Nine
Natapos namin ang plano at dinismiss na ni Ashley ang meeting. Sobrang rush nito dahil nangangailangan na ang mga tao sa Bicol. Nagulat ako dahil sabi nila ay mamayang madaling araw pa lang ay kailangan na naming magbyahe. I wasn't ready, how would I tell this to my parents. I'm freaking doomed, wala akong excuses para sa 2 days na mawawala ako sa bahay.
I was on my way to the house habang wala sa sarili. Mamayang 6 pm pa pala ay kailangan naming bumili ni Kaius ng mga ibibigay na relief goods. Hindi ko rin alam kung anong ipapaalam ko kila Mommy kapag lumabas ako ng ganoong oras ng gabi.
I sighed. Nakarating ako sa tapat ng bahay at huminga nang malalim bago binuksan ang pinto. Wala pa sila Mommy at Daddy, tanging si Nanay lang ang nakita ko na busy sa pagluluto sa kusina.
"Nay andito na po ako, sila Mommy at Daddy wala pa po?" tanong ko habang binababa ang bag ko. Lumapit ako sa kaniya at nagmano.
"Aba e wala pa ba, ano bang sabi sa iyo?" sagot ni Nanay.
"Wala naman pong sinasabi si Mommy. Baka mamaya pa po sila uuwi Nanay, akyat po muna ako sa kwarto." nakangiting sabi ko.
"Sige hinanda ko na ang pang ligo mo sa bath tub nak, magshower ka na muna. Pagkatapos mo ay bumaba ka na at kakain na tayo." sabi niya na hindi nakatingin sa akin dahil busy siya magluto. Lutang ako habang umaakyat sa hagdan, mababaliw na ako kakaisip kung paano ko gagawan ng paraan ang pagalis ko.
Humiga muna ako sa kama bago ko naisipang magshower. I was about to go inside the bathroom nang magring ang cellphone ko.
"Hi darling, nasa bahay ka na ba?" it was Mommy.
"Yes Mommy, I just got home." sagot ko."Mommy bakit pala wala pa po kayo, usually you're home na 'pag ganitong oras." dagdag ko.
"Darling I'm sorry. Hindi ko nasabi agad sa 'yo na may business trip kami ng Daddy mo sa US." kaswal na sabi niya.
Nabuhayan ako ng pagasa."Gaano kayo katagal doon, Mom?" curious na tanong ko.
"About 3 days, sweetheart. I'm really sorry we have to go na din. Your Nanay will take care of you naman. Be good, I love you." at binaba niya na ang tawag.
Thank the heavens. I can't believe na nagawan agad ng paraan ang problema ko. Excited akong naligo at saka nagbihis bago ako bumaba para magpaalam kay Nanay.
"Nanay hindi daw po pala makakauwi sila Mom. May business trip sila sa US ni Daddy." panimula ko.
"Ganoon ba? O siya halika na kumain ka na dito, tapos na ang niluluto ko." sabi niya. Sanay naman na kami ni Nanay kaya hindi na rin siya nagulat kasi lagi naman silang may business matter out of the country.
"Uhm Nanay, may pupuntahan po pala ako." sabi ko. Tiningnan ko ang suot ko, i'm wearing a brown hoodie partnered with beige pleated skirt and Crocs Clog with my hair in messy bun.
"Aba e gabi na baka makagalitan ako ng Mommy at Daddy mo niyan, iha." nagaalalang sabi ni Nanay.
"You won't tell them naman diba, Nanay? Hindi ko naman po sasabihin e kaya bakit po kayo papagalitan. Sige na Nanay, please." nagpapaawang sabi ko habang yakap ang braso niya.
"O siya sige pero umuwi ka ng maaga ha? Sino ba ang kasama mong lalabas?" tanong niya.
"Iyong kinuwento ko po last time Nanay. I will be back before 9 pm po." nakangiting sabi ko.
~
Nilabas ko ang kotse ko and I drove for 20 minutes papuntang grocery store. Sabi kasi ni Kaius dito na lang kami magkita. I parked my car in front of the store at tsaka hinanap si Kaius sa crowd. There I saw him, kumakaway sa akin. He's wearing a hoodie too and a denim shorts with his Croc's too. Twinning yarn, I laughed at the thought of that.
Kumaway ako sa kaniya bago lumapit. His hair is messy and he got that goofy smile on his face.
"Wow ganda naman ng prinsesa." nakangising sabi niya.
"Shut up, Kaius. Tara na baka kailangan pa nating matulog nang maaga dahil mags-switch tayo sa pagd-drive mamaya." sabi ko.
Umakbay siya sa akin at pumasok kami sa loob. Hinayaan ko lang ang pagakbay niya dahil sanay na ako.
"May listahan ka ng bibilihin, Kaius?" tanong ko.
"Meron, nilista na lahat ni Ashley." nakangiting sabi nito.
Kinuha ko ang listahan kay Kaius at sinimulan na naming maghanap. Binili namin lahat ng nakalista at minadali na rin namin ito. Dumiretso kami sa cashier para magbayad, si Kaius ang may hawak ng funds.
"Your total is 10,388, Sir." sabi ng cashier.
"Damn we're three thousand short, seven thousand five hundred lang binigay ni Ashley dahil iyon 'yong kwenta niya." aligagang sabi ni Kaius.
Nilabas ko ang wallet ko at kumuha ako ng three thousand mula dito.
"Here ako na lang muna." sabi ko sa kaniya.
"Aice huwa-" I cut him off. "Okay lang, kunin mo na." I gave him a smile to assure him.
Lumabas kami ng grocery store at nagbook na rin kami ng pick up truck para ideliver ang mga pinamili namin dahil hindi ito magkakasiya sa mini van dahil sa sobrang daming box. Kaya pala kulang dahil the remaining funds ibabayad sa delivery.
"Aice salamat ah? Sasabihin ko 'to kay Ashley para mabayaran ka." nahihiyang sabi niya.
"Okay lang kung hindi na kasya sa budget ng grupo kahit huwag na." I gave him a thumbs up.
"Nag dinner ka na ba, Kaius? I'm hungry." nakanguso kong sabi habang hinihimas ang tiyan ko.
Natawa siya sabay pat sa ulo ko. Hinawakan niya ako sa pulsuhan at hinila ako. Huminto kami sa isang kainan.
Mang Jojo's Paresan
"Paresan? What's that, Kaius?" tanong ko.
"Hindi ka pa ba nakatikim nito, masarap 'to mahal na prinsesa. Baka mainlove ka sa akin kapag natikman mo 'to." nakangising sabi niya.
Hinampas hampas ko siya at todo ilag naman siya. Pumasok kami sa loob at nagorder siya para sa amin. Dumating ang pagkain at kung ano ano pang nilagay ni Kaius na pangpalasa dito. Sinimulan ko ang pagkain and my face lit up, ang sarap nga.
"Nagpaalam ka na ba sa mga magulang mo?Papayagan ka ba?" tanong niya, he looked worried. I was caught off guard by his question.
"Uh I think you already know the answer kung papayagan ba ako o hindi." I smiled sadly."But actually they are in the US right now for business purposes kaya makakasama pa rin ako." nakangiting dagdag ko.
"That's good then. I'm looking forward to travel with you." he smiled widely.
Pagkatapos naming kumain ay naginsist ako na ihatid siya. It's not that far from our house, malapit lang sa school ang bahay nila. Bumaba na siya pagdating namin sa tapat ng bahay nila kaya bumaba rin ako para magpaalam sa kaniya.
"I'll see you this midnight, then?" sabi niya.
"Yup. I'll see you this midnight. Have a good night sleep, Kaius." I gave him an assuring smile.
"Ikaw rin, prinsesa namin. Ingat ka sa pagdrive, okay?" seryosong paalala niya.
Sumakay ako at nagstart magdrive paalis. Tiningnan ko siya sa rear mirror at nandoon pa rin siya sa labas at hinihintay akong makaalis.
My smile won't go away habang nagd-drive ako pauwi. I'm excited to do forbidden adventure with these people. I'm nervous but I'm excited at the same time. I can say that finally, I am able to feel that I'm free.
See you this midnight.