Chapter 12

1265 Words
Nanatili akong nakatitig sa dalawang bagong dating. Parang kanina lang magkasama kami ni Garren and he was denying his relationship with that Candy pero sa nakikita ko ngayon, I don't think he is telling the truth. Nakalimutan ko na malapit nga pala si Garren sa pamilya ko rito. Akala ko ba walang namamagitan sa kanila? Eh bakit parang magdedate lang? I know I don't have the right to get angry pero hindi naman tungkol doon ang ikinagagalit ko. Its the fact that he lie to me. What for? Its not like I will tell people about their relationship kung sakali na sekreto nga iyon. Garren is wearing his usual outfit, a matching t-shirt with pants. His hair's still wet from the shower. Meanwhile, Candy is wearing a summer dress. Pansin ko na mahilig siyang magsuot ng ganoon lalo pa iyong mga vibrant ang kulay. Bumagay iyon sa kanya lalo pa at may maputi siyang kutis. She looks like Dylan's model friends. Wala siyang ginagawa pero she can effortlessly get the attention of many. Its as if she's a flower in the middle of a field. She paired it with a flat sandals at kasalukuyan ang dalawa na nakikipag-usap sa mga taga-rito. Wala sa sarili akong napatingin sa suot ko. Iyong suot ko parang napadaan lang. Iyong tipong bibili lang sa tindahan look. Wala namang dress code pero parang na conscious ako ng konti. Disente naman ang suot ko pero wala pa ring panaman sa kay Candy. Why would I feel insecure? This is my style. “Tignan mo, magkasama na naman iyong dalawa. Mukhang wala ka ng pag-asa pinsan,” pabiro akong siniko ni Lucy at nginisian pa ako ng nakakaloko. Hindi ko pinansin ang pang-aasar niya. Syempre ayokong ipakita sa kanya na naapektuhan ako. Eh ano naman ngayon kung sila nga? Its none of my concern. Sumimangot na lang ako at hindi na nagsalita pa. Nagpaalam si Lucy sa akin na tutulong muna raw siya sa pag-aayos. Gusto kong sumama pero ayaw niyang pumayag. Nakakainsulto na porke hindi ako marunong sa gawaing bahay eh hindi na niya ako mapagkakatiwalaan. "Kami na muna ang bahala! Para sa inyo ang salo-salo!" Ang ending pumasok na lang ako sa loob ng bahay, kaysa naman makita ko pa iyong dalawa. Ang sakit lang sa mata. I snorted when I remember what Lucy said. Ano namang kacele-celebrate sa pagdating namin? Wala namang espesyal doon maliban sa nakakaout of place. Kung hindi ko lang sana kailangang magpagood shot kay Mama baka tumakas na ako. I hate this kind of parties lalo iyong sinecelebrate on my behalf. I stopped celebrating after Papa left. Siya lang naman kasi ang nakakaalala sa mga importanteng araw sa bahay. Si Mama? I don't know. Baka nga pakasalan niya na ang trabaho niya sa sobrang busy niya. Inabala ko ang sarili sa pagkalikot sa phone ko. Mahina ang signal kaya mas lamang pa ang pagkabugnot ko kaysa sa paglilibang sa sarili. Ang hirap talaga kapag nasa isa kang lugar na wala kang ka-close. Hindi ko alam kung anong gagawin para hindi magmukhang ewan dito. Gustuhin ko man na magmukmok na lang sa kwarto, nakakakonsensya na balewalain itong inihanda nila. Masama lang ang ugali ko pero may puso pa rin naman ako. Napagdesisyunan kong lumabas na lang muna pero sa kusina ako dumaan, mahirap na at baka makasalubong ko iyong dalawa. Gusto ko nang bumalik sa Maynila. I feel like I don’t belong here, or even there but at least I’m used to my life there. I don't mind being alone. Kaya lang naman ako sumasama sa mga kaibigan ni Dylan ay para malibang. Matagal ko ng tinanggap na hindi ako magiging welcome roon. I already stopped fitting in. What's good about not expecting is that less disappointment. Basta hinahayaan nila akong sumama sa kanila ok na ako roon. Humanap ako ng pwedeng matambayan pansamantala dahil iniwan ako ni Lucy. Kapag nakita ko talaga iyon malalagot siya sa akin. Siya dapat itong kasama ko. Pumuwesto ako sa may garden ulit pero nasa likod naman. Ang dami namang garden sa bahay na ito! Walang masyadong tao roon. Finally, a peaceful place. “Bakit parang ngayon lang umuwi iyang anak ni Manang? Hindi ko pa iyan nakikita, kahit pasko o bagong taon at iba pang mahahalagang okasyon ay wala naman," kwneto nung isa. Kumunot ang noo ko sa narinig. Hindi ba nila ako napapansin? At sino iyong pinag-uusapan nila? "Naku wala ni anino! Aywan ko ba kung bakit bigla na lang umalis. Ang alam ko may nangyari pero hindi ko lang sigurado dahil wala rin naman nakakaalam. Himala nga at umuwi iyan dito at isinama pa ang anak," eksaherada nitong kwento. "Aba ay dapat lang! Hindi habang buhay nandyan ang nanay at tatay niya. Baka kapag bumalik siya huli na. Nakakalungkot lang na nabalo siya ng maaga..." Bakit ba ang big deal sa kanila na umuwi si Mama rito sa probinsya. Tuloy-tuloy ang usapan nung dalawa. Hindi ko alam kung dumayo lang ba sila rito para makitsismis o ano. I hate that they were talking my mother in that manner. Na para bang may kasalanan siyang ginawa. We're are not ok but I still don't want people bad mounting her. May masama ba kung pipiliin ng isang tao na lumayo? Why do they always associate leaving to committing a mistake and runaway. Hindi ba pwedeng mag-explore lang? Kung ako si Mama baka ganoon lang din ang gawin ko. "Mawalang galang na po, itatanong ko lang sana kung saan iyong banyo?" may biglang sumingit sa usapan nung dalawa. Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman kung sino iyon, si Candy. Pagkasabi niya noon himala na nagsialisan ang mga nagkukwentuhan. Ginawa niya ba iyon para itaboy iyong mga nag-uusap? "Andito ka lang pala! Bakit wala ka roon sa labas? Many people are dying to meet you." Magiliw na pahayag ni Candy nang makalapit sa akin. Mapakla akong ngumiti, lumayo na nga ako nahanap pa din. Ngumiti ako ng mawalak, "Mas gusto ko rito. Saka na lang ako pupunta kapag naguumpisa na," I did not try to hide the displeasure I felt when she approach me. Hindi ako plastic na sasakay sa trip niya. She already knows that and yet nagpupumilit pa rin siya na lapitan ako. Mahirap bang intindihin iyon? "You know I also hate you but then I'm trying to be civil here. Sana ganoon ka rin. We can become friends hindi imposible di ba?" sabi niya pa. She's really getting on my nerves. "Ano bang gusto mo? Mukha bang gusto ko ng kausap? Di mo ba gets iyong salitang privacy? Because the way I see, you are lacking with some" Kapag talaga naiinis ako lumalabas ang pagiging pasmado ng dila ko. Hindi ko na mapigilan na magsalita kahit pa masakit iyon. Kaya nga palagi kaming magkaaway ni Mama. She always provokes me at kapag naiinis na ako nagagalit na siya. Na parang wala siyang ginawa para magreact ako ng ganoon. Napawi ang ngisi ni Candy, hindi niya siguro inaasahan na lalabanan ko siya. Kung hindi na sana siya lumapit edi hindi siya makakatikim sa akin. Gusto niya akong inisin? Fine we will play her game. Siguraduhin niya lang na kaya niyang makipagsabayan sa akin. "Why are you so rude? I'm just being nice?" Tinaasan ko siya ng kilay, bakit biglang nagbago ang mood? Parang kanina lang nanggigil na sa akin pero ngayon dinaig pa ang maamong tupa. Lumingon ako at sa nandoon pala si Garren, pinapanood kaming dalawa ni Candy. I mounted why, umiling lang siya at bumalik na sa pinagkakaabalahan. Naglalandian ba sila? Kailangan sa harapan ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD