Chapter 7

1861 Words
Nanggagalaiti at puno ng panggigil kong kinusot ang damit ni Garren. Ako lang mag-isa because I refuse to ask for some help. Hindi rin naman gustong lumapit ang ilang kasambahay na napapadaan, siguro nakikita nila ang inis ko. Hindi ko naman sila bubugahan ng apoy pero mabuti na rin na hindi nila ako nilalapitan. Anong akala niya sa akin hindi marunong maglaba at kailangan pa ng tulong? Napapanood ko kung paano maglaba si Manang sa bahay at mukha namang madali lang. Syempre dahil isa lang ang damit niya kaya kinusot ko na lamang iyon. Hindi ko lang inaasahan na mahirap pala iyon. Bakit nung si Manang naman ang gumagawa parang ang dali lang? Kahit sinabihan ako ni Garren na humingi ng tulong sa mga kasambahay nila, my pride can't take the humiliation. He will definitely insult me about this. Naiisip ko pa lang ang mga tingin niya na nang-uuyam na para bang tama siya ay hindi kinakaya ng ego ko. I want to prove to him that I'm not some kind of spoiled brat. Na kaya ko rin gawin ang mga ganitong klaseng bagay. Hindi ako magaling kumusot ng damit kaya't nakutento na lang ako sa paggamit ng brush. Natatanggal naman kahit paano. Ilang minuto ko pa lang ginagawa pero sumasakit na kaagad ang likod ko. Idagdag pa na basang-basa na ang damit ko dahil nga hindi pa ako marunong nung una. "Kilala niyo iyong babae na dinala ni sir dito?" "Naku, hindi! Si Miss Candice lang naman ang palaging nalalagi rito. Baka girlfriend ni sir?" Ilan lang ang mga iyon sa naririnig ko. Nagpanggap akong abala sa pagbrush ng damit pero ang totoo ay nakikinig ako sa tsismisan ng ilang napapadaan na kasambahay. Talaga? Iyong Candice lang ang nagpupunta rito sa mansyon? Bakit hindi ako naniniwala? Imposible na wala siyang ipinupuslit na babae rito. He was never a play boy before. Tahimik lang siya at hindi palakaibigan. But people change, I doubt that he will remain the same after all these years. May Candice na nga, malay ko ba kung may iba pa at hindi pa lang nagpapakita. Despite his aloof and quiet personality, he was still noticeable. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. Desperate to get his attention. In fact, he was more popular than his cousin Dylan. Kahit pa mas outgoing ang personalidad ni Dylan, mas nakakaagaw pansin pa rin ang pagiging isnabero ni Garren. Mas lalo akong nanggigil sa pagbrush ng damit niya. Iniisip ko na lang na mukha niya iyon para mas sipagin pa. Bakit ang hirap paputiin ng bwisit na damit na ito? Kanina pa yata ako rito pero mayroon pa ring natitirang mantsa. Ang likod ko sumasakit na. Basang-basa na rin ako dahil nga hindi naman ako marunong magkusot ng damit. I swear, kapag napaputi ko ang damit na ito isasampal ko sa kanya! Nanlulumo kong pinagmasdan ang namumula kong mga kamay. Ang hapdi na noon! Isa pa nga lang ang nilalabhan ko pero mukhang magsusugat pa yata ang mga kamay ko. Masyado yatang matapang ang sabon na nagamit ko. This will definitely be the last time I will challenge that brute. Diniinan ko ang pagbrush na sana hindi ko na lang pala ginawa. Kumaskas sa washing board ang kamay ko imbis na ang brush. Gawa iyon sa makapal na kahoy kaya masakit. "s**t!" Bwisit ang hapdi. Kasalanan ito ni Garren. It was all his fault why I'm in this situation. Hindi niya ba alam ang salitang biro? O baka naman sa sobrang old-fashioned niya kaya hindi niya gets na way of expression lang iyon. Hinipan ko ang namumula ng kamay. Ang sakit na noon at mukhang hindi ko na yata matatapos ang paglalaba. I give up, bahala na siya. Uuwi na lang ako mabuti pa. "Anong nangyari?" his voice thundered na nakaagaw sa atensyon ko. I blushed when I realize how messy I look like. Gulo-gulo ang nakabun na buhok at basang-basa ang t-shirt. Nakabihis na si Garren pero suot niya pa rin ang maong pants niya kanina. Talagang nagsuot lang siya ng pang-itaas gaya ng sabi ko sa kanya kanina. Wala sa sarili akong tumingin sa kamay ko. Sinundan niya naman iyon ng tingin at kumunot ang noo niya sa nakita. Walang pasabi niyang tinawid ang distansya sa pagitan namin. Dahil nga malalaki ang hakbang niya, mabilis siyang nakalapit sa akin at kinuha ang aking kamay. He carefully examined my hand. Ako naman ay pinagmamasdan lang siya sa ginagawa. Kanina pa ba siya? "Masakit pa?" "H-hindi naman masyado," I uttered, dumbfounded. Kanina inis na inis ako sa kanya pero ngayon na nasa harapan ko siya umurong yata bigla ang inis ko. I was amazed by how gentle he is, the opposite of his aura which is cruel and dangerous. Ako lang yata sa pagitan naming dalawa ang naaapektuhan sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Hindi ko magawang makipagtitigan sa kanya because it makes me feel uneasy. "Basang-basa ka. I'll lend you some clothes." he murmured to himself at walang pasabi na inakay ako patayo. Akay-akay ako ni Garren papunta sa second floor ng masyon. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin ang alam ko lang bigla akong nawalan ng lakas na makipagtalo sa kanya. Nakafocus lang ako sa magkasiklop naming mga kamay. My small hand perfectly fits his calloused hand. He was holding it firmly pero hindi ganoon kahigpit dahil nga namumula na iyon. "I-iyong sahig nababasa," pagpapanik ko habang pinagmamasdan ang bakas ng pagtulo ng tubig sa sahig. Nakakahiya naman sa mga kasambahay nila na kanina pa yata naglilinis tapos dudumihan ko lang. Kahit naman hindi ako marunong sa mga gawaing bahay, hindi naman ako iyong tipo na sinasamantala ang mga kasama sa bahay. Hangga't maaari kapag kaya ko naman ang isang gawain, I make sure to finish it on my own. Bagay na palaging bilin sa akin ni Daddy. "We'll fix that later. Magpalit ka muna ng damit baka sipunin ka," iyon lang ang sinabi niya. Tumahimik na lang ako. Asan na ang tapang mo Kali? Parang kanina lang halos punitin mo na ang damit niya. Simpleng paghaplos lang ng kamay, umurong na kaagad ang buntot mo? Tudyo sa akin ng utak ko. Nakakainis lang dahil tama iyon. Gustong gusto kong makita na magalit siya. I want to see his reaction but all I get is a far from what I've expected. Kapag sinusungitan ko siya, wala lang iyon sa kanya. Mas lalo na kapag pahapyaw kong nababanggit ang ginawa niya. Its like he doesn't want to argue anymore. Parang tinatanggap niya lang lahat ng mga paratang at frustrations ko kahit pa minsan alam ko na sumosobra na ako. Ilang araw pa lang ako rito pero iyon na kaagad ang napansin ko. Sabagay, its not like I will stay here for long. Hindi pa rin naman nawawala sa isip ko ang pagtakas kahit pa kagalitan ni Mommy. I don't belong here. Atsaka ayokong manatili sa lugar kung nasaan si Garren. Oras na para ayusin ko ang buhay ko at patunayan kay Mommy na dapat niya akong pagkatiwalaan. That this time I'm serious and determined to find the right path for me. I'm done playing around and causing problems for her. Hindi rin ako aasa kay Dylan kahit pa halos kuhanin niya na ako at pagtrabahuhin sa kompanya nila. Iginiya ako ni Garren sa isang kwarto, sa kanya yata iyon. Namangha ako dahil sa laki at luwag noon. Walang masyadong gamit maliban sa isang malaking kama at isang malaking painting sa may head board. There is also a working table nearby, katabi noon ang bookshelves na may iba't-ibang klaseng libro. He has his laptop on at mukhang may pinagkakaabalahan. Garren's room is so alike with his personality, neat and systematic. Nahiya ang kwarto ko na parang dinaan ng bagyo sa sobrang gulo. I realize just now how awkward this situation we are in. Napansin niya na natigilan ako sa paglalakad kaya hinarap niya ako. "Anong ginagawa natin sa kwarto mo? Pwede naman sa sala na lang!" sabi ko. He looked at me, puzzled with my sudden outburst. Hindi niya ba nagets na awkward na magkasama sa isang kwarto ang isang babae at lalaki? My god do I really need to explain this for him? "You are soaking wet, do you really want some of our people see you in that state?" Itinuro niya naman damit ko. Namula ako sa nakita. Bakat pala sa damit ko ang bra ko! Manipis lang kasi ang damit ko at nabasa pa. Nakaputi pa man din ako at kulay itim naman ang suot kong bra! Kaagad ko iyong tinakpan gamit ang mga braso. How can he casually pointed that out? Napakabastos! "What the hell, Garren. Are you ogling my chest? Tapos ngayon mo lang sinabi!" Natawa naman siya sa paratang ko, "Be careful with your choice of words. I'm not a pervert to take advantage of you. I'm better than that." Seryoso ang pagkakasabi niya noon at hindi ako nakaimik. Paano ba naman kasi he was staring at me dangerously na para bang isang maling sagot ko lang ay may gagawin siya sa akin na masama. "Atsaka wala naman akong nahalata kanina ng tumingin sa'yo," Nasaktan ako sa sinabi niya. Insecurity ko talaga ang katawan ko. May kurba naman ako at makinis din pero sa bandang dibdib hindi ako nabiyayayaan. Proud naman ako sa katawan ko pero ang mga taong kagaya niya ang sumisira sa confidence ko! And he will pay for it. Really, walang nakita. Tignan natin kung wala ka pa rin makikita. "How dare you insult me. Ang dami kaya nagkakandarapa sa akin lalo kapag nakabikini. Sabagay why would I explain myself to you. Mabuti pa si Dylan naaapreciate ang katawan ko." It was suppose to be a retort for his statement pero hindi ko na napigilan ang kadaldalan ko. Ano bang iniisip ko. Bakit ko sasabihin sa kanya ang bagay na iyon. Bakit gusto kong makita ang reaksyon niya? We are on his walk in closet at abala siya sa pagkuha ng t-shirt na ipapahiram sa akin. Infairness ang laki rin ng walk in closet niya. Natigil siya sa ginagawa at marahas na lumingon sa akin. Napalunok ako dahil sa kakaibang tingin na ipinupukol niya sa akin. Its like I push a wrong button this time and now I provoke him. Inilang hakbang niya ang pagitan namin at halos isiksik ko ang sarili sa dingding para lang hindi kami magkadikit. He is invading my personal space and my head is screaming with red light. Hinawakan ni Garren ang baba ko at iniangat iyon para magtama ang mga mata namin. Pinanliitan niya ako ng mata. Bakit ba palagi na akong naghahanap ng gulo? I should have shut my mouth. "You don't get to mention other man's name while in my house. Now, use this shirt to cover up and don't even mention that topic to me again. Baka hindi ako makapagpigil at tuluyan akong mawala sa katinuan." Nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa sinabi niya. It's a threat but why does my body reacts differently. Parang gusto ko pa siyang iprovoke just to know what will he do. I have to remind myself to never poke the bear again. Nakakatakot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD