Nineteen
Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil sabi nila maaga rin ang medical mission. Pagupo ko ay napadaing ako dahil ang sakit ng likod ko. Antok na antok pa ako nang lumabas ako ng kubo.
Habang nagiinit ay nagulat ako nang makita ko si Kaius na may buhat buhat na dalawang timba ng tubig.
"Good morning, prinsesa." nakangiting sabi niya. Lumapit naman ako sa kaniya para tulungan pero nilayo niya ito sa akin.
"Kaius huwag ka nang magbuhat ng mabigat, 'yong katawan mo pagpahingahin mo muna." umiling naman ito at nilapag ang timba sa loob ng banyo. Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko bago lumapit sa kahoy na lutuan at kinuha ang kettle na nakasalang dito.
"Walang heater dito kaya pinag init na kita ng tubig." nakangiting sabi niya. Napatitig naman ako sa kaniya and I can't help but to feel something in my stomach again but I shrugged it off. Kaius is usually friendly to other girls kaya pinagsawalang bahala ko ang nararamdaman ko.
"Okay na pwede ka na maligo." sabi niya.
"Thank you, Kaius." I smiled at him widely. Pinisil ko ang pisngi niya bago ako pumasok sa banyo. I didn't felt cold at all, thanks to Kaius.
~
Lumabas ako suot suot ang ripped skinny jeans and beige lace tube top. Hindi na ako nagsapatos, I wore flip flops instead. Paglabas ko ng kubo ay ready na rin silang lahat.
"Good morning, Kade!" masayang bati ni Ashley.
"Good morning, Ash." nakangiting bati ko rin.
Lumapit ako kay Kaius at tinanong kung ayos lang siya. He's wearing a brown hoodie and faded jeans together with his usual worn out sneakers. He's still wearing his beanie kaya hindi nakikita ang gauze sa noo niya.
"Masakit pa ba?" tanong ko pertaining to his bruises. Umiling siya at matamis na ngumiti kaya ngumiti na lang din ako.
"Talikod ka, prinsesa." sabi niya kaya tumalikod ako naramdaman ako. Naramdaman ko na may nilapat siya sa likod ko.
"Nagdala ako ng pain relief patches alam ko kasi sasakit ang likod mo dahil hindi ka sanay sa matigas na higaan." sabi niya. My top is backless so it was easy for him to put the patches.
"Thank you, Kaikai." nakangiting sabi ko at pinisil ang pisngi niya.
Dumating ang doctor kasama ang mga gamit for the medical mission. Na assign ako sa pag assist kay doctora kahit wala naman akong alam about medical stuff. Si Ashley ang naatasan sa paglista at pagpapapirma ng mga tao. Si Kaius at Jansen naman ay tumulong sa pagbuhat ng mga gamot. Si Cesha ang naga-assist kung saan ang dapat puntahan ng mga magpapacheck up dahil iba iba ang nakatoka with different health issues habang si Vince ang nagdodocument ng mga ito for our report purposes.
Wala naman akong gaanong ginawa sa paga-assist kay doc bukod sa pagabot ng gamot after niya icheck up. Busy ako sa pag doodle ng kung ano ano sa notebook nang may biglang umiyak na bata.
Nilapit ito kay doc at nakita kong nasugatan ito sa tuhod. Iyak nang iyak ang bata pero busy si doc sa pagcheck up ng baby na umiiyak rin.
"Iha pasuyo nga, ikaw na muna ang gumamot." sabi ni doc. Tumango ako bago binaling ang atensyon ko sa bata. Pinapatahan ko ito bago ko nilagyan ang bulak ng betadine at pinahid ito sa sugat niya. Pinapatawa ko siya habang nilalagyan ng bandage ang sugat nito, I finished it up with medical tape on the bandage.
"Mag iingat ka sa susunod ha?" nakangiting sabi ko. Ngumiti naman ito bago tumango at lumapit sa mga kalaro niya. Nakangiti kong pinanood sila habang naglalaro at nagtatawanan.
"Mahilig ka sa bata?" I looked Kaius beside me. Nagulat ako dahil hindi ko siya napansin doon.
I nodded." I adore kids, I've always wanted a sibling so I won't feel alone. But Mom and Dad are always busy and they said they don't want another child too."
"Sa susunod ipapakilala kita sa kapatid ko." nakangiting sabi ni Kaius.
"Talaga?" excited na tanong ko. Tumango ito at pinisil ang pisngi ko.
~
We wrapped up exactly before lunch. The other volunteers prepared a boodle fight for us. Tabi tabi kaming magkakaibigan habang kumakain sa banana leaf.
"Aice." tawag ni Kaius kaya lumingon ako sa kaniya. Sinenyas niya na ngumanga ako that's why I did. Nagulat ako nang isubo niya ang pagkain sa akin dahilan para magkantyawan ang mga taong kasama namin.
"Boss ako rin nga." sabi ni Vince habang nakangiti nang nakakaloko. Tumanggi si Ashley pero dahil sa sobrang pamimilit ni Vince ay pumayag rin ito.
Ngumanga si Vince habang tinataas baba ang kilay habang si Ashley naman ay kumukuha ng pagkain. Halos mabilaukan si Vince nang isubo na lang ito basta basta ni Ashley sa bunganga niya. Paano naman kasi punong puno na ang bunganga ni Vince pero isanasaksak pa rin ni Ash ang pagkain sa bunganga niya kahit nahuhulog na ito. I laughed so hard dahil sa itsura nilang dalawa. Tiningnan ni Vince nang masama ito hahang si Ashley naman ay inirapan lang ito.
After naming kumain ay tumambay kami sa playground para magpababa ng kinain, umupo ako sa swing at si Kaius naman sa kabila. Maya maya lang Ashley broke the silence between us.
"Guys tara mamaya sa crater." sabi nito.
"Ay oo nga since last day na natin dito." Cesha agreed.
"Hindi mo pa nakikita 'yon 'diba?" tanong ni Kaius. Tumango ako at nakita ko siyang ngumiti.
"Maganda doon." sabi niya.
"Talaga?" I sounded so excited.
"Oo maganda doon, sobra. Parang ikaw." pabulong niyang sabi.
Napatigil naman ako sa pagswing at napatitig ako sa kaniya. Kaius keeps making the butterflies inside my stomach flutter, pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil alam kong ganito rin siya sa ibang babae. Gwapo si Kaius sobra, despite of his always messy hair. Lagi ko ring naririnig ang mga babaeng madadaanan niya ay humahagikhik at sinabing ang gwapo niya.
Ako ang unang umiwas ng tingin at nagpatuloy na lang sa pag swing. Exactly at 2 am ay pumunta kami sa crater. Naghilaan kaming lahat habang tumatakbo papunta rito, nang huminto kami sa harap nito I was in awe. It's a majestic crater with massive alpine-like rock formations that surrounds a luminous turquoise lake. It was majestic, I feel like it's illegal to let people see this gem. From what I've heard this was the largest volcanic eruption that has been recorded in history. You will never imagine that disaster would end up this beautiful.
Umakbay si Kaius sa akin habang ako busy sa pag appreciate ng tanawin. When I looked at him, he's already looking at me. Ngumiti siya bago inalis ang tingin sa akin, while I stayed staring at him.
Tumambay kami doon hanggang sa lumubog ang araw. Nanatili kaming nakatitig sa tanawin habang nagtatawanan at nagkukuwentuhan while Vince took pictures of us. Bago lumubog ang araw ay bumalik na kami para mag ayos na ng mga gamit. I made sure I packed everything bago lumabas sa kubo at sinarado ang pinto nito.
Si Jansen pa lang ang nakita ko sa labas ng kubo niya kaya nilapitan ko siya.
"Jansen ito na 'yong jacket mo. Thank you again." nakangiting sabi ko at pinisil ang pisngi niya.
Ngumiti rin ito bago ginulo ang buhok ko. Hinintay namin lumabas ang iba at nang makumpleto kami ay tsaka kami nagpaalam sa buong baryo pati na rin sa ibang volunteer.
Since palubog na ang araw ay hindi na ako nahirapan sa pagbaba namin ng bundok. Madilim na nang makarating kami sa baba. Naunang pumasok si Kaius kaya sumalampak na lang ako basta sa tabi niya dahil sobrang pagod.
Exactly at 7 pm nagbyahe kami pabalik. Lahat kami ay pagod kaya nakita ko si Cesha at Jansen na natutulog na sa back seat habang nakasandal sa magkabilaang bintana.
"Anong dinner natin?" tanong ni Vince.
"Jollibee drive thru?" tanong ko sa kanila.
"G! Diretso ka na lang kapag may nadaanan tayo Vince." sabi naman ni Ashley.
After a few minutes drive ay may nakita kaming Jollibee kaya nagdrive thru kami. Ginising ko naman sila Cesha at Jansen para masabi nila ang order nila.
"Chicken and spag sa akin. Tapos pineapple juice." si Cesha.
"Chicken and rice tsaka sundae sa akin." sabi ni Ashley.
"Spaghetti lang sa akin." ani ni Kaius.
"Sa akin burger and spag." si Jansen.
"Oh last but not the least, ano sa prinsesa namin?" tanong ni Vince.
"Burger steak, chicken with rice, coke float, fries and sundae please." nakangiting sabi ko.
Umorder naman si Vince at kinuha ko sa kaniya ang receipt. Tiningnan ko kung magkano ang sa akin. Naglabas ako ng pera sa wallet ko at inabot ito kay Ashley since siya ang nagbayad kanina. Naglabas din ang iba at inabot ito sa kaniya. I looked at Kaius' wallet at nakitang 100 pesos lang ang laman nito. I looked away at his wallet when he looked at me, I smiled at him when I focused my gaze on his face.
"Kakainin mo lahat 'yan, Kade? Sana all hindi tumataba kahit maraming kinakain." sabi ni Ashley. Tumawa naman ako at nagsimula na kumain. I looked at Kaius and tiningnan ko ang kinakain niya. Nagtaka ako dahil bakit 'yon lang ang binili niya kanina, busy ako sa pagkain nang masamid si Kaius sa kinakain niya.
Inabot ko sa kaniya ang coke float ko at sinabing inumin niya iyon, he was hesitant at first pero pinilit kong inumin niya so he did. Nagsisi ako na marami ang inorder kong pagkain dahil sa burger steak at sundae pa lang busog na ako, freaking hell.
Humarap ako kay Kaius at ngumiti nang todo.
"Kaikai." sabi ko habang kinakalabit siya.
"Hmm? What's up with the weird nickname?" natatawang sabi niya.
I smiled sheepishly."I can't finish my food." nagpapaawang sabi ko."And hey Kaikai is cute kaya, that's what I'll call you from now on." nakangiting sabi ko.
"Ay jowa?" sabi niya. Tumawa naman ako sa sinabi niya kaya tumawa rin siya. Inabot ko sa kaniya ang pagkain at kinuha niya naman ito. After kumain ay nagsisimula na akong antukin.
"Guys paconnect sa speaker." sabi ko.
To have some
Long drives to the countryside
Watch the sunset till it rise
Laugh with my friends until I cry
And forget that we wanna die
Go somewhere far away from home
Deep talks with someone I don't know
Get drunk in a party
And dance with somebody
And meet my lover on someone else's yards
Breakdown at the bathroom the next day
Cause he just broke my heart away
I think it'll be fun to live while you're still young
It was Teenager Forever by Janah Rapas. Sumandal ako sa balikat ni Kaius and I let myself doze off.
Nagising ako nang may tumapik sa pisngi ko. Pagmulat ko I saw Kaius, he's smiling while looking at me.I immediately smiled upon seeing his genuine smile despite of what he's been suffering from.
"Andito na tayo, prinsesa." sabi niya. Tiningnan ko ang paligid and I saw our familiar neighborhood. Lumabas ako at kinuha ko ang mga gamit ko mula sa compartment with Kaius' help.
"Kai, take care of yourself. I don't want to see another bruise tomorrow, okay?!" nagbabantang sabi ko kaya natawa siya. He patted my head before going inside the van.
"Yes boss." sabi niya at nagsalute pa.
"Hey, guys. Thank you for this amazing experience with you. Me loves you all, so take care! Ciao." pagpapaalam ko sa kanila.
"You're being extra sweet today, Kadence." natatawang sabi ni Jansen.
"Love you, Aicelle!" Cesha said kaya napangiti ako.
"Yeah and talkative." sabi naman ni Ashley.
Natawa ako sa kanila before I wave them goodbye. Ginulo ni Kaius ang buhok ko bago isinara ang pinto ng mini van.
Isa isa akong nagpaalam sa kanila bago nagsimulang umandar paalis ang mini van. I smiled while it slowly vanish from my sight.
Another weekend well spent because of you guys. Another experience and unforgettable memories down to the memory lane.
Thank you for this week, Pathfinder.