Ang awkward.
Kanina lang go na go ako na awayin siya pero matapos marinig ang mga sinabi ni Aling Martha nagulo ang isip ko. Ang hirap lang paniwalaan ng mga sinabi niya sa akin kanina. Kahit anong pilit kong isipin hindi ko talaga magawang maniwala.
"Hindi naman siguro ako susugurin ng girlfriend mo dahil galing ako sa mansyon mo?"
Tiringka ang init. Tumatagaktak na ang pawis ko. Sana pala nung sinabi ni Garren na ihahatid niya ako gamit iyong sasakyan nila ay pumayag na ako. Sana hindi na ako nag-inarte pa! Ayan tuloy bilad na bilad ako init kahit na may payong naman kaming dalawa. Si Garren din pala ang naghawak noon, nagpresinta siya.
Hindi ko alam kung paano siya nagreak sa sinabi ko pero matagal bago siya nakasagot.
Teka secret lang ba iyong kanila ni Candy? Dapat ba tumahimik na lang ako at nagpanggap na walang alam?
"Girlfriend? Wala ako niyon."
Tipid niyang sagot kaya napatingin ako sa kanya, hindi mapaniwala. Really, Garren? You have no girlfriend? Parang hindi naman totoo. I sneered with that thought. Ayos lang naman kung ganoon nga. We were just an acquaintance. Hindi naman ako madaldal para ipagkalat iyon kung sakali na meron nga.
"Talaga? Eh iyong Candy? Di'ba close kayo noon, 'wag mong sabihin na hindi mo iyon nagustuhan man lang?" eksaherada kong tanong, why am I pushing it anyway? Wala naman akong mapapala. Anong nangyari sa mind your own business mental note, Kali?
"Kaibigan ko lang iyon. I never had a girlfriend... after you. Nag-focus ako sa farm."
Napipi ako bigla sa pag-amin niya. Ewan pero parang may something akong naramdaman sa sinabi niya. Like a sense of pride? Knowing that I'm his first and still holding the title as his only girlfriend, which is past tense since wala na kami. Tumawa ako para mawala ang awkwardness, grabe siya sumagot literal na straight to the point.
Flashback
I groan when I heard the loud ring of my alarm clock. Gusto ko pang matulog but the damn thing doesn't want me to. Bwisit!
Kinuha ko ang unan na nakapa ko sa tagiliran ko, I sleep with lots of pillow all over my bed. Inilagay ko iyon sa may tainga ko para hindi na marinig ang at hindi iyon gumana. Masyadong malakas ang alarm clock ni Adele!
May kumatok sa kwarto ko, bumangon ako kahit nakasuot pa ng blindfold.
"Miss, gising na. baka malate ka sa school!" rinig kong sabi ni Adele sa may pinto. Adele is my personal maid. Shocks. Ngayon lang nagsink-in saakin ang lahat! Mabilis akong bumangon sa kama at hindi magkadaugaga na pinagpupulot ang mga dahilan kung bakit ako napuyat kagabi.
Sa kama at sa sahig nagkalat ang mga librong nabili ko kahapon sa mall.
Ipinuslit ko pa ang mga iyon. Kapag nalaman ni Mommy na nagpuyat ako dahil sa mga iyon, kinikilabutan ako habang naiimagine kung papano niya punitin ang mga iyon sa harapan ko.
Ayaw ni Mommy na nagbabasa ako ng mga fiction books, she likes me to read non-fiction and academic related books na makakatulong sa pag-aaral ko. Alin man sa mga iyon ang hindi kasali ay hindi na dapat basahin.
Sinipa ko ang mga libro sa ilalim ng higaan bago ako pumunta sa may pinto para pagbuksan si Adele.
Malaking ngisi ang isinalubong ko kay Adele ng mabuksan ko ang pinto. Tumaas ang kilay nito at tila ba nahinuha na kung bakit hindi ako nagsungit sa panggigising niya. Kilala ko si Adele, hindi niyan ako ipapamahak kay Mommy.
"Mag-ayos ka na Miss. Maya-maya nasa baba na ang mga Mommy niyo." She said.
Nilakihan ko ang bukas ng pinto para makapasok siya. Samantala, nagderetso na ako sa banyo para maligo.
Sabi nila masyado akong swerte sa pamilya ko lalo na kay Mommy. Hindi niya ako tunay na anak pero tinaggap niya pa rin ako at pinalaki na parang totoong anak niya. Pero hindi alam ng lahat na may kapalit ang maginhawang buhay na tinatamasa ko.
My mother molds me to be a perfect daughter.
Mahal ko si Mommy. Ng namatay ang totoo kong mommy nung 9 years old pa lang ako siya na ang sumalo sa obligasyong iyon.
Kaya naman lahat ng mga pinaggagawa niya saakin, kahit ano I would do it for her willingly.
I'm a first year college sa Brixton University taking up business administration just like what my parents want me to take. Wala naman akong reklamo. I don't have any ideal course. Ni hindi ko nga naiimagine ang future na ako.
Our school doesn't have a uniform so I wear an outfit prepared by Adele. Kahapon, nagpilian na kami ni Adele kung ano ang mga isusuot ko sa school. Ayokong mag rush at mag suot ng mga unplanned clothes. Dapat kada araw maganda at pagtitinginan ng lahat!
Nakasuot ako ng white round t-shirt na mayroong text sa harap nakatuck-in ito sa faded maong ko na loose. Nagsuot ako ng coat na kulay light blue plus my chanel clutch bag, and a louboutin boots. Nakalugay lang ang buhok ko para sa araw na ito.
Palapit na ako sa dining area. Naririnig ko na ang mga usapan nina Papa at Mommy. Mukhang nag-uusap na naman ang dalawa tungkol sa business.
Umupo ako kaagad sa kanan ni Papa. When he notice my presence tinignan lang ako nito bago nagbaling muli ng tingin kay Mommy. Tumikhim na lang ako at nagkunwaring wala lang sakin iyon. At least inacknowledge niya ang pagdating ko.
Nagsandok ako ng pagkain. Tahimik akong kumakain habang papalit-palit ng tingin kina Papa.
They were supposed to eat yet they are talking about business stuffs. Sanay akong ganito, I don't know why do I even need to pretend that we are a very happy family. Nakakawalang gana. Kasabay ko nga sila pero parang may malaking pader na nakapagitan saamin.
Mabilis akong natapos kumain at nagpaalam na.
Humalik ako kay Papa at ganoon rin kay Mommy. Nung ginawa ko iyon dumako na saakin ang atensyon niya.
"What is your schedule for today?"
Mataray at strikto ang itsura ni Mommy. She has this aura that can intimidate people just by the mere sight of her.
Kinakabahan ako palagi kapag nagsasalita siya at sa tuwing nangyayari iyon nagpapanggap akong hindi apektado kahit na sa loob loob ko gusto ko ng umalis.
"Nasend ko na po sa inyo." I said politely. Uminom ito ng tsaa, she doesn't drink coffee anymore so she fancies different types of teas.
"Good. Make sure that after school you'll go home immediately. You need to practice your violin para sa recital ng Tita Ana mo."
"Opo. Una na po ako."
Tumango si Papa si Mommy naman ay nagpakabusy na sa kanyang tsaa. Nagpakawala ako ng mabigat ng hininga. Unang araw pa lang napepressure na ako kaagad.
Nakasunod saakin si Adele. May iilan rin akong body guards na kasama ko sa school.
"Ito na ang bag mo Miss." Sabi ni Adele at ibinigay saakin ang bag ko pati na rin ang ipad.
Bago ko kuhanin ang mga iyon tinitigan ko muna si Adele. Huminga ito ng malalim at pilit na tumango, walang choice. I smirk because of that.
The drive to school only lasted for 30 minutes. Medyo natraffic kami but nakarating naman. Brixton University is a University for elites like me. Halos lahat ng mga pumapasok rito ay anak ng mga negosyante o di kaya'y mga anak ng mga sikat na personalidad.
The security of this school is hectic. Natural lang naman iyon dahil mahal ang bayad rito.
Si Mommy ang pumili nito para saakin.
Ayoko naman kaya lang wala akong choice. Gusto ko sanang mag-aral sa ibang bansa. Mas maganda roon dahil walang nakakakilala saakin. I can live my life the way I wanted it to be. Malayo rin iyon sa matatalas na mga mata ni Mommy.
But who am I kidding? She dislike the idea kahit sinabi kong mas gagalingan pa.
Iyon naman kasi ang nakakapagpapayag sa kanya. Kapag nangako akong gagalingan papayag siya.
Natatanaw ko na ang malaking gate ng Brixton. Bago kami makapasok kailangan munang mag-scan ng i.d ang driver. After that may mga security guards naman na magiinspeksyon. They are not just ordinary security guards, they are well trained.
Sa parking lot, marami ng estudyante ang nagsisibaba sa kani-kanilang sasakyan. If only Mommy let me have my own car... Ok kay
Papa pero ayaw ni Mommy ika niya'y baka maglakwatsa lang ako at kung saan saan magpunta. Wala talaga siyang tiwala saakin.
She always has this scrutinizing look na daig pa ang x-ray.
Pinagbuksan ako ng bodyguard ng pinto at swabe akong lumabas ng sasakyan. Dapat kahit sa pagbaba ng sasakyan maganda pa rin!
I notice some students look at my direction with envy in their eyes.
Akala ko talaga ako lang 'yong agaw pansin. Naningkit ang mga mata ko ng may pumaradang mustang sa gilid ng sasakyan ko.
Kaagad lumabas ang may-ari noon at napamaang ako dahil para akong nakakita ng artista. Lahat ng mga fictional characters na kinababaliwan ko parang siyang-siya!
Papaanong may ganitong nilalang?
The man does not only scream riches, he's also a fashion icon.
Nakasuot ito ng slacks na brown, rubber shoes, long sleeves na brown, at may nakakawit na jacket sa kanyang leeg. His bag is in his left at naka suksok sa magkabilang bulsa nito ang kanyang mga kamay.
Ngayon lang ako nakaencounter ng lalaking parang kagagaling lang ng fashion show. Because literally and figuratively lahat ng suot niya ay signature. Alam ko kasi nakita ko ang mga iyon sa latest catalog ng mga ioorderan ni Mommy ng mga damit.
I do not know this guy but I think, based on the reactions of the students mukhang hindi ito bago.
Gawd, nagmukha akong chipipay sa tabi niya!
Dapat talaga mas binonggahan ko pa ang suot.
Ok, hindi dapat ako mastress. First day of school.
May kinukuha pa yata iyong lalaki. Sinamantala ko iyon para makaalis na sa parking lot. I make sure na with poise ang lakad ko.
Medyo bumaba ang confidence level ko dahil sa lalaking iyon.
I already know where the building is for business ad. Ang layo pala. Bwisit!
"Tignan mo oh, si Kali. Dito rin pala siya pumapasok? Hindi ba siya iyong bali-balita na matalino pero masama naman ang ugali?"
"Of course, she's a daughter of a business tycoon malamang makikita talaga natin siya rito."
"Hmmp, akala ko pa naman hindi. Ayoko sa kanya maganda nga at mayaman masama naman ang ugali!"
Usually, I never let those kinds of gossips get in my nerves. Kung hindi ako nagtetengang kawali ay lumalakad ako sa harapan nila para naman mahiya sila. Pero dahil bwisit ako ngayon, hindi ko ito palalagpasin.
Nakataas ang kilay na lumapit ako sa dalawang tsismosa. Infairness, I like their style.
The two girls stiffen and stop talking. Ang lakas ng loob na pagusapan ako pero ngayong naririto na ako sa harapan nila biglang napipi?
"Why did you two stop? Ang sabi mo masama ang ugali ko, then?" I asked. Kalmado lang naman ako pero nahahalata kong natatakot na ang dalawa. Gusto ko na lang matawa sa sarili ko dahil talagang pinapatulan ko sila.
Pinameywangan ko sila to intimidate then more. Nagkatinginan ang dalawa.
"A-ah I think you heard it wrong. Hindi naman ikaw ang pinag-uusapan namin."
"Really? Eh bakit tumigil kayo sa pagsasalita nung lumapit ako. Its either you are talking about me or another person that has the same nickname like mine."
Walang masabi ang dalawa, nakatungo sila.
Look at this two, nakalabas ang pangil kapag nakatalikod ang pinag-uusapan pero ngayong nasa harap na biglang nawala.
This is why I hate arguing with this kind of people. Oo, at masama nga ang ugali ko pero at least totoo ang ipinakikita ko at hindi ako nagpapanggap. Mayroon nga diyan na mabait ang pakikitungo saiyo pero hindi naman pala ganoon ang totoong ugali.
"Ano ito? Unang araw pa lang may nambubully na kaagad?"
Tumingin ako sa lalaking nagsalita. Tila umahon ang lahat ng inis na naramdaman ko kanina. The nerve.
The guy who just accuses me of bullying is none other than Mr. Fashion icon.
"G-garren..." sabi nung isang babae.
Nangunot ang noo ko.
"Ang sabi ko bakit ka nambubully."
Nakakunot ang noo nito habang nakatingin saakin. My heart flutters when I stared at his face. He has a pair of hooded eyes. Brown ang kulay ng mga mata nito at tan naman ang kulay ng balat.
Itinuro ko ang sarili ko. Hindi naman masama ang tingin niya saakin pero parang nararamdaman kong hinuhusgahan niya na ako.
Pare-parehas lang talaga sila. Ang galing manghusga gayong hindi naman nila ako kilala.
"I'm not bullying anyone mister. In fact they are the ones that you should reprimand and not me dahil naninira sila ng kapwa nila.
And don't accuse someone that easily. Hindi porket mukha akong masama ako na kaagad ang may gawa." pagtatanggol ko sa sarili ko. The need to defend myself and to prove that I'm not the criminal resurfaces.
Mas lalong kumunot ang noo nito. I tried to compose myself lalo na't nung humawak ito sa kanyang labi na parang may iniisip. Ano
ng nangyari sa fighting spirit mo, Kali? Asan na!
Bumibigat ang pakiramdam ko habang pinagmamasdan niya ako. I can't breath properly at medyo naging conscious na rin sa sarili.
He's intimidating!
Bago pa siya makaimik tinalikuran ko na sila. Bwisit talaga. Ewan ko ba, parang ayaw kong marinig ang sasabihin niya patungkol saakin.
Magsama-sama silang mga mababait.
Unang araw pa lang ng klase nakakachallenge na.
Prepared naman ako, nag-aadvance study na nga ako to make sure na may background na kaagad ako sa topics na itatackle per course. Sa takot ko na magkaroon ng mababang scores, kailangan ko talagang magsunog ng kilay. Hectic ang schedule ko for
Monday, Thursday and Friday. The latter puro maaga ang labasan.
Some of the professors did not attend the class so we are dismissed early.
I notice how each students already has their groups or friends. Ako lang yata ang naiiba because instead of talking to a friend nasa isang gilid lang ako at nakikinig ng audiobook.
Pinagmamasdan ko ang mga ginagawa nila.
I envy them, honestly. Kung para sa ilan mahirap magsolve ng mga problem solving para saakin mas madali iyon kumpara sa paghahanap ng kaibigan.
Mayroon naman akong naging kaibigan noon pero matagal na at bata pa ako. Si Sheen na kababata ko, parang hindi naman niya ako kinokonsider na kaibigan. Ayaw noon saakin.
Masama talaga ang ugali ko. Argumentative pa ako at hindi nagpapatalo, aside from that I'm a perfectionist so basically ang
probability na magkaroon ako ng kaibigan ay 1. Himala na lang kung mangyari nga iyon.
Natapos ang araw na iyon ng ganoon lang. I spend my lunch inside the library, hindi ako kumain I just read books hanggang sa matapos ang time.
Id rather spend time alone than watching people eat with their perks habang ako'y miserableng mag-isa. And I don't want to give people another reason to gossip me. Bak pa nga ako pa ang maging topic ng halos lahat sa kanila.
Gusto ko rin namang maranasang magkaroon ng kaibigan but I can't imagine myself being with someone or in a group. And Mommy taught me that in this world, I can't trust anyone but myself. Dahil ang mga kaibigan hindi nagtatagal minsan pa nga sila pa ang sasaksak sayo kapag nakatalikod ka.
My mother made me think that way. She made me who I am today.
Habang nasa sasakyan may bigla akong naalala.
"Kuya, pwedeng huwag muna tayong umuwi? I'd like to go to a flower shop."
Sumunod ang driver ko. I sighed, how could I forget?
Today is my friend's death anniversary. I don't really know if my father remembers it o baka ako na lang talaga. Naguiguilty ako sa nangyari, papaano ko nagawang kalimutan si Mama? Siguro nalungkot iyon sa langit.
Kasama ang mga bodyguard pumunta ako sa loob ng sementeryo kung saan doon nakahimlay ang mga nacremate na mga bangkay. My mother's is in the nearest kaya hindi na ako nahirapan pang maghanap. There in a shelf lies her urn kasama ang nakangiti niyang letrato.
I smiled sadly when I saw that.
Hinimas ko ang glass na pumoprotekta sa kanya. "Sorry Ma, muntik ko ng malimutan." I said sadly.
Ang binili kong maliit na bulaklak ay inilagay ko sa loob ng puntod ni Mama.
I chose this photo of hers to be displayed gusto ko kasi na tuwing bumibisita ako ngiti niya agad ang sumasalubong saakin parang noon lang.
Gusto kong maalala siyang masaya at hindi 'yung maputla at nanghihina.
At such young age namulat kaagad ako sa kahirapan. Kami ni Mama ay nasa probinsya nakatira. Hiwalay sila ni Papa. Hindi nga alam ni Papa na may anak siya kay Mama. Hindi naman kasi nila gusto ang isa't-isa. I'm just an accident.
Pero hindi ko naman naramdaman kay Mama na ganoon ako. She showered me with love and care kahit hindi kami mayaman. Taliwas naman kay Mommy, lahat ibinibigay nito saakin pero ang kapalit ay kailangan kong gawin ang lahat ng gusto niya.
So basically what I owned were not given to me for free.
Kaya naiinis ako kapag nilalait ako ng mga tao dahil lang sa ugali ko. Not that I need to explain myself every time someone insults me.
Pagkarating ko ng bahay bumungad saakin si Mommy na may binabasa sa kanyang iPad. Nasa sala ito.
Lumapit ako at humalik.
"Nandiyan ka na pala." She said still focus in her iPad, huminga ako ng malalim.
Sa isip ko mapait akong napangiti. Palagi kong hinihintay na kamustahin niya ang araw ko. Is it too much to ask?
"Ano po 'yang tinitingnan niyo?"
Kumunot ang noo nito sa tanong ko pero hindi pa rin siya nag-aangat ng tingin saakin.
"Ah. I'm reading an article concerning your father."
"The interview?"
Tumango si Mommy. Last week, inimbita kami ng isang sikat na magazine para maging part ng issue for this month.
Matagal na sana nangyari 'yun kaya lang hindi tumutugma sa schedule ni Papa. We did some photoshoots, kaming pamilya at mayroon ring interview.
Iniwan ko na si Mommy at dumeretso na sa kwarto para makapagbihis. Kailangan ko pang magpractice ng violin ko para sa recital ni Tita Ana. She invited me to play in her recital, hindi ko naman mapahindiaan dahil kaibigan ni Mommy.
At syempre naroon ang ibang mga kaibigan ni Mommy. She will not miss the opportunity to make her friends jealous. Ewan ko ba pero parang nagiging hobby niyang bitbitin ako kung nasaaan ang mga kaibigan.
Para akong karina na pinahihili sa mga kakaproud.
Pagkatapos kong magbihis nagpractice na kaagad ako.
Masama ang mood ko ng sumunod na araw. Gusto ako kaagad pauwiin ni Mommy samantalang naplano ko na ang mga dapat kong gawin at puntahan para sa mga natitirang oras ko sa hapon.
Syempre ayoko namang sumobsob sa pag-aaral, I always make sure na nag-eenjoy pa rin naman ako kahit na papaano. And since I still have a week of freedom I will enjoy it until it lasts.
Inis akong lumabas ng sasakyan. For this day, I wear a miu miu floral ruffle mini dress, sling bag, nakapony tail ang buhok ko.
My outfit for today is simple and calm dahil sa light colors na kulay noon but my mood is the opposite.
Syempre hindi naman ako makakapagwala sa bahay. Baka pa palayasin ako!
Sana pala pineke ko ang mga schedule ng sa ganon walang magagawa si Mommy para isali ako sa mga kapritso niya.
This is the second day of school buong akala ko kahit papaano medyo luluwag na si Mommy saakin dahil alam naman niyang magigingbusy na ako but it turns that nothing will change.
Kailan kaya ako magkaka-say sa buhay ko?
Patungo ako sa room namin. Nakita ko ang pwesto kung saan ako pinagbintangan nung Garren. Mas lalong kumulo ang dugo ko.
Bwisit!
May mga nakaharang na kaklase ko sa pinto. Nag-taas ako ng kilay at nagsabi na dadaan ako. They did not move. Instead they continue their chitchats at naghuntahan pa dahilan kung bakit unti unti na namang tumutubo ang sungay ko.
"I said excuse me. Bingi ba kayo? Kailan pa naging tambayan itong pinto?" singhal ko.
I felt satisfaction when I saw the girl flinch at dali daling gumilid iyon nga lang 'yung isa ay hindi.
Sira na nga ang araw ko mas nasira pa dahil sa mga babaeng ito.
"What's with you ba? Dalawa ang pinto ng classroom. You could have use the other one." sagot ng babae. Nakataas rin ang kilay nito at sinuri pa ang itsura ko.
Ramdam kong tumitibok na ang mga ugat sa ulo ko sa sobrang pagkairita.
I was about to answer her when someone interrupt us.
"Ikaw na naman? Nambubully ulit?"
The hell?
"Garren! You're here na pala. Kanina pa kita hinihintay."
Napakurap ako ng ilang beses at pansamantalang nakalimutan ang ikinaiinis ko ng makita ko na naman ang bintangerong fashionista.
Iyong babaeng nakipagsagutan saakin ikinawit ang braso kay Garren daw at ngiting ngiti na nakatingin rito.
Si Garren ay nakangisi rin pero nagseryoso ng nagbaling saakin ng tingin. I almost roll my eyes when I remember that he accuse me again... for the second time.
Simple ang suot nito ngayon. Loose sweater, maong pants, rubber shoes, at sling bag. Gulo ang buhok niyang itim na itim.
Tinaasan ako nito ng kilay kaya tumikhim ako. Ayan, tingin pa!
"I-I'm not a bully." gusto kong irewind ang pagsasalita, i wasn't suppose to stutter as if I'm guilty. Bakit ba kasi kinakabahan ako sa paraan ng pagtitig niya?
Huminga ito ng malalim. Napapansin kong pinagtitinginan na kami ng mga tao. Ang ilan ay nagbubulung-bulungan na.
"I think you're just new here. Kung iyan ang nakasanayan mo sa dati niyong school please don't do it here. Baka maissue pa ang department natin ng dahil sa panghaharass na ginagawa mo."
Hindi ako nakaimik.
Iyan na naman siya sa mga malalalim na tingin niya!
Hindi ko inaakala na mawawalan ako ng argumento para ipagtanggol ang sarili ko. I just know that I'm blushing and ashamed kahit hindi naman dapat.
Para akong sinampal.
Mas lalong nagngingit ang kalooban ko ng nakangisi akong tinignan ng babae. There's a triumphant look in her face.
Lumakad sila at naiwan akong nakatayo sa may pinto. Napahiya at hindi makaimik.
Just wow... college just did that to me.
That Garren guy and her b*tch.
Paulit-ulit iyong tumatakbo sa utak ko. I'm actually plotting a lot of schemes to make them pay for what they did to me. Akala siguro nila basta basta akong tao.
Kung tama nga ang hinala ko at sa pagkakatanda ko nasa iisang department lang kami.
At ibig sabihin noon palagi ko silang makikita. I groan in frustration at inis na tinapon ang favorite kong glittered pen.
I'm doing an outline at hindi naman ako makapagfocus. Pabalik-balik kasi sa utak ko ang mga nangyayari. Hindi iyon tumitigil para bang nangaasar na memorya.
Sa tanang buhay ko iyon ang unang beses na napahiya ako ng ganoon.
Sa sobrang inis hindi ko na lang tinuloy ang ginagawa. Nawalan na ako ng gana.
Kinuha ko ang iPad ko at nagbukas ng social media's. Una kong binuksan ang i********: which is my frequent among my socmeds.
I browse my timeline, like some photos at pagkatapos nagtingin sa search.
Napabalikwas ako ng higa ng maalala. I search the name of the guy, Garren huh.
I don't know his surname basta Garren lang ang alam ko na pangalan niya. I do not actually expect to his profile dahil parang imposible naman, hindi lang siya ang may ganoong pangalan but I still search his name anyway.
Hindi ko naman siya isesearch kasi interesado ako sa kanya. Syempre dapat kilala mo ang mga kaaway mo.
Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi ng makita ang profile niya. O-M-G! I've found it.
I click his profile and I got disappointed when I saw that it was in private. I got excited for nothing. Bakit nakaprivate?!
Ah baka naman may tinatago. Arggg hindi ako mapakali.
Mayroong 200 posts doon at mayroon siyang 150K+ na followers. Woah ang sikat naman. Ako nga 10K lang hindi pa stable kasi may mga epal na unfollowers.
Wala sa sariling naclick ko ang follow button. When I realize what I did agad kong pinatay ang iPad. Ok, calm down Kalila. It's just a goddamn follow.
What does it feels like to do things you like and not those that are being force to you?
Palaging iyan ang pumapasok sa utak ko. I thought that pleasing my mother will make me happy pero bakit ganoon? Habang tumatagal parang nakakapagod.
I love her because we might not be related with each other, that I'm just the unwanted daughter of her husband, yet she still take my mother's responsibility.
Kinupkop niya pa rin ako.
Iyan ang tumatakbo sa utak ko habang nagpeperform kanina sa recital ni Tita Anna. Kahit na nagpapalakpakan na ang mga tao sa performance ko, parang wala lang saakin iyon.
Ibinigay ko ang lahat sa performance ko, ang lahat ng nararamdaman ko hoping that my music will reach her somehow.
As I watch the crowd I look for my mother. Hindi naman nagtagal iyon at nakita ko rin siya.
Nabalot ng pagkadismaya ang pagkatao ko ng makitang hindi man lang saakin nakatutok ang kanyang atensyon. Napanood niya ba ang performance ko o kanina pa siya nakikipagusap sa kaibigan niya?
Nagpractice ako hanggang madaling araw para sa magandang performance. Kahit na pagod pa galing eskwela at may pasok pa kinabukasan I still do my best.
Because I'm hoping, I'm hoping that she will look at me proudly and boast me to her friends.
Bakit kahit nagsikap naman akong ibigay ang lahat sa pagpapractice yet my effort seems nothing. Parang gusto ko na lang hindi galingan kasi sa mga kasama ko rito, hindi man sila napapalakpakan ng kasing lakas ng saakin iyong mga magulang naman nila sobrang saya.
I can see in their eyes that no matter how the crowd react to the performance of their child, either they are happy or not it's fine for them. They recognize the effort of their child.
I'm always longing for that kind of love. Iyong pakiramdam na may taong proud na proud sayo. I want to feel being embraced by a loved one and praise me for what I have done.
Pero kung mahirap naman iyong gawin kahit simpleng ngiti lang, for me that is more than ok kaysa wala.
But who am I to demand.
We, humans demand things that we can't have. We are greedy and ambitious to the point that we do desperate things to get what we want. But it doesn't mean we are bad sometimes it must be done for us to be able to feel valid and wanted, to feel being accepted and loved.
And that is my flaw as a human being.
Nagsipuntahan sa stage ang mga magulang ng mga nagperform. Some congratulated me and I just smile for the sake of formalities and not to be rude to them.
Hinanap ko kaagad ang pwesto ni Mommy and she's still there in her place the last time I saw her still busy with her chitchats.
Mas nauna pa akong pansinin ng kausap ni Mommy kaysa sa kanya. Ngumiti ako ng malawak dahil doon. Tama na ang pagiging bitter Kali!
"I've watched your performance hija, ang galing mo! Ang ganda mo pa." I smiled again at tuluyan ng tinabihan si Mommy. Tumingin lang ito saakin at doon na ulit sa kausap niya itinuon ang atensyon. That hurts.
Dahil pinanganak na mayaman at nanggaling sa mayamang angkan, maraming kaibigan si Mommy na kagaya niya. Sa mga party or events nakakasalamuha ko ang mga anak nila. Minggle lang at hindi pakikipagkaibigan ang ginagawa ko.
Alam ko naman kasing hindi iyon madaling ibigay lalo na sa isang kagaya ko. Halos lahat ng tao alam ang pag-uugali ko kaya kung hindi sila ilag ay napipilitan lang na lumapit saakin.
"Of course I hired the best teacher for her. Sayang naman ang perang ginagastos ko kung walang kinahihinatnan." Si Mommy.
I flinched for what she said. May mga pagkakataon talaga na kahit totoo naman ang lungkot pa rin kapag pinakikinggan.
The way she talks, napakasopistikada. Kahit sa pananamit niya alam kaagad na hindi siya basta basta.
Gusto ko ng magyayang umuwi. I really want to rest. Baka hindi ako makapasok sa school sa sobrang pagod. Mabuti na lang start pa lang ng pasukan. Hindi ko na yata kakayanin pang isabay ang mga hobbies ko kapag nagumpisa na ang klase.
I should learn how to manage my time properly.
End of flashback