Memory: Six

1340 Words
Six After ng 10 minutes na byahe huminto kami sa tapat ng isang maliit na cafe. Bumaba kami at tiningnan ko ang exterior ng cafe. May tatlong stool sa harap ng counter, may iba't ibang klase ng potted plants at display ng mga cakes, cupcakes at mga bread. Binasa ko ang nakalagay sa taas-DejaBrew, natawa ako dahil ang witty. Nagmamadali silang pumasok nang magsalita si Ashley."Maglalakad ba 'tong mga gamit dito sa sasakyan?" "Kami na nga nagbuhat kanina e." reklamo ni Vincent. "Hindi mo bubuhatin 'yan, Vince?" nagbabantang tanong ni Ashley habang tumitingin sa kaniya nang masama. "Sabi ko nga boss bubuhatin ko na." magrereklamo pa sana si Kaius nang hilahin siya ni Vincent pero wala na siyang nagawa. Pumasok kami sa loob at iilan lamang ang mesa at wooden chair dahil maliit lang ang cafe, it's cozy though. The smell of roasted coffee, scented candles and reed diffuser calms me down. Nakangiti ako habang iniscan ko ang buong paligid, nang may lumabas na babae mula sa backdoor in her early 40's I guess. Lumapit si Cesha dito at humalik sa pisngi."Ma andito na po kami." "Ma andito na po kami." paguulit ni Kaius. Nagtataka akong tumingin sa kaniya dahil tinawag niyang "Ma" ang mama ni Cesha. Natatawang lumapit sa akin si Ashley."Ganiyan talaga 'yan, papansin lang. Lahat ng parents namin tinatawag niyang "Mama" at "Papa" . Ewan ko sa baliw na 'yan." "Hi Tita, good afternoon po." bati ni Ashley. "Tita alam mo naman po kung bakit andito kami." sabi ni Vincent habang nakaangkla sa braso nito. "Aba siyempre kulang na nga lang pumunta ka dito araw araw." natatawang sabi ng Mama ni Cesha. Habang nagtatawanan sila ay nabaling sa akin ang paningin niya. "Aba'y sino itong magandang dalaga na 'to. Ikaw na ba ang bagong miyembro?" nakangiting tanong niya. "Yes Ma'am. I'm Kadence Aicelle Aguilar, the new member of The Pathfinder." nakangiting pakilala ko. "Ano ka ba, tawagin mo na lang akong Tita o kaya Mama katulad nitong si Kaius." natatawang sabi niiya."Napakaganda naman ng pangalan mo, bagay na bagay sa isang dalagang katulad mo." I smiled shyly because she keeps complimenting me. "Matalino pa 'yan Ma. Ang galing naming pumili ni Ash 'diba?" sabi ni Kaius. Naiilang na ako dahil they keep complementing me kaya ngiti na lang ang naisusukli ko sa kanila. "Mama sa taas po muna kami." sabad ni Cesha. "Osiya sige dadalahan ko na lang kayo ng makakain. Kinagagalak kong makilala ka, nak." baling ng mama ni Cesha sakin."Me too po." I replied. Umakyat kami sa rooftop at napanganga ako sa sobrang ganda. I was in awe, punong puno ng iba't ibang klaseng bulaklak ang nakapaligid dito. May malaking center table at anim na upuan na nakapaligid dito. May hammock at swing type pa na upuan sa right corner at sa left corner naman ay may mga bookshelf at sa baba nito ay may blanket at bean bag chair. It really looks cozy and calming, hindi ako nagsising pumayag na dito ganapin ang meeting. Umupo sila sa kani-kaniyang upuan at ang vacant seat lang ay sa tabi ni Kaius. Umupo ako at inilagay ko sa likod ang bag ko. May nilabas si Vincent sa bag niya at isa 'tong camera, it was a Canon EOS 3000 DSLR. Binuksan niya ito at nagsimulang kumuha ng mga litrato. "Vince picture-an mo kami ng prinsesa Aice natin." sabi ni Kaius. P-prinsesa?! What the fudge. Anong prinsesa pinagsasabi nitong lalaking 'to. Naiinis ako dahil hindi naman ako prinsesa katulad ng iniisip nila. "Sinong Aice, Kaius?" takang tanong ni Vincent habang nakakunot ang noo. "Ito oh si Kadence Aicelle, nickname ko sa kaniya 'yon pre." sagot ni "Ah 'yon pala itatawag namin sa 'yo?" tuwang tuwa na sabi ni Vincent. "Anong namin Vince, ako lang tatawag sa kaniya 'yon." inis na sabi ni Kaius."Bilisan mo na nga, kunan mo na kami." Nagulat ako dahil umakbay siya sa akin. Inaalis ko ang kamay niya sa balikat ko pero binibigatan niya ang kamay niya. Damn puro stolen na ang pictures na nakuha ni Vincent. "Guys tigilan niyo si Kade, you can call her anything you want basta ako Kade ang tawag ko sa kaniya." masayang sabi ni Ashley. "Ay boss ako Miss Beautiful na lang itatawag ko sa kaniya, ang damot ng isa diyan e." tuwang tuwang sabi ni Vincent habang pumapalakpak. Grabe naman 'tong mga 'to kung ano ano na ang itinatawag nila sa akin. "Anyways huwag niyo nang guluhin si, Kade." seryosong sabi ni Ashley."The meeting will now come to order." Nagaasaran pa rin sila Kaius at Vincent, hindi nakikinig kay Ashley."I said the meeting will now come to order." malakas na sabi niya. She looks so serious kaya nanahimik ang dalawa. Kung gaano kaingay ng dalawa ganoon naman kakalmado at tahimik si Jansen. Samantalang si Cesha naman ay ngumingisi lang habang pinapanood silang tatlo. "Okay guys I would like you to officially meet our new member, Kadence Aicelle Aguilar. A financial management student from College of Business and Accountancy. Cesha waved and smiled at me as if I didn't sat beside her earlier. Tinanguan lang ako ni Jansen habang nakangisi and Vincent shook my hand while Kaius just looked at me while grinning. "Siya na ang iaasign ko na makakasama ni Vincent sa pag-gather ng resources na iniaabot natin. Si Jansen naman ay ang tutulong kay Cesha sa paghahanap ng funds." announce ni Ashley. "Ash baka pwedeng palit na lang kami ni Vince, ako na lang ang sasama sa prinsesa natin." nakangising sabi ni Kaius. "Stop calling me that, Kaius." mariing sabi ko habang matalim na nakatingin sa kaniya. Tinaas niya ang dalawang kamay niya at napa "woah". "Sigurado ka ba, Kaius? Kapag okay lang kay Vince then it's settled." baling ni Ashley kay Vincent. "Sige boss okay lang para mas mapadali ang trabaho ko." natatawang sabi niya."Ikaw Kaius ah kakasali lang sa atin ni Miss Beautiful deadsna deads ka na agad sa kaniya." Nagulat ako nang batukan siya ni Kaius. Ang lutong ng pagkakakaltok sa batok sa kaniya. Tawang tawa kaming lahat habang masama ang tingin niya kay Kaius. I never laughed hard like this before, kahit ako naninibago. Umabot ng gabi ang meeting dahil marami pang pinagusapan namin tulad ng kung saang lugar ang aabutan namin ng tulong, saan kukuha ng funds, saan bibili ng mga supplies. Walang ginawa si Kaius kundi mangasar sa amin habang si Vincent naman ay busy sa pagkuha ng litrato sa cafe pati na rin sa amin. Si Jansen at Ashley naman ay busy sa pageencode ng mga napagusapan sa meeting sa laptop niya. Si Cesha naman ay nasa gilid at busy magbasa ng libro. Ako naman ay busy sa panonood sa kanila. Dumating ang six ng gabi at sinabi ni Ashley that the meeting is adjourned. It may seem chaotic all the time pero ayaw ko pa rin umalis, I will stay with them. ~ Hinatid nila ako sa bahay namin but I insisted na sa kanto na lang. Mahirap na baka nasa bahay na sila Mommy at Daddy. "Wow Miss Beautiful ang ganda ng mga bahay dito. Rich kid ka pala e." sabi ni Vincent. "Vince 'yong prinsesa natin ibabalik na." natatawang sabi ni Kaius. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Binuksan niya ang pinto at nagbow sa akin bago ako bumaba ng mini van. I looked at him confused. "Will you stay with us, princess?" I had goosebumps all over my body. "I will see you guys tomorrow." nakangiting sabi ko. Pumasok si Kaius at nagpaalam silang lahat sa akin. Pinanood kong makaalis ang sasakyan hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Naglakad ako sa subdivision namin at iniisip kung paano sasabihin ito sa parents ko. Should I tell them? Am I being a rebel for not saying this to them before joining? Pumasok ako sa loob ng bahay at nakahinga nang maluwag nang wala pa sila. Hindi ko alam kung may lakas na ba ako ng loob sabihin sa kanila. All I know is I'm happy and no matter what I will stay with the Pathfinders.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD