Fourteen
Maaga akong pumasok kinabukasan. Kagabi ay nadatnan ko si Nanay na nagaantay sa akin sa living room. Habang nagdi-dinner kami ay kinuwento ko sa kaniya how our charity went. Nakahinga rin ako ng maluwag nang malaman kong wala pa rin sila Mommy at Daddy.
Umuulan ulan pa rin dito kaya sobrang lamig. Ang tahimik ng paligid habang tinatahak ko ang daan papunta sa building namin. Pagdating ko sa classroom ay dalawa pa lang silang andoon.
"Bakit kayo pa lang guys?" tanong ko at ibinaba ang bag ko sa upuan ko.
"Oh Kadence, hindi mo ba nakita announcement sa group chat?" umiling ako."Hindi daw makakapasok ang dalawa nating prof sa first and second subject."
"Oh okay." sabi ko na lang at kinuha ulit ang bag ko. Sa office na lang muna ako tatambay dahil wala rin naman akong gagawin dito sa room.
Yakap yakap ko ang sarili ko habang naglalakad ako papunta sa office dahil sobrang lamig. Nagulat ako nang may magpatong ng jacket sa balikat ko. Nilingon ko kung sino ang naglagay nito, it was Kaius.
"Sa susunod magdala ka ng jacket mo. Ginawin ka pa naman." sabi niya. Ngumiti ako sa kaniya bago tumango, he remembers evey small details.
"Pansin ko lang madalas ka na ngumiti ngayon. Ako na ba ang dahilan niya?" nakangising tanong niya. I was caught off guard by his question but I immediately recovered and I pinched his shoulder.
"You wish! Kaya pala mahangin kasi andito ka." nakangising sabi ko. Natawa naman siya at may binulong pero hindi ko na narinig.
"Pupunta ka sa office? Wala ka bang klase, start na ng first class ah?" tanong nito.
"Yup. Wala daw kasi prof namin ng first and second sub e." I replied.
"How 'bout you? Wala kang klase? As you said it's the first period already." usisa ko. Duda talaga ako sa lalaking 'to e.
"Wala rin daw prof namin." sagot niya. Up until now hindi ko alam kung ano ang course niya kaya nacurious ako.
"Kaius? What's your course pala? I always forgot to ask you guys, course lang ni Ashley ang alam ko since we're on the same subject last semester." I asked.
"Law." he said firmly.
Nagulat ako."Woah! Law is a demanding course ha! Yet you still have the time to chill, dude. I'm envious, hmp!" kunwaring naasar ako. Natawa naman siya at ginulo ang buhok ko.
Law. Interesting talaga 'tong si Kaius. I wanted to ask him why Law pero nakarating na kami sa tapat ng office.
"Anong meron guys, bakit andito kayo lahat?" tanong ni Kaius.
"Vacant niyo ba? Kailangan na natin gawan ng report ang ginawa nating charity project dahil foundation day na next week." mukhang problemado na sabi ni Ashley.
"Ang stressful talaga kapag patapos na ang school year." Cesha said. Si Vince naman ay panay ang pagpicture at si Jansen naman ay nakahiga sa sofa.
Iginugol namin ang vacant hours namin sa paggawa ng report. Pagdating ng 3rd subject ko ay nagpaalam muna ako sa kanila at babalik na lang mamaya kapag may vacant pa ako.
Isinuot ko ang jacket ni Kaius bago ako bumalik sa classroom. Pagpasok ko ay pinagtitingnan ako ng mga kaklase ko pero hindi ko na ito pinansin at dumiretso na lang sa upuan ko.
~
After ng discussion ay dinismiss na kami at sinabing wala din ang prof namin para sa last subject. Inaayos ko ang gamit ko nang pumunta sa harap ang class president.
"Guys pagusapan muna natin 'yong booth ng section natin this upcoming foundation day. Any suggestions?" announce nito.
"Jail booth, pres!" sigaw ng isa.
"Photo booth." sabi naman ng isa pa.
"Marriage booth!" ani naman ng iba pa.
"Nakuha na ng ibang section ang jail at photo kaya marriage booth na lang siguro sa atin." sabi ng president namin. After magusap usap kung sino sino ang iaassign ay dinismiss na rin kami nito.
Dumiretso ako sa office para makatulong pa sa paggawa ng report. Pagdating ko ang nadatnan ko lang ay si Jansen.
"Oh tapos na?" tanong ko.
Umiling ito."Hindi pa, Kadence. Si Ashley at Cesha bumili lang muna ng pagkain tapos si Vince may klase daw at si Kaius naman lalabas daw muna saglit.
Tumango na lang ako at lumapit sa kaniya para umupo sa tabi niya. Tinulungan ko siya sa ginagawa niya at paglingon ko kay Jansen ay nakatingin siya sa akin. Nginitian ko siya at pinisil ang pisngi niya. Busy kami sa paggawa ng report nang bumakas ang pinto at iniluwa nito si Vince. After 10 minutes naman ay dumating sila Ashley dala dala ang mga pagkain.
"Guys suspended daw klase mamayang hapon. Okay lang ba kung tapusin na natin 'to hanggang mamayang hapon?" sabi ni Ashley. Nagthumbs up kami ni Vince at okay lang din naman kila Cesha at Jansen sabi nila.
"Dito tayo maglunch? Aaah parang ang sarap kumain ng mami kapag ganitong panahon." Cesha said. Nagkatinginan silang apat at ngumiti, while I looked confuse.
"G!" sabay sabay nilang sigaw.
"G?" takang tanong ko.
"Tara, Kade. Kumakain ka ba ng mami?" tanong ni Ashley. Lahat sila ay nakatingin sa akin na ani mo hinihintay ang sagot ko.
Umiling ako." I've always wanted to try it though. Ayaw lang nila Mommy kasi street foods daw."
"Then this is your first time! Hindi ka magsisisi, promise!" she cheerfully said. Lumapit si Ashley sa akin at hinila ako. Para kaming mga batang nagtatakbuhan sa empty hallway. Habang tumatakbo kami ay nakasalubong namin si Kaius.
"Guys saan punta natin?" tanong nito.
"Tara na." gusto pa sana niyang magtanong pero hinila ko na siya. Pagdating namin sa labas ng building ay wala nang silong ang papunta sa sasakyan. Nagtinginan kaming lahat at nag unahan lumapit sa mini van. Pagpasok namin ay tumatawa kami kahit basang basa na kami.
"Hoy saan nga tayo?" tanong ulit ni Kaius.
"Kakain ng mami pre." sagot ni Vince.
It was a 10 minute drive from the univ to the mamihan. Pagbaba namin ay nag unahan kaming pumasok sa loob ng store.
"Manong Bert!" bati ni Kaius sa matandang lalaki na nagseserve.
"Oh buti nagawi ulit kayo dito. Iyong dati ba?" tanong nito.
"Opo the usual pero gawin niyo na pong anim dahil may magandang binibini kaming kasama." nakangising sabi ni Kaius.
"Aba nobya mo ba ito?" tanong ni manong. Nagulat ako at umiling iling.
"Ay no po, we're friends." nakangiting sabi ko sa Manong. Ngumiti naman ito bago hinanda ang mga order namin.
I looked at Kaius and an amused smile was plastered on his face.
"So we're friends huh? Hindi na kagrupo lang?" he said while still smiling like crazy.
"Of course. From now on you guys are now my friends and not just a group mate." nakangiting sabi ko sa kanila."If you consider me as one too?" I laughed awkwardly.
"Oo naman 'no! Umpisa pa lang nga gusto na kitang maging friend kaya lagi kitang kinukulit e." sabi ni Ashley.
Dumating ang order namin at masaya namin itong pinagsaluhan. After naming kumain ay bumalik rin kami sa school para tapusin ang report. Serious mode nanaman kaming lahat dahil kailangan naming tapusin ito ngayong araw.
~
Exactly at 3 pm Ashley dismissed us. Pero andito pa rin ako sa office dahil ayaw ko pang umuwi. I don't have anything to do rin naman sa bahay. Nakasalampak ako sa table habang sila ay busy sa pagliligpit ng gamit nila.
"Kade hindi ka pa ba uuwi?" takang tanong ni Ashley dahil hindi ako umaalis sa pwesto ko.
Nagkibit balikat ako."Ewan ko, wala rin naman akong gagawin sa bahay."
Nagtinginan silang lahat at bumaling ulit ng tingin sa akin.
"Tambay na lang tayo sa cafe namin." sabi ni Cesha. Nag agree naman silang lahat kaya kinuha ko na ang mga gamit ko at sabay sabay kaming lumabas ng office.
Si Kaius ay pumantay sa paglalakad ko kaya napatingin ako sa kaniya.
"Okay ka lang ba?" he looked worried while looking at me.
"Okay lang, Kaius. Ayaw ko lang muna talaga umuwi dahil I'll get bored kapag nasa bahay lang ako." I smiled to reassure him that I am okay. Umakbay siya sa akin at patuloy lang kami sa paglalakad sa tahimik na corridor. Ang tahimik ng paligid dahil wala na ang mga estudyante, malamang nagsiuwian na.
Ganoon nga ang nangyari pumunta kami sa cafe nila pero hindi na kami tumambay sa rooftop dahil umuulan.
"Hi Mama, tatambay po muna kami dito." sabi ni Cesha at humalik ito sa pisngi ng mama niya. Kami naman ay nagmano bago naghanap ng mauupuan.
"Ano best seller niyo, Ce? tanong ko.
"Almond Coffee Cheesecake Streusel, do you want to try it?" nakangiting tanong nito.
Tumango ako."How about cakes?" tanong ko.
"Oh the tiramisu is a must try." proud na sabi niya.
"I'll order that then." nakangiting sabi ko."How about you guys anong gusto niyo, i'll pay." nakangiting sabi ko.
"Baliw anong "i'll pay" ako na 'to. Ikaw naman sumagot sa amin noong nasa Bicol tayo." Cesha said.
"I mean this is your business, Cesha. Baka naman malugi kayo niyan." nagaalalang sabi ko.
Umiling ito."Huwag na, Aicelle. Tsaka malakas naman kayo kay Mama." nakangiting sabi nito. Tumayo siya at pumasok siya sa counter para ihanda ang order namin.
Bumalik si Cesha hawak hawak ang mga pagkain and drinks.
"Kainan na!" pumapalakpak na sabi ni Vince.
"Kapag pagkain talaga Vince e 'no? Napaghahalataan kang PG." sabi ni Ashley at inirapan ito.
"Sus bakit kumakain ka rin naman boss!." pangaasar ni Vince at binelatan si Ashley. Nanlaki ang mata ni Ashley at hinawakan niya ang tainga ni Vince. Nagulat ako nang hawakan din ni Vince ang tainga niya kaya napasigaw si Ashley.
Nakatingin lang ako sa kanila habang nakangisi. Ito nanaman sila, hindi na lang namin sila pinansin dahil sanay na kami sa never ending lovers quarrels nilang dalawa. Though hindi sila lovers, I laughed. They look like one kasi, parang mag kasintahan na palaging nagaaway.
Matagal ko nang napapansin ang pagnakaw ng mga tingin nila sa isa't isa kapag hindi sila nakatingin. Napangiti na lang ako, gusto kong tanungin ito sa kanila but who am I to interfere.
"Guys ano palang booth ng sections niyo?" tanong ko out of nowhere kaya natigil sila Ashley at Vince sa pagbabardagulan.
"Jail booth sa amin." sagot ni Ashley.
"Sa amin photo booth." Vince said. Busy pa rin ito sa paglantak ng cake niya, halos maubos na ito.
"Uhm dedication booth sa amin." it was Cesha.
"Sa amin blind date." walang ganang sabi ni Jansen. Natawa ako, halatang naiinis siya sa booth nila.
I looked at Kaius dahil hindi siya sumasagot. Duda ako sa lalaking 'to e, hindi ata nagsisipasok sa mga klase niya.
"Ikaw Kaius, anong booth niyo?" tanong ko at pinaningkitan ko siya ng mata.
"Food booth." kaswal na sabi niya.
"How about you, Kade? Anong booth niyo?" Ashley asked.
"Marriage booth." walang ganang sabi ko." Naistress na nga ako dahil ako nanaman ang magdedesign ng back drop tapos akin pa iyong mga props. Though I don't have any problems with the props, sa designs lang talaga because that's a lot of work. I'm already busy as it is, for pete's sake. Last year kasi ako rin ang nagdesign tapos nagustuhan daw nila and nakiusap sila na ako na lang ulit." nagpangalumbaba ako sa mesa.
Nilapit ni Kaius ang upuan niya sa akin at inistroke ang buhok ko na parang bata. After ng mahaba habang asaran ay napagpasiyahan na naming umuwi.
As usual hinatid nila ako pero sa kanto na lang dahil baka nasa bahay na sila Mommy and Daddy.
Pinagbuksan ako ni Kaius ng pinto, bababa na sana ako nang hilahin niya ang kamay ko.
"Don't strain yourself too much, okay? You can always say no." nakangiting sabi niya. I gave him my sweetest smile before pinching his cheeks.
"Opo." I answered. Binaling ko ang tingin sa iba and I bid my farewell to them.
"See you next week, prinsesa namin. Focus ka muna sa booth niyo, wala naman na tayong gagawin." nakangiting sabi ni Ashley.
I'll see you next week, Pathfinder.