Chapter 8
Tahimik akong lumabas ng kwarto ni Garren, siya naman ay nakasunod lang sa akin. Matapos ang insidenteng iyon hindi na ako nagsalita pa. Hindi naman ako natatakot sa kanya kundi sa sarili ko. I hate how my body reacts to him. Its like I want to provoke him even more just to know what consequence he was talking about.
Sinaway ko lang ang sarili.
Nagmukhang dress ang t-shirt na ipinahiram niya sa akin. Mabuti na lang at hindi gaanong basa ang shorts ko kaya pang-taas lang ang hiniram ko sa kanya. May kinuha pa na first aid kit si Garren sa banyo ng kwarto niya bago kami nagtungo sa sala.
"Hindi ka naman sanay maglaba pero nagpresinta ka pa rin. Look at your hands," sermon niya
Medyo namumula pa rin ang kamay ko at may kaunting sugat pa iyon. Wala naman kanina pero ngayon na nililinis niya na saka ko lang napansin. Kaya pala medyo masakit iyon at mas mahapdi. Napapaaray ako kada dampi ng bulak na may alcohol.
Dahan dahan niya lang naman iyon idinadampi pero mahapdi pa rin.
"Ano naman ngayon? Akin na nga iyang kamay ko at ako na ang gagamot."
Hindi nga ako marunong pero at least sinubukan ko. Bakit kasi kailangan pa na sabihin sa akin. Ito na nga at nalaman ko na na hindi pala madali, kailangan pa ba na sermunan ako at ipamukha iyon sa akin?
"Masakit pa?"
He did not even flinch with my whining. Nakafocus lamang siya sa kamay ko. Huwag niyang sabihin na guilty siya?
"Paano yan masakit ang kamay ko, hindi ko na matutuloy ang paglalaba."
"Ako na lang ang magtutuloy. Ihahatid na kita sa inyo."
"Marunong ka?" eksaheradang kong sabi, hindi makapaniwala sa sinabi niya.
Tinaasan niya ako ng kilay, there is a ghost of a smile on his lips. Tila ba natutuwa sa nadiskubre ko.
Totoo na nagulat ako. Para kasing bihira lang na may kagaya niya na marunong ng gawain bahay. He is filthy rich at maraming kasambahay. It never occurred to me that he is also capable of doing household chores. Isa pa busy din siya sa farm nila.
"Why not? Bakit, hindi marunong si Dylan kaya nagugulat ka?"
Nakangisi at puno ng insulto niyang pahayag sa akin. Ang yabang naman pero tama siya. Dylan is a typical rich boy na walang inatupag kundi pumunta sa mga parties. But it was a long time ago. Ngayon ay mas priority niya ang kompanya kaysa ang dating nakasanayan.
Kaya lang naman siya napapadpad sa mga bar ay dahil sa akin. Dinadahilan niya lang na wala siyang tiwala sa ilang kaibigan pero alam ko na ganon din siya sa akin. Binabantayan niya ako.
Bigla ko tuloy namiss si Dylan. Kahit naman palagi akong pasaway sa kanya he never leave my side. Tinupad niya ang pangako na hindi niya ako iiwan. Hindi kagaya ng isang ito, he promised yet he broke it in the end. He left without saying anything. Maybe the reason why I'm still bitter is because I never knew the reason why he left.
Hanggang ngayon nananatili pa rin iyong misteryo sa akin.