Nag-umpisa na ang kainan. Many people were invited and they were all smiling at me whenever they saw me. Nakakaoverwhelm dahil hindi naman nila ako kilala pero they treated me as if I belong here. This might be the first time that I don't feel like I have to fit in just to please people.
May mga ilan akong tita na inaalok akong kumain. I decline them properly because I'm with Lucy. Game na game itong ipakilala ako sa mga kakilala niya. Hila-hila niya ako kahit saan siya magpunta. Hindi na lang ako nagpoprotesta dahil ayos lang din naman kaysa tumunganga ako sa kawalan.
May tumutogtog na karaoke at may mga nakapila na para ilagay ang mga kanta nila. Samantala marami na din ang nakapila sa lamesa na may mga pagkain. Sobrang sayang tignan ng mga tao, they look so lively. Kahit simple lang ang buhay nila, they still manage to smile.
"Ito nga pala ang pinsan ko si Kalila, pero Kali na lang. Galing siyang Maynila," si Lucy at ipinakikilala ako sa mga panibagong kaibigan. Akala ko tapos na siya. Bakit parang lahat yata kaibigan niya?
Isang matangkad na binata ang nasa harapan ko. He looks ok but he is shy lalo pa nang iniabot sa akin kamay. Is he blushing?
"Nice to meet you all," saad ko at nginitian sila.
"Si Lance iyan, ito naman si Lotty at si Ana. Sila talaga ang mga kaibigan ko. Magkakaklase kami simula grade 1." kwento pa ni Lucy.
May mga table na nakahilera sa labas at niyakag ako ni Lucy sa isang bakanteng lamesa kasama ang mga kaibigan niya. Mas matanda ako kay Lucy kaya naiilang ako sa mga kaibigan niya. Baka kasi iba pala ang mga gusto ko sa mga hilig nila at mas maging awkward pa kung iimik ako.
Pumunta kami sa table na may may pagkaing nakahain. Marami ang mga iyon at may ilan na hindi pamilyar sa akin. Masipag si Lucy sa pagpapaliwanag sa akin ng mga pagkain na hindi ko kilala. Nagsusuggest din siya ng mga dapat kong tikman na sinunod ko naman.
Pagkatapos naming kumuha ng mga pagkain doon kami sa table dumeretso. Ngayon ko lang naramdaman na hindi pa pala ako kumakain dahil kumalam ang tyan ko. Tamang tama na ang daming masasarap na pagkain sa plato ko.
Hindi ko pa rin nakikita si Mama hanggang ngayon. Saan kaya iyon nagpunta? Akala ko ba para sa amin ang handaan na ito? Dapat nandito siya, mukha may ilan siyang kakilala na naririnig kong naghahanap sa kanya. Bahala siya, she's missing the fun here. Mahirap kapag palaging subsob sa trabaho.
Makwento talagang likas si Lucy, she makes out table lively na sinasakyan ng mga kaibigan niya. Kahit pa hindi kami halos magkarinigan dahil sa lakas ng music galing sa karaoke.
Para mas masaya pa yata iyong ganito kaysa sa mga pagsama sama ko sa mga bar na madalas pinupuntahan ng mga kaibigan ni Dylan. Nagpaplastikan lang naman kasi sila roon. Except for having fun, they go to bars to show off. Kagaya na lang nung isa kong kaibigan kuno. Ok naman siya pero mahahalata mo talaga na nakikisali lang siya dahil sikat ang grupo.
Ako? I'm just going with the flow.
Bakit nila pahihindian ang kaibigan ng favorite nilang barkada. They tolerate my presence because of Dylan. Kaya nga kahit inis sila sa akin wala silang magawa. No one like to mess up with Dylan Narvaez. He might look like kind and bubbly pero hindi nila alam na masama itong magalit.
Nararamdaman ko na kanina pa ako tinititigan ni Lance. Nung una ayos lang dahil baka kinikilala niya pa ako pero habang tumatagal naaasiwa na ako. Bakit ba ganoon siya makatingin?
I excuse myself from the group. Pero sa totoo lilipat lang talaga ako ng pwesto. Paano ako kakain ng matiwasay kung kada galaw ko nakasunod ang mga mata niya? Ang awkward lang. At sino ba ang may gusto na tinititigan kapag kumakain? Nakakawalang gana kapag ganoon.
Nakakita naman ako ng tago na pwesto at doon ako nagpatuloy sa pagkain.
Grabe ang saya nila. Mas gusto ko na tumitingin lang kaysa ang makisali.
"Bakit nandito ka sa tago kumakain?"
Muntik ko ng mabitawan ang kutsara at tinidor ko sa sobrang gulat. May bigla na lang kasing nagsalita sa gilid ko. Nakatulala pa naman ako sa mga tao. It was Garren, dala dala ang plato niya. Hindi pa ako pumapayag na umupo siya sa libreng upuan na katapat ko umupo kaagad siya.
Wow, ni hindi man lang nagtanong kung papayag ako.
Sinamaan ko siya ng tingin pero dedma lang siya.
"Ano naman ang ginagawa mo rito," mapakla kong tanong, nawalan na tuloy ako ng gana.
"Kumakain?"
Sinipa ko siya sa ilalim ng lamesa. Napadaing siya sa ginawa ko pero ang loko at nagawa pa akong tawanan. Bakit ba nakikipagtawanan ako sa mokong na 'to? Di'ba enemy siya?
"Bakit imbis na ako ang guluhin mo eh yung girlfriend mo na lang na mahilig magfloral dress, akala mo garden,"
Hindi ko intensyon na magtunog nagseselos ang boses ko pero iyon na nga ang nangyari. Rai now looks at me as if I just said a foreign word to him.
"Hindi ko nga 'yon girlfriend ang kulit mo naman. Kung girlfriend ko iyon hindi ako makikiupo dito sa lamesa mo. I will not give her a reason to be jealous."
I have to stay uninterested!
"Whatever,"
Nagtuloy ako sa pagkain nang hindi tumitingin sa kanya. Ang dami naman available na table pero dito pa talaga niya napiling sumiksik. Hindi niya ba nasesense na naiinis ako sa pahmumukha niya? Ni maamoy ko pa lang siya ay naiinis na ako.
"What makes you think that she's my girlfriend?" out of nowhere he asked.
"Bakit ko naman sasabihin? Alam mo gets ko naman eh, if you want to keep your relationship in private then go, its not like I will care. Buhay niyo naman iyan. And besides you were always together kaya hindi kasalanan ng mga nakakakita sa inyo na mamisinterpret ang mga kinikilos niyo."
He nodded multiple times, is he mocking me or something bakit parang iba yata nag dating noon sa akin...
"Eh ikaw, mukhang may gusto sa'yo iyong katable mo kanina na lalaki," nagtaas ako ng kilay sa tanong niya. Look who's curious, akala ko ako lang ang tsismosa siya rin pala.
"I don't know? Gusto mo itanong ko?"
Para kaming mga sira dahil nag-aaway lang naman kami. Ni hindi ko na nga naubos ang pagkain ko kasi go na go akong makipaginisan sa kanya. Syempre there is no way I will let him win. Kung hindi pa kami nilapitan nina Lola ay hindi kami aayos. Lola suddenly hugged me.
Awkward para sa akin iyon pero naiintindihan ko na matagal bago kami nagkaroon ng ganitong pagkakataon. Ito pa lang yata ang unang beses na nagkita kami. It was all a first time to me.
"Sana ay mag-enjoy ka, kumain ka pa at marami pang pagkain doon sa hapag,"