Nagtagal ang titig ko kay Garren. I wasn’t expecting him to confirm my allegations towards him. Hindi girlfriend pero kilala ng mga kasambahay? At gusto niya na paniwalaan ko iyon?
Pinanliitan ko siya ng mga mata. Kahit pa anong sabihin niya hindi pa rin magbabago ang tingin ko sa kanya. He was always be the person who betrayed me. Kahit pa pumayag akong ok na kami, I will never forget the misery he put me into. I can forgive but I will never forget.
“And you think I will believe that? Bakit ba itatanggi mo pa? It’s not like you are cheating or something. Besides, I'm not the type to kiss and tell. Kaya ko naman magtago ng sekreto.”
Walang preno kong sabi. He did not react, akala ko mapipikon siya pero parang wala lang iyong sinabi ko. He’s unbothered na mas lalong kinainisan ko.
“I’m telling the truth. Wala akong nakikitang rason para magsinungaling tungkol sa bagay na iyan.”
Napanganga na lang ako sa mga sagot niya sa akin. Hindi naman siya naiinis. Why am I expecting a different reaction from him? Para patunayan na tama nga ako all this time? Because the way I see it, parang hindi siya iyong taong gagawa ng bagay na ginawa niya sa akin noon.
“Ok. Fine kung iyon nga ang totoo pero don’t expect me to believe in your lies. Remember? Something?” he stiffened with my retort. May mali ba sa sinabi ko? Bakit parang nabuhusan siya ng malamig na tubig.
Naiwan ko siya sa paglalakad. Hindi na ako nagdalawang isip na balikan siya at dumeretso na. Bahala siya kung gusto niya pa akong sundan o uuwi na lang siya sa kanila. Wala naman akong pakialam…
Himala nga na nakauwi ako at natandaan ko ang daan sa bahay. Parang may sariling utak ang mga paa ko at kusa na lang akong dinala noon sa tamang daan.
Parang sirang plaka na paulit-ulit sa utak ko ang sinabi ni Garren. Inis kong sinapo ang mukha ko. Bakit ba apektadong-apektado ako sa pag-amin ng mokong na iyon?! Ano naman ngayon kung hindi nga siya nagka-girlfriend? Bakit parang nagbubunyi pa ang puso ko!
Nababaliw na yata ako.
Sa kwarto ko kaagad ako dumeretso. Buti na lang talaga at wala akong nakasalubong dahil natitiyak kong magtatanong ang mga iyon kung bakit bigla na lang akong nawala. Hindi ko naman pwedeng sabihin kung saan ako nanggaling. I don't want them to think that there is something going on between us.
Si Mama wala rin. I have no idea where she is right now pero mas maigi na rin na wala siya. I don’t have the energy to argue with her. Besides, I'm trying to get on her good side. Mas makakabuti na lumayo muna ako pansamantala habang hindi pa ako nakakaisip ng solusyon sa problema ko.
Kailangan kong makaisip ng plano sa lalong madaling panahon. I can’t stay here.
Nakaidlip yata ako dahil paggising ko wala ng araw. Wala naman akong masyadong ginawa sa araw na ito pero pagod na pagod ako kaya nang hinila ng antok hindi na ako nanlaban pa. Kinusot ko ang mga mata at nag-inat. My brow creased when I heard a loud noise coming from the outside.
Anong meron?
Pumunta akong banyo para mag-ayos ng sarili. Kumuha ako ng t-shirt at shorts atsaka nagpalit. I like these kinds of clothes because it's comfortable. Pinagmasdan ko pa ng maigi ang sarili ko sa salamin bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.
I was shocked to see people I’m not familiar with inside the house. Sa kusina sila pumupunta at paglabas ay may dala dala na. Kung hindi plato at mga kubyertos ay mga pagkain naman. Parang wala naman nabanggit sa akin sina Lola na may celebration pala sa bahay.
Paano na lang kung hindi ko narinig iyong ingay, edi lumabas akong mukhang bruha.
“Nandiyan ka lang pala sa kwarto mo! Alam mo bang kanina pa kita hinahanap Kali?” bigla na lang sumulpot si Lucy sa tabi ko.
“Anong meron? Bakit ang dami yatang tao sa labas na mga hindi ko kilala?” ako, binalewala ang tanong niya kanina dahil mas curious ako kung bakit sila nandito.
Lucy crane her neck to see where I’m looking at, “Ah, may celebration kasi di ba umuwi kayo galing Maynila at ito ang unang beses. Plano na ito kahapon pa pero dahil tulog ka at nakalimutan ko ring sabihin kaya ayon, surprise!”
Talaga? Ginawa nila iyon para sa amin?
Is that really a big deal na umuwi kami rito ni Mama? Sabagay, since I was young, never akong dinala rito ni Mama for some unknown reasons. Hindi na rin naman ako nag-uusisa because I was too young back then.
“Tara na sa labas! Ang daming pagkain…” pag-aya ni Lucy, hindi pa nga ako umoo sa alok niya pero nahila niya ako kaagad palabas ng bahay papuntang terrace.
May nakahilera nga na lamesa sa labas at may mga nakahain na roon. May malaking tarp na nasa itaas at nagsisilbing bubong. Everyone’s busy helping each other. Nakakamangha lang tignan na ganito sila ka-close sa isa’t-isa.
Ang simple lang ng buhay nila pero halatang masaya. Nakakapanibago, sa Manila kasi wala naman ganito. Kami lang ni Mommy sa bahay at pati si Manang tapos palagi pang umaalis si Mommy. After Papa died ganoon na lang kami palagi. At least we are not like those who are pretending that everything is ok.
Kaya ako lang talagang mag-isa. Si Dylan naman busy din but he makes time for me. Ayoko nga lang na iniistorbo siya. I know and I'm aware that he has a huge responsibility that needs to be taken seriously. Nag-iisa siyang anak at taga-pagmana kaya not like me who's still depends on her mother.
Gusto ko rin sana na humanap na ng trabaho but I'm still not ready for it.
Kung ganoon lang talaga baka wala ako dito. There is no way I will let my mother control me kung sakali na kaya ko ng tumayo sa sarili kong mga paa. I will surely leave home. That's the plan pero habang wala pa ako roon, susulitin ko muna na wala akong responsibilidad na kailangang harapin.
May mga iilan akong nakikita na hindi pamilyar sa akin. Sina Lola at mga tita ko abala rin. Si Mama hindi ko pa rin nakikita. Nasaan naman kaya 'yon? Himala na wala siya para sermunan ako. Or ipaalala sa akin ang kasalanan ko bagay na palagi niyang ginagawa. Hobby niya na nga yata na sermunan ako kapag may makukuha siyang pagkakataon.
"Sino ba iyong dalaga na iyon? Ngayon ko lang yata nakita?"
"Ah, anak iyan nung isang anak ni Manang. Iyong nag-Maynila."
Kumunot ang noo ko sa mga narinig. Ang tsismoso naman ng mga tao rito. Hindi ba nila nakikita na naririnig ko sila?
I continued watching them but someone caught my attention. Si Garren, kasama si Candy.
Anong ginagawa nila rito?