Eight
Days had passed and It feels like a month. Buti na lang dumating ang araw na I look forward to, Friday. I'm on my last subject and half day lang ang pasok namin ngayon. Kanina pang umaga umuulan at hindi pa rin tumitila hanggang ngayon.
Nagdismiss ang prof namin at nagmadali akong lumabas. Hindi na muna ako uuwi dahil napagusapan namin na sa office na kami kakain ng lunch para matapos na ang plan for our upcoming charity.
Pagdating ko sa office ay andoon sila Cesha, Kaius at Jansen. Busy sa computer si Jansen, si Cesha ay nagbabasa habang si Kaius naman ay natutulog sa sofa.
"Hi guys, si Ash at Vince?" tanong ko.
"Hi Aicelle, bumili ng lunch natin." si Cesha ang sumagot. Nasanay na ako sa sa iba't ibang tawag nila sa akin kaya hindi ko na sinisita.
Umupo ako sa natitirang space sa mahabang sofa at tiningnan ko si Kaius na sobrang himbing ng tulog, tanghaling tapat natutulog. Sabagay it's raining, parang gusto ko rin matulog at umuwi and be cozy in bed dahil sobrang lamig. I rested my head on the sofa and I was just staring the ceiling while I slowly doze off.
~
"Prinsesa gising na." rinig kong sabi ni Kaius.
Napamulat ako at kinusot kusot ko ang mata ko. Damn nakatulog ako, tiningnan ko ang nasa gilid ko at nagulat ako dahil nakasandal na ako sa balikat ni Kaius.
"Sarap ng tulog ah?" nakangising sabi nito."Andito na sila Ashley at Vince."
Napabalikwas ako at umayos ng upo. Andito na nga sila, sa sobrang pagod at antok ko nakaidlip ako. I still want to sleep, favorite ko talagang weather ang tag ulan. It's cold ang the sky is all gloomy and plus I love the smell of petrichor.
"Pagod ba ang prinsesa namin?" nagaalalang tanong ni Kaius.
"Yes I didn't get enough sleep this past few days dahil ang daming quizzes at reporting plus tinatapos ko rin responsibilities ko dito sa group." sagot ko habang humihikab.
"Don't strain yourself too much. Kawawa naman ang prinsesa namin, pagod." nangaasar na sabi niya. I just gave him a smile.
"Grabe sobrang lakas ng ulan. Grr, ang lamig." ani ni Ashley.
Tumayo ako at lumapit sa kaniya."Gods Ash, you're soaked. Baka magkasakit ka niyan." Lumapit ako sa air conditioner para hinaan ito." I have extra clothes in my locker if you want."
"Ay hindi na Kade lalayo ka pa. Kay Cesha na lang ako hihiram meron naman sa locker niya dito sa office." sagot ni Ashley.
"What about you Vince? Basang basa ka rin, magpalit ka na. Hiram ka kay Kaius meron siyang extra shirt sa locker niya." baling ko kay Vincent.
"Wow ang thoughtful naman ng princess namin. Pre pahiram ng damit ah sabi ng bebe loves mo." nangaasar na sabi ni Vince. Hindi ko na lang pinapansin mga ganiyan nila dahil nasanay na rin naman ako.
"Sige pre, papalag pa ba ako diyan?" nakangising sabi ni Kaius.
Kinuha ni Ashley ang ang damit ni Cesha at pumasok sa restroom. After niyang makapagpalit ay sumunod naman si Vincent na pumasok sa restroom.
"Guys ambag niyo ah? Mahiya naman kayo sa funds natin ko kinuha pangbili ng lunch natin." natatawang sabi ni Ashley.
Lumabas naman si Vince."Magkano ba boss madam? Bente pesos? Tapos kiss na 'yong iba.
"Sige Vince kahit 20 na lang iambag mo tapos fifty times na suntok na 'yong iba." nagbabantang sabi ni Ashley.
"Brutal mo boss, sabi ko ito na nga." nagdadabog na lakad ni Vince habang naghahalungkat sa bag niya.
Naglabas din ang iba ng tig sisingkwenta at inabot kay Ashley. Inabot ko ang bag ko mula sa table at kinuha sa loob ang wallet ko. Shoot puro 500 at 1000 laman ng wallet ko.
Nilabas ko ang 500 peso bill at inabot ito kay Ashley.
"Kade wala akong panukli dito." aniya.
"It's okay Ash huwag mo na ako bigyan ng sukli. Pangbili na lang 'yan ng meryenda mamaya." nakangiting sabi ko.
"Wow rich kid ka talaga Miss Beautiful." pumapalakpak na sabi ni Vince.
"Manahimik ka nga Vince, huwag na Kade masyadong malaki 'to." kontra ni Ashley.
"Akin na ako na lang bibili ng meryenda natin mamaya para masuklian 'to." nakangiting sabi ko.
"Yes busog nanaman ako mamaya." masayang sabi ni Vince.
"PG ka talaga Vince." lumapit si Ashley sa kaniya at binatukan ito.
"Guys kain na para makapagstart na rin tayo mamaya sa meeting." sabi ni Ashley habang nilalabas ang mga ulam at kanin sa plastic.
It looks delicious pero hindi ko pa natitikman ang iba sa mga ito since Mommy really doesn't have the time to cook and si Nanay naman kapag ako lang ang kakain gumagawa siya ng mga filipino dishes pero kapag sila Mommy at Daddy ang nandito puro steak and other fancy dishes ang pinapaluto.
Nagsiupo ang mga kasama ko sa table kaya sumunod na rin ako. Tiningnan ko lang ang mga pagkain habang si Vince ay nilalantakan na 'to. Napansin ata ni Kaius na hindi pa ako kumakain kaya tumingin siya sa akin at biglang ngumisi.
"Pre 'yong prinsesa natin hindi ata kumakain ng ganito." sabi ni Kaius kay Vince.
Napatingin silang lahat sa akin kaya nagulat ako. Siraulo talaga 'tong si Kaius.
"Hala Kade sorry hindi pala kita natanong kung anong gusto mong lunch. Sa karinderya ko lang binili ang mga ito e." malungkot na sabi ni Ashley. Nagulat ako, I felt bad.
"Oh no I can eat anything naman. Hindi lang ako familiar hehe." I smiled awkwardly.
"Ito mahal na prinsesa menudo, try mo masarap 'to." sabi ni Kaius habang nilalagyan ang plato ko.
"Thanks, Kaius." sabi ko.
Sinimulan naming kumain and after ng lunch bumalik na kami sa kani kaniyang gawain. Nagplano kami hanggang hapon at oras nanaman ng meryenda.
"Uh guys I'll head out a bit, bibili ako ng meryenda. Do you want something in particular?" tanong ko habang kinukuha ang wallet sa bag.
"Anything's fine Kade." naka thumbs up na sabi ni Ashley.
"Guys samahan ko na prinsesa natin. Baka maligaw e." I glared at Kaius.
"I can manage Kaius." I insisted.
"Samahan na kita baka mahirapan ka magbuhat." pagpupumilit niya.
I sighed in defeat. Lumabas ako ng pinto at sumunod siya. Paglabas ng campus ay pumunta kami sa pinakamalapit na convenience store.
"Anong bibilhin natin, Kaius?" baling ko sa kaniya.
"Mga junk foods na lang siguro, 'yan naman palaging kinukuha ni Ashley." kibit balikat niyang sabi.
Pumunta kami sa aisle kung nasaan ang mga junk foods. Kumuha ako nang iba't ibang klase at binuhat naman lahat ito ni Kaius. Sa drink section naman kami sumunod pumunta at kumuha ako ng mga soft drinks pati na rin Chuckie, this chocolate drink is my favorite.
Binayaran ko ang pinamili namin at binuhat lahat ni Kaius ang plastic bag. Kinuha ko ang Chuckie sa plastic at sinimulang inumin ito.
Narinig ko ang bungisngis ni Kaius sa gilid. Napataas ang kilay ko at tiningnan ko siya. I looked at him, confused. Tinitingnan ko ang tinitingnan niya, it was the Chuckie that I'm drinking.
"What?" tanong ko.
"You're not a kid anymore pala ah?" nakangising sabi niya.
Napangaga ako, naalala niya pa 'yon. That was the time na naconvince niya ako na sumali sa grupo nila.
"Huh? Bakit pang bata lang ba 'to. This is my favorite e." defensive na sabi ko.
"That is my little sister's favorite drink too." natatawang sabi niya.
"Are you teasing me, Kaius?" nakataas ang kilay na sabi ko.
Umiling lang ito habang nakangisi at ginulo niya ang buhok ko tsaka kinurot ang pisngi ko.
"Let's go, my little princess." nakangising sabi niya. Diniinan niya talaga ang ang pagkasabi niya ng little.
I was dumbfounded. They really don't know what personal space means. I just stand there looking at him walk away.
What are you doing to me Kaius?