang ginawa ni Kaius.
Why would he do that? Does he like me? Kaius Cane Martinez what are you doing to me! Halos sabunutan ko na ang sarili ko dahil sa sobrang frustration.
Bumaba ako sa kitchen para kumuha ng milk dahil nagbabakasakaling makakatulog na ako after ko uminom nito. After ko uminom ay umakyat ulit ako at humiga sa kama. Sinalpak ko ang earphones sa tainga ko at finull ang volume. Habang nakikinig sa kanta ay tinititigan ko ang paper ring na binigay ni Kaius. The stranger feeling that he gave me earlier won't go away habang tinitingnan ko ang paper ring. Ngumiti ako at tinanggal ko ito bago isinilid sa drawer ng night stand ko.
I wish that you would stay in my memories
But you show up today, just to ruin things
I wanna put you in the past 'cause I'm traumatized
But you're not letting me do that, 'cause tonight
You're all drunk in my kitchen, curled in the fetal position
Too busy playing the victim to be listening to me when I say
In my memories, stay in my memories
It was Memories by Conan Gray. Habang nakikinig sa kanta ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Kinabukasan ay sobrang daming activities at projects ang pinapagawa sa amin. Kaliwa't kanan naman ang naririnig kong reklamo. Gusto ko rin sanang magreklamo 'gaya ng mga kaklase ko pero sanay na ako. Usually kapag 2-3 months na lang ang natitira bago magsummer vacation ay tambak kami palagi sa school works.
Matapos mag assign ng project, pumunta ako sa office at nadatnan kong andoon sila Kaius, Vince at Cesha.
Nakasalampak si Vince sa sahig habang si Cesha ay nakaupo sa sahig habang naka indian seat at si Kaius naman ay nasa sofa. Tutok na tutok sila sa laptop kaya sinilip ko ito, nanonood sila.
"Anong pinapanood niyo?" tanong ko.
"Twilight Series." si Cesha ang sumagot. My face lit up nang marinig ko kung anong pinapanood nila. I immediately sat beside Kaius and told him to scoot over.
Inalok ako ni Kaius ng junk foods at pagtingin ko sa kaniya doon ko lang napansin na may suot siyang black beanie na may smiley face na design sa gitna. Tinitigan ko ito and I admit it, he looks cute on it.
"Pogi ko 'no?" tanong niya. I came to my senses nang marinig ko ang sinabi niya.
"Wow buhat na buhat ang sarili?" tumatawang sabi ko. Ngumisi lang ito bago binaling ang atensyon sa panonood."Pahiram ng beanie, Kaius!" pahabol ko at hinablot ko ito sa ulo niya pero hinila niya rin ito pababa. I was shocked meron siyang cut malapit sa noo niya, I didn't fully see it dahil nahila niya kaagad ang beanie.
"K-kaius." I tried to reach for his wound but he stopped my hands mid way.
Umiling siya."Okay lang ako, Aice." nakangiting sabi niya. I looked at him with worried face.
.
"Gamutin natin." mahinang sabi ko para hindi marinig ng iba, obviously he doesn't want anyone to know. Umiling lang ito at pinat ang ulo ko.
I focused my gaze on the laptop and tried to distract myself from watching but I can't. I was about to look at him again nang biglang siya humiga siya sa lap ko. I was caught off guard pero nakabawi din agad at binalik ko ang focus ko sa panonood.
Napaigtad ako nang tumayo siya at hawakan ang magkabilang pisngi ko.
W-what the fudge, Kaius?! Ganito niya ako hinawakan sa mukha kahapon bago niya ako halikan.
Pinisil pisil niya ang pisngi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ang cute mo, mukha kang galit na siopao." sabi niya habang humahagikhik. Hinampas ko siya sa braso kaya tinanggal niya ang mga kamay niya sa pisngi ko.
"Bakit may mukha ba ang siopao?" taas kilay kong sabi. Umiling lang ito at nagpatuloy sa panonood. Nang makakuha ako ng opportunity ay kinurot ko ang magkabilaang pisngi niya at diniinan ko 'yon.
"Aray, tama na." sabi niya habang dumadaing. Ako naman ay bumubungisngis habang patuloy pa rin sa pagkurot sa pisngi niya despite of worrying about his wound. Nagulat ako nang bigla bigla ay hinalikan niya ako sa noo. I was dumbfounded at napabitaw ako sa pisngi niya.
"H-hoy! Ano 'yan?"
Napatayo ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Jansen. Tiningnan ko ito at nakasandal siya sa pinto habang seryosong nakatingin sa amin.
Lumapit ako sa kaniya nang mapansing may pasa siya sa kaliwang pisngi niya at dumudugo ang gilid ng labi niya. Hahawakan ko sana ito nang iiwas niya ang mukha niya.
"Anong nangyari sa 'yo? tanong ko. I looked at him, worried. Napatingin din ang iba sa amin nang tanungin ko siya.
"Ah wala, may hindi lang napagkaintindihan." nakangiting sabi niya.
"Hoy kailan ka pa napapaaway? E pwede ka na ngang maging anghel sa sobrang bait mo. Sino nangaway sa 'yo pre? Resbakan natin." seryosong sabi ni Vince. Umiling lang si Jansen at binaling ulit ang paningin sa akin.
"Hali ka dito, gamutin natin 'yan." tatanggi pa sana siya pero hinawakan ko siya sa braso at pinaupo sa swivel chair. Lumapit ako sa sink at hinanap ang first aid kit.
Naglagay ako ng ointment sa daliri ko at sinimulang pahiran ang sugat sa labi niya. While I was busy applying it I caught him na nakatitig sa akin. I gave him a sweet smile na ginantihan naman niya ng tipid na ngiti.
"Saet?" narinig kong sabi ni Vince kaya napatingin ako sa kanila. Sinuntok naman siya nang mahina ni Kaius sa braso at nagfrown.
Halos maduling naman ako nang pagharap ko kay Jansen ay sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. I gasped at napaatras ako, I tripped on something kaya I was about to fall nang may sumalo sa akin. I looked up, it was Kaius who caught me.
Sumipol si Vince."Cesh pakipatay na nga 'yang pinapanood natin, ito na pala 'yong palabas sa harap ko." nakangising sabi ni Vince. Nilapag naman ni Cesha ang bowl of popcorn at padabog na lumabas ng office.
Uh what just happened?
~
Dumating si Ashley at nang madatnan niya kami ay hinanap niya si Cesha dahil ito lang ang wala sa office. Inutusan niya si Vince na hanapin ito at agad agad naman itong sumunod. Nagbago ang atmosphere dahil sa nangyaring pag walk out ni Cesha.
I know she likes Jansen. Her saying the night that we played the drink game was still vivid in my mind. Does she think I like Jansen? Hindi ko naman sinasadya na ganoon kalapit ang mukha namin tapos ginatungan pa ni Vincent. I was worried about her, baka mamaya magkaroon ng dent ang friendship namin. I sighed.
After a few minutes Vince came back together with Cesha, umupo ito sa sofa at pumikit.
Umupo ako sa tabi niya at tinapik ang balikat niya "Are you okay, Ce? Saan ka galing?" tanong ko. Dumilat siya at tumingin sa akin bago ngumiti.
"Okay lang ako, Aicelle. Nagpahangin lang ako sa labas." nakangiting ani nito. Tumango naman ako at nabaling ang atensyon ko kay Ashley nang magsalita ito.
"Cesha about earlier don't get the wrong ide-" she cut me off.
"Aicelle, no. You don't have to explain, I over reacted." she said while smiling. Magsasalita pa sana ako nang magsalita na si Ashley kaya nananahimik na lang ako.
"All right since andito na lahat sasabihin ko na ang announcement." sabi nito.
Yumakap naman ako sa balikat ni Cesha habang nakasandal ang ulo ko dito habang seryosong nakikinig kay Ashley. This past few days I've been touchy towards them which is odd since I always want my own space. Each passing day I've become comfortable with them.
Hindi ko maiwasang mapatingin kay Kaius, despite of his wound his smile was the same na akala mo walang iniinda. His cut looks deep, I can't help but to get curious kung saan niya nakuha iyon.
"Kailangan na natin gumawa ulit ng bagong project. We need to do at least two before tbe school year ends. Kaya may meeting tayo bukas, so don't be absent." seryosong sabi nito. Nabalik kay Ashley ang paningin ko nang marinig ko ang sinabi niya.
"Saan iheheld ang meeting?" tanong ko sa kaniya.
"Sa bahay tayo, birthday bukas ni Mama." nakangiting sabi ni Ashley. Agad na nagningning ang mata ni Vince dahil sa narinig.
"Ayaw ko boss." sagot nito kaya nagtaka kami. Woah that's new.
"Ayaw kong tumanggi." dagdag nito habang bumubungisngis. I scoffed, I take that back.
"Mahiya ka naman pre, magpapilit ka naman kahit kaunti." nangaasar na sabi ni Kaius. Nagfrown naman si Vince at inambaan ito ng suntok.
"Pero anong oras ba? Anong handa niyo, Ash? Pasabi kay mama 'wag niya kalimutan ang lumpiang shanghai ah?" tanong ni Kaius. Napahawak naman si Vince sa dibdib niya dahil hindi makapaniwala kaya natawa ako. Tinuro niya pa si Kaius na parang sinasabing 'siya rin naman pala' habang nagma-make face.
"Target lock niyo nanaman ang lumpia! Sasabihin ko kay mama huwag siyang magluto ng ganoon." nagreklamo naman silang lahat kaya natawa si Ashley.
And it's settled. This upcoming meeting will be held at Ashley's house. Para sa akin okay lang naman kahit saan kami mag meeting as long as I'm with them I'm more than happy and contented.
Perhaps because of this, I enjoy spending time with them. Because when I'm around them it's easy, I don't have to pretend to be perfect. We may lack stability but I know it's just because we exist on our own world full of weirdness.
They like discussing topics about passion, independence, discovering yourself, and following your ambitions not unlike others that thinks all about money and practicality. And because of that I think I already found my people.
It may be chaotic and all at least I can call it safe space, a home.