Fifteen
The entire week flashed before my eyes. Naging busy ako buong week para sa preparations ng Foundation Day. Halos hindi kami magkita ng mga kaibigan ko at kung magkikita man kami ay makakasalubong lang sa corridor or kapag nagsasabay kaming kumain sa cafeteria.
It's Monday again, and today is Foundation Day. Maaga akong gumising dahil kailangan ako ng maaga sa school. The veils and rings are assigned to me, pati na rin ang mga flowers and random things na kailangan sa kasal.
Pumasok ako sa banyo kahit na antok na antok pa rin at nagsimulang maligo. We don't get to wear uniforms today kaya I am wearing a white long sleeve corset top partnered with ripped wide leg jeans and white sneakers with my hair in braided headband.
Maliit na bagpack lang ang dinala ko dahil phone, wallet and hygienic stuffs lang ang inilagay ko rito. Kinuha ko ang dalawang box of ring sa night stand at ang veil sa closet ko. Nilagay ko ito lahat sa back seat kasama ang mga backdrop designs and other things.
Pagkarating ko sa school ay marami na rin ang nandoon marahil magaayos ng rin ng mga kani-kanilang booths. Pinagtulungan namin ng mga kaklase ko buhatin ang mg designs and props para sa booths namin at dinala ito sa field.
~
Busy ako sa pagaayos nang lumapit si Ashley sa akin at yumakap ito. My friends doesn't have personal space in their vocabulary and pati na rin ang boundaries. Nasanay na rin ako kaya hinahayaan ko na lang at yinakap ko siya pabalik.
"Namiss kita, Kade." masayang bati nito habang nakapulupot pa rin sa akin.
"Are you done with your booth?" tanong ko.
Napakamot ito sa ulo at umiling."Nakita kasi kita e saglit lang naman at babalik rin ako." nakapout niyang sabi.
"Pwede naman na tayo magsama sama mamaya kapag nagstart na. Pupunta ako sa mga booths niyo." nakangiting sabi ko.
Natuwa si Ashley sa sinabi ko at nagpaalam na ito para tapusin na rin ang booth nila. Ako naman ay busy sa pagtayo ng back drop kasama ang mga kaklase kong lalaki. Nagset up rin sila ng table sa gitna at nilagyan ito ng flowers and scented candles at pinatong ko ang dalawang box ring doon pati na rin ang fresh flowers na binili ko. Pagkatapos nito ay naglatag kami ng red carpet para gawing aisle. Sa magkabilang gilid naman ng aisle ay naglagay kami ng potted plastic white roses.
Exactly at 8 am nagumpisa ang event at in-announce ng dean ang mga ganap today. Some of the students prepared intermission number just like dancing and singing. After no'n ay in-announce na na open na ang booth para sa lahat. Ang president at vice president ang nakaassign sa entrance ng booth namin kaya umalis na ako para hanapin sila Ash.
Hinanap ko ang booth nila at nakita ko siyang nagaayos ng bars para sa jail booth. Lumapit ako sa kaniya at kinalabit siya dahil hindi niya napansin ang presensya ko.
"Hi Ash. May gagawin ka pa?" tanong ko.
"Wait lang, Kade. Last na 'to." nakangiting sabi niya. Pagkatapos ng ginagawa niya ay lumapit siya sa akin at inangkla ang kamay niya sa braso ko.
"Saan tayo, Kade?" tanong niya.
"Puntahan natin ang iba tapos itry natin ang photo booth tsaka food booth." I said. Tumango naman siya at nauna kaming pumunta kila Cesha at Jansen.
"Hi Jansen and Cesha." nakangiting bati ko sa kanila."Tapos na ba kayo? Tara sa food booth." aya ko sa kanila. Tumango naman sila at sabay sabay kaming nagpunta sa booth nila Vince para yayain din siya.
Pagdating namin sa booth nila ay busy siya sa pagset up ng camera. Kumaway ito sa amin nang makita niya kami bago siya lumapit.
"Yow, anong atin guys?" tanong niya.
"Gusto ni Kade na itry natin ang mga booths." Ashley replied. Nagpaalam muna siya sa mga kasama niya bago kami nagtungo sa booth nila Kaius.
Pagdating namin ay hindi ko agad nakita si Kaius kaya iginala ko ang paningin ko. There I found him, nakasimangot siya habang suot ang isang-hotdog buns na costume?!
Nakita rin siya nila Vince kaya nilapitan ito at humagalpak sa pagtawa ang mga ito.
"Pre ano 'to." tumatawang sabi ni Vince. Halos humiga na 'to sa damuhan. Si Kaius naman ay masama ang tingin sa kaniya. Nabaling ang tingin niya sa akin at nagpout siya nang makitang tumatawa rin ako.
"Kaius are you free?" tanong ko habang tumatawa."I want us to try some of the booths kasi. Pero I think you are needed here since you're the hotdog guy." nakangising sabi ko.
Sumimangot naman ito."Meron naman akong kasama e! Magpapaswitch muna ako." Tinanggal niya ang costume niya at inabot ito sa isa sa mga kaklase niya.
"Anong gusto niyo unang itry?" tanong ko. This isn't my first time experiencing Foundation Day since I am a 3rd year college student. Pero first time ko maging excited and first time ko magtry ng booths because I am not on interested before.
"Marriage booth?" nakangising tanong ni Kaius sa akin.
"Hoy Kaius." sigaw ni Vince at binatukan ito.
"Kidding. How about photo booth?" tanong niya sa amin. We agreed at tumungo kami sa booth nila Vince. Ang kasama niya muna ang kukuha ng litrato dahil kasama namin siyang magpi-picture. Nagpulot kami ng kaniya kaniyang props. Pinili ko ang mustache habang ang mga kaibigan ko ay pumili din ng iba iba. We did a wacky, normal and bunch of goofy photos while smiling like crazy. At times like this, I feel alive whenever I'm with them.
After no'n ay kumuha kami ng kaniya kaniyang copy ng photos, I slid it in my wallet. After namin doon ay napagpasyahan namin na sa food booth naman kami pupunta. Pero habang naglalakad kami ay narinig namin sa speaker ang pangalan namin.
~
Pathfinders you are under arrest. Catch them.
Nang narinig namin 'yon ay nagtinginan kaming lahat bago nagkaniya kaniyang takbo. The catchers need to catch us within 20 seconds, if not we will be safe and hindi na kailangan makulong sa jail booth. Hinabol kami ng mga studyante sa jail booth, we are all running for our life na 'kala mo totoong makukulong kami. After 20 seconds ay tumigil sila sa paghabol sa amin, tiningnan ko ang mga kasama ko and they were panting. Walang nahuli sa amin, nagkatinginan kaming lahat and we burst out laughing.
Hinihingal kaming lahat hanggang sa makarating kami sa food booth. We ordered burger and fries tsaka lemonade because it was the only main course, puro dessert na ang iba. Busy kami sa pagkain nang marinig namin na nag mic test ang dedication booth.
This message is dedicated to the Pathfinders.
"Suki yarn?" natatawang sabi ni Vince kaya natawa rin kami.
Hi guys. I can't express myself in person kaya dito na lang.
Oh it's my message.
I just want to thank each and everyone of you for making me feel alive. I may not be showy and affectionate towards you guys but just so you know I adore you guys. I didn't know I can live like this if it weren't for you guys. I appreciate you all, so here's to more adventure ahead of us.
Love, your princess
Tingnan ko silang lahat at nang tumingin din sila sa akin Ashley and Cesha became emotional. Nginitian ko sila at isa isa silang tumayo para mag group hug kami. Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad kami para maghanap pa ng ibang booth.
Nagulat ako nang may magposas sa kamay ko pati na rin kay Kaius.
W-wait what?! Para sa marriage booth itong posas na 'to.
Pumapalag ako habang si Kaius ay chill lang. Tiningnan ko naman ang mga kaibigan ko at ngingisi ngisi si Vince.
"V-vince kagagawan mo 'to 'no?!" sigaw ko sa kaniya. Nagpeace sign na lang siya at sumunod silang lahat habang tumatawa papunta sa marriage booth.
"Kaius ano ba. Sabihin mo tanggalin na tayo sa list." sabi ko. Pero parang walang naririnig ito at patuloy pa rin sa pagngisi. I looked at him in disbelief at nagmukmok na lang ako habang tinatanggal ang posas sa amin.
Pinasuot si Kaius ng suit habang kinabit naman sa akin ang veil. Pinahintay ako sa labas habang hawak hawak ang bulaklak dahil lalakad daw ako sa aisle, I cringed.
I've waited a hundred years
But I'd wait a million more for you
Nothing prepared me for
What the privilege of being yours would do
The song started and it was my cue to walk. The song is Turning Page by Sleeping at Last. The song was my idea since I'm an avid fan of Twilight.
Habang naglalakad ako ay nakita ko ang kaibigan namin na nagchi-cheer sa gilid. Binaling ko ang paningin ko sa harap and I saw Kaius, he was smiling. I looked at him and his eyes were sparkling, scratch that. Guni guni ko lang 'yan sabi ko sa sarili ko at nagpatuloy sa paglalakad hanggang makarating ako sa kaniya. Patuloy pa rin ang kanta habang papalapit ako sa kaniya.
If I had only felt the warmth within your touch
If I had only seen how you smile when you blush
Or how you curl your lip when you concentrate enough
I would have known what I was living for all along
He offered his hand at nagmamaktol kong tinanggap 'yon. Tumawa na lang siya at inalalayan ako sa pagupo. We were facing each other sa harap ng lamesa.
"Kaius Cane Martinez, do you take this woman to be your wife, to love her, to honor her, to comfort her, and to keep her in sickness and in health, forsaking all others, for as long as you both shall live?"
"I do, father." magiliw na sabi ni Kaius. Naghiyawan naman ang mga nanonood kaya nahihiya ako. Tiningnan ko si Jansen, seryoso ito habang nanonood.
"Kadence Aicelle Aguilar, do you take this man to be your husband, to love him, to honor him, to comfort him, and to keep him in sickness and in health, forsaking all others, for as long as you both shall live?"
" I-i do, father." damn it. Bakit ba nauutal ako, this is not even real.
"You may say your vow." sabi ng isa sa mga kaklase ko na nagportray bilang pari. I gasped when Kaius pulled out something in his pocket, it was a ring made of paper. Isinuot ito habang sinasabi ang vows niya.
"K-kaius." I stuttered. I can't help but to feel a strange feeling inside my stomach.
I, Kaius Cane Martinez, take you, Kadence Aicelle Aguilar to be my wife.To love you with my whole heart with a passion that can't be expressed in words, only in kisses, glances, and years of adventure by your side.
W-wait that's not the vow in the script?!
I looked at Kaius and he looked genuine while saying those words but I doubt that. I should stop overthinking, I said my own vow too habang sinusuot sa kaniya ang singsing.
I, Kadence Aicelle Aguilar, take you, Kaius Cane Martinez to be my husband. Today, I promise to be your navigator and sidekick in all of life's adventures. I promise to be your best friend and your wife. I promise to love you in all circumstances.
"Hoy gawa gawa kayo ng sarili niyong vows ah!" pangaasar ni Vince kaya kinurot siya ni Ashley. Si Cesha naman ay kilig na kilig at nagtitilian silang dalawa ni Ashley.
"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride!" sabi ng kaklase ko.
Nagulat ako nang nilalapit ni Kaius ang mukha niya sa akin kaya napalayo ako. Pero hinawakan niya ang mukha ko kaya hindi na ako makagalaw. Wala akong nagawa kundi ang pumikit na lang at hintayin ang paglapat ng labi namin pero wala. Nagmulat ako at pagsaktong pagmulat ko ay naramdaman ko ang labi niya sa noo ko.
That simple kiss rocked my world. I think I will no longer see him the way I see him before.
Stop confusing me, Kaius.