Five
Umuwi ako sa bahay para magpalit ng damit, hapon pa naman ang mga meeting na nabanggit ng organization. Pagbaba ko ng kwarto nakita ko si Nanay Esther."Nanay kailan ka pa dumating?" tanong ko.
"Kanina pa, nak. Before lunch nakarating na ako, ikaw ba saan ka pupunta? Aba e Sabado ngayon ah." nagtatakang tanong nito.
Tiningnan ko ang suot ko. I'm wearing a white halter tank top, baggy jeans and a a low cut Nike shoes with my dutch braid pigtails hair. Dala ko rin ang maliit na white bagpack ko.
Umupo ako sa counter top at kinausap si Nanay Esther."Actually meron po akong pupuntahan, Nanay." sagot ko.
Tumingin siya sa akin at ngumiti."Talaga? Aba madalang ka lang lumabas ng bahay tuwing Sabado at Linggo. Saan ba ang punta mo?"
Bumuntong hininga ako."Balak ko po sana umattend ng organization meeting, Nanay."
"Talaga? Aba edi maigi 'yan para may pinagkakaabalahan ka bukod sa pagaaral mo" masayang sabi nito."Alam ba ito ng Mommy at Daddy mo, nagpaalam ka ba na aalis ka ngayong hapon?" dagdag nito.
Yumuko ako."Nanay masama ba akong anak dahil gagawin ko pa rin ang gusto ko kahit hindi naman sila pumayag?" malungkot na sabi ko.
"Gusto ko lang naman po na for once ma-try ko yung gusto ko at hindi yung gusto lang nila. This is the first time I wanted to try something so bad without letting them decide if I should do it or not, Nanay." pagpapatuloy ko.
I know it's wrong pero habang lalo nila akong pinagbabawalan mas lalo ko ding gustong itry ang gusto ko. I wanted to do things that is important to me and not things that are important to my parents. Maybe that's what I crave-freedom and life of my own.
Bumuntong hininga si Nanay."Alam mo proud ako sayo. Sa wakas natututo ka na rin gawin ang mga bagay para sa sarili mo. Tama ka, gawin mo kung ang mga bagay na magpapasaya sayo, anak."
Tumayo ako at nagpaalam kay Nanay.
That's right, Kadence. You should live a little.
~
Kanina pa ako andito sa tapat ng building kung saan matatagpuan ang office ng Pathfinders. Kinakabahan ako kaya hindi pa rin ako pumapasok. After a few minutes ay pumasok na rin ako sa building at nakita ko ang office nila sa dulo ng hallway.
Ang tahimik ng hallway dahil it's Saturday afternoon at wala nang pasok ng hapon. Kakatitig ko sa labas kanina hindi ko na napansin na late na pala ako.
Nagstay pa rin ako sa labas ng office nila habang tinititigan ang pinto. Busy ako sa pagmumuni muni nang may marinig akong ingay sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko si Kaius at may kasama siyang isang lalaki.
"Woah, anong ginagawa ng magandang dalagang katulad mo sa tapat ng office namin." sabi ng lalaki. I scanned him and he's wearing a t-shirt and a jersey short I guess. Lumalabas ang dimples niya kapag ngumingiti.
Sumunod si Kaius sa kaniya at nagulat nang makita ako. He's still wearing the same one earlier when I saw him."Wow look who's here." nakangising sabi niya.
I just stared at him uninterested and turned my gaze to Ashley nang tumakbo ito papalapit sa kanila. "Nakakainis naman kayo, sabi ko hintayin niyo ako." inis na sabi niya habang hinahampas ang dalawang lalaki. Natigil siya sa ginagawa nang mapansin ako sa tabi nila.
"Ang ingay mo, boss madam. Natakot ata si Miss Beautiful sa'yo." pangaasar ng lalaking kasama ni Kaius. May kanya kanya na talaga silang tawag sa akin, it's weird.
Binuksan ng lalaki ang pinto at pumasok sila ni Kaius. Bago pumasok si Kaius lumingon muna ito at ngumisi sa akin.
"Hi Kade." masayang bati ni Ashley at humawak ulit sa braso. And as usual I distant myself and removed her hand.
"Hi, Ashley." I gave her a smile.
"Sabi ko na nga ba hindi ako madidisappoint dahil pupunta ka e." masayang sabi nito.
I gave her a shy smile. Lumabas sila Kaius at ang lalaking kasama niya kanina, may dala dala silang gamit.
"Wow e paikot ikot ka nga kanina sa office. Para kang mababaliw kakahintay kay Miss Beautiful." pangaasar ng lalaki.
Lumapit si Ashley sa kaniya para kurutin ang braso nya."Manahimik ka Vincent, ilagay niyo na na 'yan sa sasakyan." inambaan niya ito ng suntok.
"Pasensya ka na sa mga 'yon, Kade. Tara na sa sasakyan para makapagstart na ang meeting." aniya.
I looked at her, confused." Uh akala ko dito tayo sa office?" tanong ko.
"Ah hindi, doon tayo sa cafe nila Cesha. May libreng meryenda kasi kapag doon tayo. Tsaka para maipakilala na rin kita sa kanila." tumatawang sabi niya. She looks really jolly and cheerful, ang hirap tanggihan.
Nagpatianod na lang ako sa hila niya. I was really expecting na dito kami sa office since this is an organization meeting. I can't believe we're doing the meeting outside the campus.
Nakalabas kami ng campus at nakita ko ang sasakyan na nakaparada sa harap. It was a white mini van na may malaking doodle na-The Pathfinder sa gilid nito.
"Kila Cesha 'tong mini van na 'to. Nabanggit ko sa 'yo na may cafe sila 'diba. Ginagamit nila dati itong pang deliver ng mga online orders pero palagi naming hinihiram before kaya hinayaan na lang sa amin ng Mama niya na maging official transportation namin. Ang tagal na nga nito sa amin e, magdadalawang taon na." parang batang kwento niya. She looks really happy while telling me about the history of their van.
Si Kaius at 'yong Vincent na tinawag ni Ashley ay nagaayos ng mga gamit sa likod ng van. Ang isang lalaki ay nakaupo sa driver's seat at mukhang busy kakatype sa cellphone niya. Iyong isang babae ay nakasandal sa van habang pinapanood magayos ng gamit ang dalawang lalaki.
"Let me introduce you to them. Dito ko na ipapakilala dahil mamaya busy na tayo sa paguusap." aniya.
"Kaius Cane Martinez. Magkakilala na kayo, 'diba?" tango lang ang sinagot ko. "He is the one who books our accomodations whenever we help from far places. As you can remember pilyo nga at ranas mo na." tumatawang sabi niya.
"Vincent Tolentino. He takes care of the resources na ibinibigay natin sa mga nangangailangan and same with Jansen Keith Cortez. Nakita mo naman kanina si Vincent para silang mga siraulo kapag magkasama sila ni Kaius. Nagkakasundo sila dahil ang hilig mang-trip. While Jansen is always calm and lagi mong makakausap nang matino di kagaya ng dalawa." nakangiwing sabi niya.
"And as for me alam mo naman na siguro 'diba?" I smiled awkwardly since I didn't know. Umiling lang ako at ngumiti siya.
"I Ashley Marie Ramirez, the founder of this charity organization, Kade. Alam mo namang bago lang 'tong organization 'diba? They decided to add this since it will give reputation to our school." nakangiting sabi niya.
I'm amused, I didn't know she's the one that came up with the charity organization.
"3in1 pa." natatawang sabi niya."Nanay, founder, leader."
Patuloy akong nakikinig sa kaniya dahil natutuwa ako to the way she describes her members. Mukhang sakit talaga sa ulo niya ang mga lalaking members ng Pathfinder.
"And there is Cesha Valdez, she's in charge of looking for funds para sa mga supplies na ibinibigay natin. Her parents own a small cafe kaya siya ang taga provide ng pagkain ng mga members niyang patay gutom pati na rin ng meeting place."
"Tara na, lapit na tayo sa kanila." hinila niya nanaman ako.
Lumapit kami at lahat sila nakangiti habang nakatingin sa akin. I just give them a smile and introduced myself.
"Hi everyone, I'm Kadence Aicelle Aguilar. I'm looking forward to work with you guys." I smiled shyly.
They greeted me at pumasok na kami lahat sa van. Si Jansen ang nasa driver's seat at sa tabi niya ay si Ashley. Tumabi ako kay Cesha sa front seat at sa back seat naman si Vincent at Kaius.
"Tara na, gutom na gutom na ako." sabi ni Vincent.
"Kaya siguro lagi ka lang pumupunta para sa libreng pagkain pre." birong sabi ni Kaius.
"Talaga ba? Edi sana pinabillboard mo." pangaasar ni Vincent.
Tumawa si Kaius at Cesha kaya napangisi rin ako. Sinisigawan kami ni Ashley dahil ang ingay daw namin sa likuran. Umandar ang sasakyan at binuksan ni Ashley ang radyo. My face lit up nang marinig ko na Paramore ang tugtog.
I think I pace my apartment a few times
I fell asleep on the couch
And wake up early to black-and-white rerun
That escape from my mouth, oh, oh
Sumabay si Kaius sa pagkanta and I admit it natutuwa ako dahil may karamay ako sa pagiging fan ng Paramore. Ang iba sa kanila ay nagbabangayan pa rin at todo saway naman si Ashley. Pinagmasdan ko silang lahat and as I watch them I feel at ease.
Can a home really be a person?