Nagpantig ang tenga ko sa sinabi ni Garren. There is something in the tone of his voice that did not sit right with me. Para bang may panlalait sa tono ng boses niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. I want him to know that I did not like what he just said. Anong klaseng asal iyon? Kung pagsalitaan niya si Dylan akala mo hindi pinsan?
If he thinks that I’ll back down just because he is intimidating, pwes nagkakamali siya. Pinagtaasan ko pa siya ng kilay, lumapit ako sa kanya na para bang naghahamon.
There is no way I will let him win on this one. Mas lalong hindi ko siya hahayaan na insultuhin si Dylan! Kung sana madali lang turuan ang puso si Dylan na lang sana ang pinili ko noon pero syempre hindi ko sasabihin iyon sa kanya. I don’t want to sound bitter about our past. Tapos na iyon.
Yes, Dylan is not perfect and sometimes a pain in the ass but he is sincere and loyal.
Palagi siyang nasa tabi ko kapag kailangan ko, bagay na hindi niya nagawa!
Matapos kong makalapit at kaagad akong nagsisi. Akala ko masisindak siya pero nakalimutan kong di hamak sa mas malaki siya kumpara sa akin. Bigla tuloy akong nanliit, literal. Imbis na maintimidate may paghahamon sa kanyang mukha.
Being near him makes me feel all sorts of emotions that should not be felt.
"Hindi ako nang iinsulto, sinasabi ko lang ang totoo. He's my cousin so I know him so well," he claims. At talagang ipinagtatanggol pa ang sarili.
Sinabi niya iyon na para bang may gusto siyang patunayan. Pinaningkitan ko siya ng mga mata pero sa huli nanahimik na lang ako. Pero sa totoo lang wala na talaga akong masabi.
Atsaka bakit pa nga ba ako makikipagtalo sa kanya? Papagurin ko lang ang sarili ko. Sa huli ipapamukha niya lang sa akin na mas lamang siya sa parte na iyon.
I scoffed, hindi makapaniwala sa argumento niya.
Sinamaan niya naman ako ng tingin, he clearly dislike my reaction.
Tinapos niyang gamutin ang sugat ko. Ang hirap paniwalaan na kahit galit siya at irita sa akin ay marahan pa rin ang paggamot niya sa sugat ko. Sinisiguro na bawat dampi ng bulak na may alcohol na hindi iyon didiin.
Mabuti na lang at natapos na siya kahit nag-babangayan kami.
Itinabi ni Garren ang first aid kit, I took that as a chance to make a distance between us.
Hindi naman siya nagkomento sa ginawa ko.
“S-salamat pero hindi mo naman kailangang gawin. Uuwi na ako!” anunsyo ko at tatayo na sana pero natigilan sa sinabi niya.
“Aalis ka ng ganyan ang suot mo?” tanong niya, nakataas ang kilay.
Saka ko lang napagtanto na suot ko nga pala iyong sobrang laki niyang damit na naging dress na. Pinamulahan ako ng mukha sa
pagkapahiya pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya. Puputi muna ang uwak bago niya malaman na kanina niya pa ako natatalo.
Ano bang nangyayari sa’yo Kali? Kanina ka pa pumapalpak!
“A-Ano naman? Alam ba nila na sa’yo ako nanghiram ng damit?” pangangatwiran ko nang may maisip na pwedeng ilaban sa kanya.
I just can’t take it, na mapahiya sa harapan niya samantalang taas noo pa ako sa pakikipag away sa kanya.
Mabuti na lang talaga at kahit nasa sala kami ng mansyon nila wala naman dumadaan na kasambahay.
Wala naman akong pakialam kahit na pagusapan nila ako. I’m already used to the judgement of many people, especially those strangers that only know me by my name. Simula yata ng sumama ako sa mga kaibigan ni Dylan, iyong tahimik kong mundo nawala na parang bula.
Ni wala yatang isang tsismis sa grupo na hindi ako kasali kahit most of them are only rumors.
Natahimik siya sa dahilan ko. O di’ba? Sometimes my logic does make sense.
Akala ko talaga tapos na kami at hahayaan niya na akong umalis. Gustong gusto ko nang makauwi para makapagpahinga. I’m dead tired kahit isang t-shirt lang naman ang nilabhan ko at hindi pa natapos!
Mas marami pa nga yata akong nilakad papunta rito sa mansyon kaysa sa trabaho na ginawa ko rito. Kapag namasukan ako tiyak na tanggal agad.
Kaya kailangan talaga na makaalis na ako sa lugar na ito! Hindi yata ako magtatagal.
“Hintayin mo na lang na matuyo iyong t-shirt mo. Huwag kang mag-alala wala naman akong gagawin sa’yo. Kung may kailangan ka magsabi ka lang kina Manang,”
Ayoko! Gusto ko na nga makaalis dito eh… bakit naman kasi ang daming epal
Nakapameywang kong pinanonood si Garren sa ginagawa di kalayuan sa pwesto ko. Mainit kaya sa may masisilungan ako pumuwesto. Nasa mansyon niya pa rin ako. Napag isip isip ko rin na tama nga naman siya. Atsaka baka makita na naman ako ni
Mama at pag-initan.
Baka akalain niya na nakikipaglandian ako rito.
Kanina ko pa napapansin, pwedeng pwede niya akong sitahin sa mga ginagawa ko. Kagaya na lang na pakikipagtalo sa kanya pero sa huli susunod din naman sa suhestyon niya. Maraming pagkakataon ngayong araw para gantihan niya ako at ipahiya pero hindi niya ginawa.
Para tuloy akong nakatingin sa high school version ni Garren. Did I misjudged him? Dahil sa galit ako sa kanya?
May ginagawa si Garren na lamesa yata at pinakikinis niya na iyon. Nasa likod kami ng mansyon at sobrang lawak noon!
Each move he make, mas nadedepina ang hubog ng katawan.
Damn, bakit ang perfect niya? Ni wala akong makitang kapintasan sa katawan…
Kahit tiringka ang araw hindi niya iyon inalintana. He is invested with his craft that he did not even notice na lumapit na sa kanya ang isa sa mga kasambahay nila, may sinabi yata.
“Totoo ba na kasintahan ka daw ng alaga ko?”
Napaigtad ako sa gulat ng may bigla na lang nagsalita sa gilid ko. Iyong mayordoma yata. Nakita ko na siya pero hindi naman kami nag usap man lang. Abala kasi ito sa pagmamando ng ibang kasambahay.
She has this strict aura and appearance. Kahit wala naman ako ginagawang masama hindi ko mapigilan na hindi nerbyosin.
“H-hindi po, saan niyo naman napulot ang tsismis na iyan?” sabi ko
Porke magkasama lang magshota na agad? Hindi ba pwedeng magkaaway?
Nagtagal ang titig niya sa akin. Para na niya akong inaasses sa paraan ng pagtitig niya. And she’s not even reacting which makes it weird. Bakit ba big deal sa kanila kung may karelasyon si Garren? I mean wala ba?
Don’t tell me they think I’m his other woman?! Kaya ba masama siyang tumingin sa akin?
“Hindi nagdadala ang batang iyan ng dalaga rito. Kaya huwag ka ng magulat kung halos lahat ng tauhan dito napagkakamalan kang girlfriend,” aniya.
Medyo nakahinga naman ako ng maluwag na mali ang naiisip ko.
Bigla kong naalala noong highschool kami. Maraming babae ang nagkakagusto sa kanya, may ilan na higher years pa. Every week yata may nagtatapat sa kanya. Halos lahat ng mga babaeng iyon ay magaganda at matatalino.
Some are athletic but despite their differences, may isang bagay silang pinagkaparehas. They were all rejected!
Sometimes they tried to befriend me just to ask a favor and Garren hates it.
Ang tagal na noon, parang ang hirap paniwalaan na hindi pa rin siya nagbabago.
Naasiwa naman ako bigla. Seryoso ba sila? Si Garren, hindi nag uwi ng babae? Imposible.
May Candy nga siya.
“Kung ganoon magkakilala kayo?” pang-uusisa niya pa, grabe interview na pala ito.
“Mag classmate po kami noong high school,” tipid kong sagot, I want to slap myself because of what I’ve just said. Ito ang ayaw ko, iniiwasan ko talaga na sumagot pagdating sa koneskyon namin o di kaya ay iyong high school days.
Kapag kasi nagsalita ako magtutuloy tuloy na ang tanong.
May mga bagay na dapat ng ibaon sa limot.
Mayroon lang talagang mga tao na insensitive kung minsan. Hindi ko naman isinasali si Manang doon dahil wala naman siyang alam tungkol sa amin. It is only applicable to those who knew us.
Mabuti na lang at hindi ako nadulas at nasabi kong ex-girlfriend niya naman talaga ako. Iyong bigla niyang iniwan sa ere ng walang pasabi.
Tumango ito.
“Ako si Martha, ang mayordoma rito sa mansyon. Ako rin ang nag-alaga kay Garren noong bata pa siya. Kung may kailangan ka magsabi ka lang. Maiwan na kita.”
Ok?
Hindi pa ako nakakabawi sa usapan namin ni Manang Martha ng si Garren naman ang papalapit sa akin.
May iniaro siya sa akin, noong una hindi ko gets pero nang makita ko ang pamilyar na tela saka ko napagtanto na t-shirt ko pala ang iniaabot niya sa akin. Ito siguro iyong pinaguusapan nila nung isang kasambahay.
“Thank you,” sabi ko na sinagot niya ng tango.
“Ihahatid na kita sa inyo.”
Wala sa sarili akong tumango.